You are on page 1of 13

MALAY 21.

2 (2009): 45-57

Espasyong Bakla sa Rebolusyong Pilipino


Pagsipat sa PPaglaladlad
aglaladlad ng Lihim na Katauhan
sa Lihim na Kilusan
Rowell D. Madula
Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle
rowell_madula@yahoo.com

Kakaunti ang mga pahina ukol sa mga baklang babaylan, mga baklang propagandista, mga
baklang rebolusyonaryo. Maging ang salitang bakla ay patuloy na hinuhusgahan ng panahon.
Ngunit ang patuloy na pagsasakasaysayan ng mga bakla kailanman ay hindi na mapipigilan.
Kakabit ng diskursong ito, ang paglalatag ng espasyong bakla sa larang ng Araling Filipino. Ang
mga tanong ukol sa pagkakaroon ng espasyo ng mga bakla sa ating lipunan at ang konsepto ng
pagiging bakla ay nagpapalalim sa nuo’y usapin lamang ng kasarian at mga diskriminasyon at
pagsasamantala dahil dito, patungo sa pagpapalaya hindi lamang ng sektor ng mga bakla kundi
sa pambansa demokratikong kilusan ng protesta at rebolusyon. Sisipatin ng pag-aaral na ito ang
espasyo ng mga bakla sa pambansa-demokratikong kilusan, partikular sa mga kilusang
underground tulad ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng mga organisasyong nabibilang dito.
Ito ay isang deskritibong pagtalakay kung papaano pinalalaya ang mga bakla sa mga pambansang
demokratikong kilusan at maging ang kanilang pagpapalaya sa iba pang sektor sa ating lipunan.

Mga susing salita: bakla, espasyo, espasyong bakla, New People’s Army (NPA), rebolusyon,

In books, very few pages are allotted in discussing the contribution of gay Babaylans,
gay propagandists, and gay revolutionaries in molding our society. From the aptness of
terminologies used to depict gays to the issues of freedom and rights of gays remains a
discourse deemed without certainty and without an end. The researcher believes in the
need of retelling the history. Historicizing the Filipino gays in the context of the revolution
contributes in situating the space that Filipino gays occupy in the Philippine cultural studies.
From sexuality-related concerns, it is about time to transcend the issues of Filipino gays to a
more political, economic, and ideological understanding of Filipino gays as a social agents.
Sexual liberation is deemed possible only through the true liberation of the people. This study
attempts to show a glimpse of the way Filipino gays take part in the national democratic
movement initiated primarily by the Communist Party of the Philippines (CPP). The involvement
of the Filipino gays in the different underground organizations, and even in the armed
struggle as members of the New People’s Army (NPA) will be discussed.

Keywords: gay, space, gay space, New People’s Army (NPA), revolution

© 2009 Pamantasang De La Salle, Filipinas


46 MALAY TOMO XXI BLG. 2

The bayog or bayoguin are priests dressed in female garb…


Ordinarily they dress as women, act like prudes and
are so effeminate that one who does not know them would believe
they are women.
Almost all are impotent for the reproductive act, and thus
they marry other males and sleep with them as man and wife and
have carnal knowledge.

- Boxer Codex (Galan at Garcia 15)

