You are on page 1of 5

Modelo Ng Pagsasalin

AKSYON > PAGPAPLANO NI BENJAMIN


SPALL
SEPTYEMBRE 7, 2012 (NEW YORK)

INGLES - TAGALOG

GROUP 1

Gabatino, Sheanne

Collera, Ronice

De Villa, Jacky

Lim, Angelica

Tagapagsalin

Bb. Analizbeth Punongbayan

Guro
Action > Planning By Benjamin Spall September 7, 2012 (New York)

Aksyon > Pagpaplano ni Benjamin Spall September 7, 2012 (New York)

We are too good at planning ahead. Whether jotting down our future plans into a journal, or
stocking up on notebooks for the coming years, planning is our thing, and we’re well-learned in the habit.

Masyado tayong magaling magplano nang maaga. Itala man natin ang mga plano sa
hinaharap sa dyornal, o mag-ipon ng mga mga kwaderno para sa mga susunod na taon, ang
pagpaplano ay gawain na natin, at magaling tayo sa ugali na yan. Bawasan ang lahat ng gusto
mong gawin, sa isang aksyon na magagawa mo ngayon.

“Reduce everything you want to do, to an action you can do right now.” — Jason Randal

“Bawasan ang lahat ng gusto mong gawin, sa isang aksyon na magagawa mo ngayon.” —
Jason Randal

But planning often doesn’t get us anywhere, at least in the beginning. I have a number of “plans”
surrounding numerous different ideas and ventures, stored in both ink on the page and pixels on the
screen that never got past the simple planning stage, despite their execution being meticulously planned
out for months and years to come.

Ngunit ang pagpaplano ay kadalasang hindi tayo nadadala sa kahit saan, kahit sa pa
simula. Mayroon akong ilang "mga plano" na napupuno ng maraming iba't ibang ideya at
pagbabalak, na nakalagay sa parehong tinta sa pahina at mga pixel sa screen na hindi kailanman
nakalagpas sa yugto ng pagpaplano, sa kabila ng kanilang pagpapatupad na maingat na
pinagplanuhan para sa mga buwan at taon na darating.

What do you want to do? From traveling the world to starting your first business, there are a
thousand and one things you could plan around each of them right now; from making sure you look up
the best backpack to take with you on a world trip, to deciding on a designer to piece together the logo for
your new business.

Ano ang gusto mo'ng gawin? Mula sa paglalakbay sa mundo hanggang sa pagsisimula ng
iyong unang negosyo, mayroong isang libo at isang bagay na maaari mong planuhin sa bawat isa sa
kanila ngayon; mula sa paninigurado na hahanapin mo ang pinamagandang bag na dadalhin mo sa
isang paglalakbay sa mundo, hanggang sa pagpapasya sa isang taga-disenyo upang pagsama-
samahin ang logo para sa iyong bagong negosyo.

But none of these things are what we should be asking ourselves right now. Before planning our
lives away we need to take the first step in anything we want to do.

Ngunit wala sa mga bagay na ito ang dapat nating itanong sa ating sarili ngayon. Bago tayo
magplano ng ating buhay, kailangan nating gawin ang unang hakbang sa anumang nais nating
gawin.
How will you fund yourself while traveling around the world? Is there a viable market for your
business?

Paano mo popondohan ang sarili mo habang naglalakbay sa buong mundo? Mayroon bang
naangkop na merkado para sa iyong negosyo?

We all know that action is the only about-turn that ever gets us anywhere. Reduce everything you
want to do to its first step, then take action on it.

Alam nating lahat na ang aksyon ay ang tanging magkapagbabago ng daan na magdadala
sa atin kahit saan. Bawasan ang lahat ng gusto mong gawin para magawa ang unang hakbang nito,
pagkatapos ay gumawa ng aksyon dito.

LAGOM

Mahalaga ang pagpaplano sa buhay at ito’y kailangan para mabalanse ang mga posibilidad
na mangyayare sa hinaharap bago gumawa ng aksiyon. Ngunit, ang pagpaplano ng lubos o marami
na nagdudulot ng pag iimbak ng mga tunguhin ay walang kabuluhan. Mas mabibigyan ng hustisya
ang plano kung gagawin muna ang unang hakbang na pag iisipang mabuti ang mga mahahalagang
impormasyon bago magbigay ng aksyon. Hindi maaaring gumawa ng aksyon ng hindi nagsisimula sa
unang hakbang. Gaya nga ng sabi ni Jason Randal, “Bawasan ang lahat ng gusto mong gawin, sa isang
aksyon na magagawa mo ngayon.” Hindi makakamit ang mga plano kung ito ay marami kung kaya’t
bawasan ang mga ito o huwag mag pokus sa pagpaparami ng plano sa halip ay mag pokus sa
pagkamit nito.

KRITIKAL NA PAG-AANALISA

Ang artikulong isinalin ng pangkat ay mayruong moralistikong umiikot sa paksang hindi na bago
sa atin, bilang mga tao ang bumuo ng maraming ambisyon at magplano para sa hinaharap, mayroong aral
sa isinulat ni Benjamin Spall na posibleng makamit ang lahat ng ito kung babawasan mo ito sa aksiyong
magagawa mo ngayon. Kapani-paniwala nga ba at tumumpak ang artikulong naisalin?

