You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Musika 4

Thursday (January 19, 2023)

I. Layunin:
1. Nakikilala ang mga sofa-syllable sa staff at sa ledger line sa ibaba at itaas ng staff.
2. Natutukoy ang ang mga sofa syllable sa staff.
3. Nababasa at naaawit nang tama ang mga sofa-syllable sa isang awitin.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Sofa- Syllable sa Staff
Kagamitan: Piano, TV, manila paper
Sangguninan: aklat- Musika at Sining 4, pahina 53-56

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
Balik-aralan ang mga iba’t- ibang pitch names sa staff
Pangkatin ang mga mag-aaral at laruin ang “pitch names game”

A. Pagganyak
Iparinig ang kantang “Chua-ay” na komposisyon ni Fide’l G. Calalang Jr.
Ipaawit din ito.

Salin: Siya'y nakatira sa isang bahay kubo  


kubong nakatago sa likod ng bundok  
akya' t panaog, pasan ang banga  
hirap na hirap na siyang magdala  

B. Presentasyon

Magpakita ng mapa ng Pilipinas particular sa cordillera. Itanong kung saan kaya matatagpuan sa
mapa ang lugar na pinanggalingan ng awit.

C. Paglalahad/ Pagtatalakay

so la ti do re mi fa so la
re me fa
do
C
Talakayin ang posisyon ng mga sofa-syllables.
C- DO A- LA
D- RE B- TI
E- MI C- DO
F- FA
G- SO
Gamitin ang awit na Chua-ay bilang halimbawa

Isulat/idikit ang kanilang sofa-syllable.


Ipabasa ang sofa-sylablle ng chua-ay
Hikayatin ang mga bata na awitin ang sofa- syllable ng chua-ay.
D. Paglalahat
Anu- ano ang mga iba’t- ibang sofa-syllable?
E. Pagtataya
Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan sila ng kopya ng awit na “Bagbagto” na may
musical note. Ipadikit ang mga sofa syllables ng mga ito. Bigyan sila ng 3 minuto upang gawin ito.
Ipadikit sa pisara ang kanilang nagawa.

Ipabasa ang mga sofa -syllables na kanilang idinikit.

IV. Ebalwasyon
Isulat ang sofa-syllable ng awit ng “Salidummay”

Inihanda ni:
SHARON M. WAGAYAN

You might also like