Ang kasaysayan ay buhay na tunggalian. kamera, isang maganda at babaeng-babaeng


Ikinakahon ng mga aklat ang mga alaala ng umano’y dahilan ng “pagkamatay” ni Rustom.
kahapon. Ngunit sa bawat panahon, mayroong Maraming reaksyon ang lumabas ukol rito, may
nananatiling nasa laylayan ang mga tala sa mga papuri at alipusta. Ayon kay Vice Ganda, isang
kasaysayan. Kabilang rito ang mga bakla. Kakaunti gay comedienne, sa isang interbyu, papaano umano
ang mga pahinang inilaan para sa mga baklang igagalang ang isang hari kung siya ay maganda.
babaylan, baklang propagandista, baklang Malinaw sa pahayag na ito ng komedyante na
rebolusyonaryo. Maging ang salitang bakla ay walang kakayahan at nararapat na lamang na
patuloy na hinuhusgahan ng panahon. Ngunit hindi bastusin ang isang hari o pinunong katulad ni Bebe
na mapipigilan ang patuloy na pagsasakasaysayan Gandanghari.
ng mga bakla. Sa araw-araw, ang bawat Pilipino ay mayroong
Lagi’t laging dinadalaw ng kanyang mga alaala pinagsasaluhang karanasan kasama ng mga bakla.
si Mark. Pitong taon siya ng bugbugin ng siya Maaaring sa baklang gumupit ng kanyang buhok,
kanyang ama. Hindi umano nagustuhan ng kanyang sa baklang artistang napapanood sa telebisyon
ama ang pakikipaglaro niya sa mga kaibigang tuwing tanghali, sa baklang nakatabi sa bus, sa
babae, ang kanyang malambot na kilos at baklang nagtitinda, sa baklang paring nagmimisa
pagpilantik ng mga daliri. “Walang bakla sa lahi sa simbahan tuwing Linggo, sa baklang
natin! Malas ang mga bakla.” Kahit hindi pa niya nambubugaw sa madidilim na kalsada o sa baklang
lubos na nauunawaan ang dahilan ng pambubugbog pulis na humuli sa isnatser ng iyong cellphone. Ang
ng kanyang ama, tumimo sa kanya ang iba’y hindi na kailangang lumayo upang maunawaan
pangangailangang magbago at itigil na ang ang sinasabing karanasan sa mga bakla, nariyan
paglalaro ng Barbie, ang kalkuladong pagkilos at ang lagi’t laging pagsasakasaysayan kasama ng
pananalita. Lumaki si Mark na itinatago ang baklang kapatid, pinsan, kapitbahay, kaklase,
kanyang tunay na pagkatao. guro, katrabaho, amo, tito, lolo o tatay.
Nagulantang ang lahat sa pagbabalik ni Rustom
Padilla sa Pilipinas matapos ang pagbabakasyon
sa Amerika. Nagbukas sa kanya ng mga gay role ANG PAGLALADLAD
sa telebisyon at pelikula ang paglaladlad niya sa AT ANG PAG-ANGKIN NG ESPASYO
Bahay ni Kuya. Ngunit nitong huli, wala na ang
Rustom Padilla na kilala ng lahat, ang kapatid ng Ang usapin ng paglaladlad ay isa sa mga hamon
“Bad Boy of Philippine Cinema” na si Robin na laging kinakaharap ng bawat bakla. Hindi na
Padilla, si Bebe Gandanghari ang humarap sa kailangang sabihin ng babae o lalaki sa kanyang
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 47

magulang na siya ay babae o lalaki, normal na itong Garcia 89).” Ngunit sa kabila nito, nanatiling
tinatanggap ng pamilya. Subalit para sa maraming walang lehitimong espasyo ang mga bakla sa
bakla, tila bagahe na kailangang ilabas at ilantad maraming pamilyang Pilipino.
ang kanilang tunay na katauhan, ang kanilang Pamilya ang pangunahing yunit pampulitika sa
pagiging bakla. Pilipinas. Mula rito, ang iba pang mga institusyon
Masalimuot ang proseso ng paglaladlad para sa ating lipunan ay nananatiling sarado sa paglalaan
sa maraming bakla. Nariyan ang pambubugbog ng ng lehitimong espasyo para sa mga bakla. Ang
magulang o kapatid na lalaki, ang pangungutya ng akademya, simbahan, ang kapulisan at sandatahang