Sa literaturang isinulat, mababasa na obhektibo at natural na ang pag dami ng plano natin ukol sa
hinaharap, bagamat kadalasan, hindi daw tayo nadadala nito kahit saan sabi ng manunulat na si Randal.
Inihalintulad niya ito sa sarili niyang karanasan kung saan nasambit na ang kaniyang mga plano ay
hanggang sa tinta lamang ng panulat at pixel lamang ng screen matatanaw.

Pangaral at napokus ang paksa sa aral na mahalaga ang pag aksyon at paghakbang para sa mga
plano, kaysa sa isipin ang mga bagay na gagawin mo sa planong ito. Hindi maitatanggi na sa kalagitnaan
ng pagpaplano, nakakasabik isipin ang mga materyal na bagay na gagawin at gagamtin kaysa sa
paghakbang, ngunit kung hindi pag tutuunan ng pansin ang mismong paraan at aksyon ay mananatilina
lamang ang planong ito sa listahan at isipan gaya ng sinasabi ng manunulat ng artikulo.

Bilang pagtatapos, sa pagaanalisa na ito, matatanim sa isipan ng mambabasa ang obhektibo ng


artikulo sa pamamagitan ng pagbabasa sa konklusyion at huling talata ng artikulo.

“Alam nating lahat na ang aksyon ay ang tanging magkapagbabago ng daan na magdadala sa
atin kahit saan. Bawasan ang lahat ng gusto mong gawin para magawa ang unang hakbang nito,
pagkatapos ay gumawa ng aksyon dito.” – Benjamin Spall

Ang pag aksyon, sa konklusyon ang tunay na makakapagbiga sa atin ng tunay nating ninanais
higit kesa sa pagpaplano lamang.

PAGSUSURI SA AYONG SIKOLOHIKAL

Naging madali ang pagsulat ng awtor sa artikulong ito dahil naiuugnay nya ang mga impormasyon galing
sa kaniyang sariling karanasan. Naitimo sa kanyang isipan o kanyang natutunan na ang walang
maidudulot ang pag iimbak ng plano kesa sa pagtupad nito. Makikita ang damdamin ng awtor sa artikulo
na bagaman nalulungkot na hindi natuloy ang kanilang mga naipong plano noon ay naging masaya naman
dahil natutunan nya na ang susi para magawa ang mga plano ang unahin ang unang hakbang patungo sa
aksyon imbes na mag ipon ng plano. Makikita dito ang kaniyang pananaw, paniniwala, at pagkatao
hinggil sa paksa na ito. Nabigo man noong hindi pa nya natatagpuan ang susi ngunit nakilala nya naman
ang tunay na katauhan nya bilang indibidwal sa paksang ito.

PAGSUSURI SA AYONG SOSYOLOHIKAL

Ang awtor ay makakikitaan ng pagiging aktibo sa kapaligiran. Gaya ng kanyang artikulo, malamang na
naisip nya na abala ang mga tao sa kanilang trabaho, pag-aaral, at marami pang iba kung kaya't nagkaroon
siya ng konklusyon na may mga tao na nakakapag ipon ng mga plano imbes na nagawa ito agad. Kahit na
gusto na nilang magawa ito ay mayroon pa ring mga balakid na dumarating kaya nakatulong rin ang sabi
ni Mr. Randal sa kanyang paksa na magbawas upang maisagawa.

PAGSUSURI SA AYONG PORMALISTIKO


Sa pamamaraang pormalistiko naman ay malinaw na naipahayag ng manunulat na si Randal ang nais
niyang iparating sa mga mambabasa, mula sa titulo hanggang sa eksplenasyong inalathala niya. Mababasa
sa artikulo na ang punto at nais iparating ng manunulat ay ang obhektibong mas mahalaga ang pag aksyon
kaysa pa sa mahabaan at mapanatiling pagpaplano lamang.

KRITIKO

Sa artikulong ito ipinaliwanag ni Benjamin Spall na ang bawat isa ay magaling magplano o mag
ambisyon ng gusto nating mangyari sa ating buhay. At para makamit natin yung mga iyon ay dapat
paglaanan natin ito ng askyon. Dahil ang pagsasagawa ng askyon sa bawat plano na meron tayo sa ating
buhay ay ang siyang tanging makakatulong sa atin upang makamit iyon. Ngunit ipinahatid niya na
kadalasan ang ambisyon na nais natin ay hindi umaayon sa gusto natin dahil masyado tayong madaming
nais na gawin. Upang makamit natin ang ating mga plano ay dapat bawasan at wag madaliin ito. Para
magawa natin ang unang hakbang ito ay ang pagsasagawa ng askyon. Alam nating lahat na ang paggawa
ng mga nais natin ay mangangailangan ng pagsisikap. Hindi natin agad agad nakakamit ang mga bagay
bagay kapag hindi natin ito pinag hirapan at hindi tayo gumawa ng aksyon upang makamit ito.

Reperensya

https://benjaminspall.com/action-planning/

You might also like