mga kapitbahay at kamag-anak, at minsa’y lakas, ang mga pribadong kompanya, at maging
pagtatakwil sa kanya ng mga mahal sa buhay. ang gobyerno, ay nanatiling mapaniil sa mga bakla.
Dahil dito, ang mismong bakla ay dumaraan sa Dahil dito, ang akto ng mismong paglaladlad ay
proseso ng pagtanggap sa kanyang sarili. kinakailangan sa kasalukuyang panahon upang
Bagamat isang di naman dayuhang konsepto ang tahasang hanapin, sukatin at angkinin ng mga bakla
paglaladlad ng mga bakla, nakikita ang ganitong ang kanilang espasyo, kung mayroon man, sa ating
pangangailangan para sa mga bakla sa Pilipinas. lipunan.
Isa itong manipestasyon ng patuloy na Ayon kay Danilo Lichauco ang espasyo ay
diskriminasyon sa mga bakla. Ang mga maituturing na isang sisidlan, ito ay kaganapan ng
heterosekswal o “straight” na babae at lalaki ay paglalagay ng mga bagay-bagay sa isang sisidlan
hindi naman kailangan din magladlad ng kanilang (Lichauco 6-7). Ang konsepto ng espasyong bakla
pagiging heteroseskwal. Mula rito, hanggang ay sinasabing malapit sa kanluraning konsepto ng
nananatili ang konsepto ng paglaladlad, ay queer space ni Aaron Betsky.
mananatili ang diskriminasyong ito sa mga bakla.
Karaniwan nang nangyayaring ang pagtanggap Ayon sa kanya, nakikita niya ang queer space
at pagkilala sa mga bakla ay hindi nagsisimula sa bilang espasyo ng mga queer, na ang
mismong taong inaaasahang unang magbibigay nito. pangunahing papel ay lugar na ginaganapan
Pinangungunahan ng hiya at pangamba ang mga ng jouissance o orgasm. Tumutukoy rin ito sa
espasyong nilikha at ginagamit ng mga queer.
magulang dahil sa pagkakaroon nila ng baklang
Kaakibat din nito, ayon kay Betsky, ang pagtingin
anak. Nakahihiyang malahian ng bakla sa pamilya,
sa espasyong queer bilang espasyong
at nagdadala ng pangamba sa mga magulang ang nagsisilbing tanghalan ng araw-araw na
diskriminasyong maaaring maranasan ng kanilang pakikipagtunggalian ng mga gay/queer sa
baklang anak mula sa ibang tao. Marahas ang mundo ng heterosekswal. Pinalalawig rin ni
lipunang ito para sa mga bakla. Betsky ang kaisipan ng queer space bilang
Sa isang disenyo ng damit na inilabas ng manipestasyon ng gayong pakikibaka at ang
Progressive Alliance of Gays in the Philippines o nagaganap na pagbabagong kaakibat ng mga
PROGAY, nakasulat ang “Mahalaga ang bakla sa pagpupunyaging maiangat ng gay ang
bawat pamilyang Pilipino (PROGAY)”1 Hindi kaniyang karapatan sa mundo (Evasco, 191).
maikakailang maraming bakla ang gumagampan ng
malaking responsibilidad sa kanilang pamilya. Ayon Subalit ang konsepto ng espasyo, ayon kay
nga kay Michael Tan, “So many families would have Betsky, ay hindi lamang nakabatay sa pagkakaroon
fallen apart had it not been for gays and lesbians ng lugar o tiyak na puwesto sa isang partikular na
who have not only raised siblings and nephews and kaligiran para sa sekswal na aktibidad, kundi
nieces, but often take the main responsibility of pagkakaroon ng kolektibong pag-aangkin ng
living with and caring for aging parents. It is time bahagi sa isang lipunan. Malinaw na ang espasyong
to stand up against those who try to subvert our bakla ay hindi lamang pagtanggap sa pagkakaroon
families and society with their ignorance and ng mga bakla, kundi sa lahat ng aspeto nito na
intolerance (Michael Tan sa Baytan, Galan at taliwas sa sinasabi ng simbahang Katoliko na ang
48 MALAY TOMO XXI BLG. 2

problema ay hindi ang mga bakla, kundi ang sa Maynila upang mag-aral ng kursong Hotel and
pakikipagtalik ng isang tao sa kanyang kaparehong Restaurant Management (HRM) sa isang
kasarian. Ang espasyong bakla ay espasyo kung pampublikong kolehiyo. Libangan ni Karlo ang
saan sila ay kinikilala bilang lehitimong bahagi ng magsulat kung kaya’t sa una niyang taon sa
lipunan na may kalayaan at karapatang isapraktika kolehiyo, naging manunulat siya sa pahayagan ng
ang kanilang pagkatao at nararamdaman. Ayon pa kanilang paaralan.
kay Edson Cabalfin, “Ang pag-unawa sa espasyo Sa Maynila, mas naging bukas si Karlo sa
ay isang operasyon ng pagkakakilanlan, kung saan kanyang sekswalidad. Bagama’t alam ng ilang mga
ang dinamismo ng identidad ng bakla ay ginagamit kaibigan ang kanyang pagiging bakla, hindi niya
bilang simulain (Cabalfin 213).” Dagdag pa niya, ito magawang aminin sa lahat ng kanyang mga
ang paggamit ng salitang espasyong bakla ay kaklase at maging sa kasama sa publikasyon.
nangangahulugan ng espasyong may pagka- Sa ikalawa niyang taon, naging mas aktibo si
ekslusibo sa bakla at sa gawaing kabaklaan. Ang Karlo sa mga gawain sa loob at labas ng
espasyong ito ay pagmamay-ari ng mga bakla kanyang kolehiyo bilang manunulat at
(191). estudyante. Sumama siya sa mga pag-aaral sa
Sa naratibo ng kasaysayan ng bansa, ang teksto pangunguna ng mga estudyanteng tinatawag na
ng mga bakla ay lubhang hindi napapansin. Ayon aktibista o tibak. Dahil rito, lumawak ang kanyang
kay Lilia Santiago, lubhang masalimuot ang proseso pagtingin sa papel ng kabataan sa pagbabagong
ng panunuring malay sa kasarian (PMK) lalo pa’t maaaring mangyari sa ating lipunan. Maliban pa rito,
malaking bahagi nito ay pag-uugat ng kaligirang nagkaroon siya ng maraming mga kakilala at
pangkasaysayan at konteksto ng konspeto ng isang kaibigan. Isa na rito si Francis.
kasarian” (179). Sa librong Philippine Gay Maraming bakla sa kanilang organisasyon na
Culture: the Last Thirty Years ni J. Neil Garcia, ayon sa biruan ay dahil marami talagang manunulat
tinalakay niya ang sinasabing kasaysayan ng mga na bakla. Isa si Francis sa mga lider ng
bakla sa Pilipinas partikular sa pagtingin sa mga organisasyon, at bagamat hindi niya tahasang
salitang ginagamit na pantukoy sa nasabing sinasabi sa lahat, alam ng malalapit na miyembro
kasarian. nila na karelasyon niya ang isa pang manunulat mula
Mula rito, susubukang dalumatin ang patuloy na sa isang kolehiyo. Lagi silang magkasama maging
paghahanap ng lehitimong espasyo ng mga bakla sa mga pulong ng iba pang opisyal ng organisasyon.
sa kasaysayan at lipunang Pilipino. Ano ang papel Nakita niya ang pagtanggap ng mga ito kay Francis
na ginagampanan ng mga bakla sa pagpapalaya ng at sa kanyang karelasyon. Dahil dito, naging
kanilang sarili at kapwa bakla, at sa pagpapalaya magaan at komportable si Karlo na kasama ang
ng iba pang sektor ng ating lipunan mula sa iba pang miyembro sa mga aktibidad ng
diskriminasyon, kawalan ng katarungan at organisasyon, maging sa mga protestang kanilang
pagsasamantala? Papaano inaangkin ng mga bakla nilalahukan.
ang kanilang espasyo sa kasaysayan at sa lipunan? Sumama si Karlo sa isang pag-aaral sa labas
ng Kamaynilaan. Dahil siya lamang ang dumalo,
halinhinang itinuro ng mga nag-imbita sa kanya
ANG PAGDADALAGA a n g M a i k l i n g K u r s o s a L i p unan at
NG BAKLANG AKTIBISTA Rebolusyong Pilipio (MKLRP) sa loob ng isang
araw. Kinagabihan, kinausap siya ng isa sa mga
Sa hapag-kainan, tinanong si Karlo ng kanyang naging instruktor niya. “Iniimbitahan kitang sumapi
ama, “Bakla ka ba, anak?” “Hindi ko po alam.” sa isang lihim na samahan, ang Kabataang
ang tanging naisagot niya. Bagamat alam niyang siya Makabayan (KM), ano sa palagay mo?”
ay nagkakagusto sa kapwa niya lalaki, hindi niya Bagamat may pag-aalinlangan at kaba, sumapi
ito direktang nasabi sa kanyang ama. Lumuwas siya siya at naging miyembro ng KM. Hindi naging
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 49

usapin ang kanyang pagiging bakla, tanging ang ibinukas niya ang kanyang sarili sa mga babae. Sa
kanyang paniniwala at paninindigan sa pagkilos hayskul, niligawan pa niya ang ilang babaeng ka-
upang isulong ang pambansa-demokratikong eskwela. Sa kolehiyo, naging tahimik siya sa
pakikipaglaban ang naging batayan ng kanyang usapin ng kanyang sekswalidad bagamat
pagiging kasapi. Ang imbitasyong ito ay tinanggap paminsan-minsan, tinutukso at iniuugnay siya sa
ni Karlo at siya ay naging ganap na kasapi ng lihim mga babae. Nagkaroon siya ng ilang romantikong
na kilusang KM. ugnayan sa parehong babae at lalaki na inilihim
niya sa kanyang pamilya at malalapit na
Ang Kabataang Makabayan ay isang kaibigan. Nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo
pambansa-demokratikong organisasyon ng si Francis ng maging bahagi siya ng pambansang
mga kabataan na may pinamasaklaw at organisasyon ng mga estudyanteng manunulat, at
pinakamalinaw na programa at tuluyan na siyang naging aktibo pagkatapos niya
pinakamalaganap na kasapian sa Pilipinas
ng kolehiyo. Katulad ni Karlo, naimbitahan rin
ngayon. Isa itong kilusang naghahanda sa
siyang sumapi sa KM.
opinyong publiko para sa pagsulong at
pagtatagumpay ng mga anakpawis sa ilalim Nang maging bahagi na siya ng lihim na kilusan,
ng maningning na bandila ng ipinahayag ni Francis sa kanyang kolektib o
proletaryadong pamumuno. Nagsisikap grupong kinabibilangan ang kanyang pagiging
itong pukawin at mobilisahin ang masa para bakla. “Papaano mo palalayain ang bayan kung
makamit ang bago at progresibong mismong iyong sarili ay hindi mo palalayain?” Ito
pambansang demokrasya sa konteksto ng umano ang laging sumasagi sa kanyang isip bago
pinakaradikal na pagsulong ng sangkatauhan pa man siya magladlad. Siya umano ay
at uring manggagawa. Nagsisikap itong maligayang tinanggap ng kanyang kolektib. Sa
patampukin ang mga prinsipyong ideolohiya kanyang paggampan ng gawain, hindi naging
at pampulitika na nakapagbibigay ng
usapin ang kanyang pagiging bakla. Binibigyan
syentipikong direksyon sa panlipunang
ang bawat isa ng mga responsibilidad batay sa
rebolusyon (Sison).
kanilang kakayahan at pangangailangan
magpaunlad ng sarili. Kinalaunan, ang mismong mga
Itinuturing na isang underground na
kolektib ang nagbukas sa kanya ukol sa
organisasyon ang KM dahil ito ay mahigpit na
pakikipagrelasyon.
ipinagbabawal ng pamahalaan. Itinuturing itong
Nakilala ni Francis ang kanyang unang
isang subersibong grupo dahil ito ay bahagi ng
karelasyon sa kanilang organisasyon. Mahalaga
National Democratic Front of the Philippines
para sa mga aktibista ang paghahapag ng usapin
(NDFP) na siyang nagsusulong ng parliyamentaryo
ukol sa relasyon at pag-ibig. Isinasailalim sa isang
at armadong pakikibaka laban sa umiiral na
programa ang mga relasyon, aktibista man o hindi
sistema. Hindi lamang simpleng aktibistang grupo
ang dalawang taong sangkot rito. Ito ay isang
ang KM dahil mahigpit nitong sinusuportahan ang
pagtataya na pinangingibabawan ng pagtataya para
pagtungo ng mga mamamayan sa kabundukan
sa bayan. Inaasahan na kapag ang isang sangkot
upang maging bahagi ng New People’s Army
sa relasyon ay hindi miyembro ng KM, dapat
(NPA).
siyang marekrut sa loob ng anim na buwan. Naging
Bagamat hindi napag-usapan sa imbitasyon ang
abanseng masang aktibista ang karelasyon ni
tungkol sa kanyang sekswalidad na sa kanyang
Francis, ngunit matapos ang humigit-kumulang
palagay ay isang mahalagang aspeto ng kanyang
isang taon, nagkahiwalay rin sila.
pagkatao, siya na rin ang nagbukas nito sa kanilang
Mula rito, naging madali na para kay Karlo ang
pag-uusap ni Francis. Ayon kay Francis, bata pa
gampanan ang mga gawain sa loob ng
lamang siya ay alam na niyang mayroon siyang
organisasyon. Nakilala rin niya ang iba pang
pagtingin sa kapwa niya lalaki. Ngunit dahil sa mga
baklang aktibista na kumikilos sa iba pang
pangungutya at hindi pagtanggap ng pamilya,
50 MALAY TOMO XXI BLG. 2

organisasyong pangkabataan at maging sa iba pang TUNGGALIAN SA LOOB


sektor. Naging kaibigan, at may isa na rin siyang AT LABAS NG BAKLANG WAGI
naging karelasyon. Apat na taon nang kumikilos si
Karlo, at isang taon na bilang fulltime, ngunit sa Sa gitna ng pagtanggap at pagkilala sa mga
nakaraang tatlong taon ay hindi pa siya muling baklang miyembro ng KM, patuloy pa ring
nagkakaroon ng karelasyon dahil umano sa nakararanas ng mga tunggalian ang mga kasama
pagiging abala sa mga gawain at ang iba na kanyang sa loob ng lihim na kilusan. Sa mahabang panahon
nagugustuhan ay hindi bukas sa pakikipagrelasyon ng pagsasakasaysayan ng kilusan, dekada ’90 ng
sa kapwa lalaki (mayroon umanong mga simulang bigyang-pansin ang usapin ukol sa
aktibistang “straight” na tinatanggap ang programa sekswalidad sa loob ng kilusan, partikular ang
ng panliligaw sa kapwa lalaki at ang pagbubukas pagiging lesbyana at bakla. Ang sektor ng kababaihan
na ito ng sarili sa mga ganitong uri ng relasyon ay ay mayroon ng mayamang karanasan sa pagsusulong
dulot ng kamulatan). ng kanilang karapatan. Ang lihim na kilusang
Kaiba kina Francis at Karlo, si Miguel naman MAKIBAKA para sa mga kababaihan ay naitatag
ay isang baklang nagdadamit at kumikilos—babae. na dekada ’70 pa lamang. Dahil dito, ang tunggalian
Ilang beses na rin siyang nakakuha ng korona mula sa loob at labas ng kilusan ukol sa kabaklaan ay
sa pagsali sa ilang mga gay beauty pageant bago patuloy pa ring nararamdaman (Sison 2001).
siya naging aktibista at kasapi ng KM. Ayon sa Nang maging opisyal ng pambansang
kanya, mahilig siyang umawit at umarte. Dahil organisasyon si Francis, nakakasalamuha niya
dito, nakilala niya ang ilang mga organisador ng ang iba pang mga miyembro at opisyal ng
mga kabataan sa kanilang komunidad. Bumuo organisasyon sa mga pormasyon nito sa iba’t
sila ng isang kultural na samahan sa kanilang ibang panig ng bansa, nakilala rin niya ang iba
lugar kung saan siya napabilang. Sa pang miyembro ng KM. Malawak ang saklaw ng
kasalukuyan, organisador na rin siya ng mga mga miyembro ng KM sa buong bansa mula sa
kabataang estudyante sa Kamaynilaan na hanay ng mga kabataang estudyante, manggagawa
nagtatanghal ng mga tula-dula at awit sa iba’t ibang at mga pultaym na aktibista. Minsan nang may
programa. Minsan na rin siyang naghapag ng seryosong nagpahayag na magbaba ng programa
programa ng panliligaw sa isang lalaking kasama upang makapanligaw sa kanya mula sa isang KM
subalit hindi rin ito nagpatuloy. na taga-Mindanao na kanyang tinanggihan.
Samantala, si Francis naman ay mayroong Subalit sa sulat ng kasamang ito matapos niyang
karelasyong miyembro rin ng lihim na kilusan sa ipaabot ang pagtanggi sa programa, sinabi
loob ng apat na taon. Ayon sa kanya, ang relasyon, nitong mabuti na rin iyon. Nakipag-usap umano
taliwas sa sinasabi ni Karlo, ay hindi dapat tingnan ang kasamang ito sa isa sa matataas na opisyal ng
bilang pabigat o hadlang sa paggampan ng mga kanilang organisasyon at sinabi nitong ang
gawain. Ang lahat ng relasyon sa loob ng kilusan kabaklaan ay iniluluwal ng tendensiyang peti-
ay dapat na lalong magpalakas sa pagsusulong ng burgesya ng mga kabataan na siya umanong dapat
pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang iwasan at labanan.
magkarelasyon ay kinakailangang magsumikap Nabigla umano si Francis sa pahayag na ito ng
upang maging magkatuwang sa mga gawain at isang kasama sa Mindanao. Alam niyang maging
pagaanin ang mga bagaheng nararanasan at sa mga kasama ay mayroon pa ring problema sa
nararamdaman ng bawat isa. Isa sa mga pagtanggap sa mga bakla. Patuloy pa ring nakikita
nakatutulong umano sa pagtagal nila ay ang sa mga gawi at pananalita ng mga kasama ang
pagtatasa nila sa kanilang relasyon, minsan ay pyudal na pagtingin sa mga baklang kasama.
kasama ng kani-kanilang kolektib upang makita ang Dagdag pa niya, minsan na siyang nagpaabot ng
mga kahinaan at kalikasan ng relasyon at lalo pa puna sa isang kasamang lalaki na aniya ay naging
itong mapagtibay. macho at pyudal sa pakikipagbiruan sa kanya.
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 51

Tinanggap naman ito ng kasama at humingi ng maaari umanong gumawa ng kondisyong maaaring
paumanhin kay Francis. hindi mapigil ng isa’t isa.
Bagamat mayroong mga ganitong karanasan sa Sa mga pag-aaral na ibinibigay ng mga aktibista
mga kasama si Francis, naniniwala siyang sa masa, isinasama nila ang pagtalakay ukol sa
kinakailangang ang patuloy na pagmumulat hindi kalagayan ng mga bakla at lesbyana upang
lamang sa masa kundi maging sa mismong mga maipaunawa rin sa kanila ang kahalagahan ng
kasama ukol sa pagkilala sa karapatan at kalayaan pagkilala at pakikiisa sa mga bakla sa usapin ng
ng mga bakla mula sa diskriminasyon. Kung paglaya at pagpapalaya. Ang mga estudyante,
kinakailangan umanong magpahatid ng puna upang bagamat nakapag-aral at inaasahang mas liberal
ipaunawa sa mga kasama ang mulat na pagbaka ang pag-iisip, ay hindi maiwasang magkaroon pa
sa tendensiya ng mababang pagtingin sa mga rin ng hindi magandang pagtingin sa mga bakla lalo
baklang kasama o maging sa mga simpleng biro pa’t ang mga institusyon sa labas ng kilusan ay
na makasasakit ng kanilang damdamin. hayagang tinututulan ang ganitong sekswalidad.
Gayundin, mayroon pa ring mga miyembro ng Ipanauunawa rin ng mga aktibista sa mga
KM ang nahihirapan pa ring tanggapin ang kanilang mamamayan ang pagbubukas ng kilusan sa tunay
sarili at ipahayag ang kanilang pagiging bakla. na pagpapalaya, hindi lamang sa pampulitika at
Patuloy pa rin ang kanilang pakikibaka sa pag- pang-ekonomikong problema kundi maging sa
unawa ng kanilang sekswalidad. Ang mga pansarili at panlipunang mga usaping kinakaharap
kasamang patuloy na tinatanggi ang kanilang ng mga mamamayan.
kabaklaan ay hindi naman pinipilit ng kilusang Maging sa mga masang inoorganisa lalo na sa
magladlad. Ayon kay Karlo, hinahayaang ang isang mga rural na lugar o kanayunan, kinakailangan ng
kasama na pagdesisyunan ang pagpapahayag ng mga pagpapaliwanag sa pagkakaroon ng mga
kanyang kasarian, “internal pa rin ang baklang kasama. Dahil sa malakas na impluwensya
mapagpasya.” ng pyudal na sistema sa kultura ng mga Pilipino,
Ang direktang pagtatanong sa mga kasama ukol mayroong pangangailangan na gibain ang kanilang
sa kanilang kasarian ay karaniwang dulot ng mga hindi magandang pagtingin at mababang
kasong may kinalaman sa sexual opportunism pagpapahalaga sa mga kasamang bakla.
(SO). Tinitingnan ang mga ganitong kaso dahil sa Gayunpaman, nauunawaan umano ito ng mga
kakulangan ng mga kasamang isabuhay ang mga baklang kasama.
polisiya at mga patakaran para mapanatili ang Ayon kay Francis, “Hindi naman talaga
kaayusan ng organisasyon. Ang pagpapanibagong- maiiwasan na magulat ang masa kapag nalaman
hubog ng mga kasama ay patuloy na isinasama nilang bakla ang nag-oorganisa sa kanila dahil sa
umano sa mga pag-aaral upang mapanatiling istiryotipong pagtingin sa bakla na kung hindi
malinaw kung saan patungo ang rebolusyong parlorista ay entertainer sa mga bar, o kaya ay
kanilang isinusulong. alalay ng mga artista o reporter ng mga balitang
May ilang kaso na ring ang isang kasama ay showbiz. Ngunit dahil sa kinikilalala naman ang
nabigyan ng disciplinary action (DA) dahil sa mga kakayahan at kahusayan ng mga aktibista at mga
kasong SO. Isa sa mga mahigpit na ipinapatupad organisador sa mga sektor sa ating lipunan,
sa kilusan ang hindi pagtatabi sa higaan ng mga napapalitan ng pagtanggap at pagpapahalaga ang
bayolohikal na babae at lalaki upang maiwasan ang pagkabigla.”
mga sekswal na kondisyon, partikular sa mga hindi Maraming tunggaliang kinakailangang
magkarelasyon o hindi pa kasal. Kasama na rin pagtagumpayan sa kanyang pagiging bakla ang mga
ito, hanggat maaari ang hindi pagtatabi ng mga baklang aktibista. Una na rito ang kanyang sarili
bakla sa lalaki, lesbyana sa babae. Kinikilala na mismo na maaaring nagkukulong ng kanyang tunay
maging ang mga bakla at lesbyana ay maaaring na pagkatao. Naririyan rin ang mga kasamang
maabuso ng lalaki at babae. Ang pagtatabi ay nangangailangan magpanibagong-hubog sa
52 MALAY TOMO XXI BLG. 2

pagtingin at pakikisalamuha sa mga kasamang pamahalaan ay maging mulat sa kultura ng


bakla. At ang masang nangangailangan pa ng pag- underground. Iginagalang umano niya ang ganitong
unawa at pagmumulat. polisiya ng PKP na maaaring pag-aralan ng
Kongreso (Sunstar 9 Pebrero, 2005).
Taong 1998 nang inamyendahan ng Komiteng
PAGLAYA/PAGPAPALAYA Tagapagpaganap ng Komiteng Sentral (KT-KS)
AT PAKIKIBAKA NG MGA BAKLA ng PKP alinsunod sa mga susog ng ika-10 Plenum
ng Komite Sentral ang Mga Gabay at Tuntunin sa
Sa isang masukal na bahagi ng kagubatan sa Pag-aasawa sa Loob ng Partido. Nilinaw ng PKP
Compostela Valley sa Mindanao, taong 2005, ang kanilang tindig sa ukol sa pagpili ng kasarian
ikasal sina Ka Andres, 54 taong gulang at Ka Jose, ng mga kasama sa loob ng organisasyon.
21 taon, kapwa sila kasapi ng New People’s Army
(NPA). Magkahawak-kamay na sumumpa ang Bakit naninindigan ang Partido sa
dalawang ito sa bandilang pula na may karet at paggalang at pagkilala sa karapatan sa
maso. Ang bawat isa ay mayroong bala sa kanilang pagpili sa kasarian ng indibidwal na
isang kamay, tanda ng kanilang pagtataya sa kasapi ng Partido?
armadong pakikibaka. Ito ang kauna-unahang
Tutol ang Partido sa anumang uri ng
kasal ng dalawang lalaki sa ilalim ng Partido
diskriminasyon, pang-aapi at
Komunista ng Pilipinas (PKP).2 pagsasamantalang umiiral sa lipunan.
Pinag-usapan ang balitang ito sa iba’t ibang Bahagi rito ang pagtutol sa
lugar at institusyon sa bansa: sa mga eskwelahan, diskriminasyong nakabatay sa piniling
sa simbahan, sa mga parlor, sa mga kalsada, sa kasarian, sa pagkakait ng mga karapatan
mga tahanan ng mga pamilyang Pilipino at maging at oportunidad bata y s a p i n i l i n g
sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Isa itong kasarian. Nakabatay ang pagsapi sa
kuwentong kumurot sa sensibilidad ng kulturang Partido sa pagkilala at pagtataguyod sa
matagal nang pinaghaharian ng pyudal na sistema. Marxismo-Leninismo-Maoismo bilang
Niyanig ng balita ang mga espasyong matagal ng ideolohiya ng proletaryado, sa saligang
batas ng Partido Komunista ng Pilipinas
ipinagkakait ng lipunan sa mga baklang ilang taon
a t s a k a h a n d a a n g m a g re b o l u s y o n .
na ring nakikipaglaban para sa kanilang karapatan,
Wa l a n g dahilan upang ang isang
hindi lang upang maikasal, kundi kilalanin at indibidwal na tumutugon sa ganitong mga
tanggapin. rekisito ay tanggihan ng Partido dahil
Ayon kay Rep. Prospero Nograles, anumang lamang sa mayroon siyang naiibang
panukalang batas na ipapasa sa Kongreso ay tiyak piniling kasarian (PKP 1998).
na mahigpit na tututulan ng Simbahang Katoliko.
Wala rin umanong miyembro ng Mababang Mula rito, makikita ang pananaw ng PKP ukol
Kapulungan na “man enough” upang maghain ng sa sekswalidad na ito ay pinipili at pinagpapasyahan
ganitong klaseng batas. Biro pa niya, ang ganitong ng isang tao. Ito ay isang karapatang hindi ipinagkakait
kasalan ng kapwa kasarian sa loob ng PKP ay kaninuman. Isang uri ng diskriminasyon, pang-aapi
maaaring siyang sagot sa “population control at pagsasamantala ang pagsikil sa kalayaan ng
problem” ng bansa. Ganito rin ang paniniwala ng isang tao na maisabuhay ang kanyang kasarian.
ilang mga konsehal mula sa Davao tulad nina Militar Hindi ibinabatay sa kasarian ng isang tao ang
at Galicia (Sunstar 9 Pebrero, 2005), mahihirapan pagiging kasapi ng Partido kundi sa kanyang
umanong ipasa ang mga ganitong klase ng batas pagkilala at pagtataguyod sa ideolohiya ng
lalo pa’t malaki ang papel na ginagampanan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Maaaaring
simbahan sa ating kultura at paniniwala. Ayon maging bahagi ng PKP ang sinuman, anuman ang
naman sa isa pang Kongresista, mahalaga na ang kanyang piniling kasarian.
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 53

Ayon kay Aleks, nagsimulang umigting ang Ayon sa KT-KS, mayroong mahahalagang
usapin ng sekswalidad sa loob ng Partido sa amyenda ang isinagawa sa gabay at tuntunin sa pag-
pangunguna na rin ng mga kasapi mula sa sektor aasawa sa loob ng partido at isa na rito ang
ng kababaihan ng Maynila, Baguio at Davao. pagdadagdag ng hiwalay na seksyon tungkol sa
Marami umanong mga kasapi at opisyal ang pagkilala at paggalang sa pagbubuo ng relasyon ng
naghahapag ng usaping ito sa mga nakatataas na magkaparehong kasarian at paglalapat dito nang
organo ng Partido. “Dapat talaga pag-usapan ng walang pagtatangi sa mga gabay, tuntunin at
mga kadre na gawin itong adyenda lalo pa’t prinsipyo ng pagkakasintahan at pag-aasawa
nakatakdang amyendahan sa ika-10 Plenum ng (Hinggil sa pag-aasawa sa loob ng Partido 1998).
KT-KS ang Konstitusyon ng Partido. Marami Sa anim na mahahalagang amyenda, ang probisyong
talagang mga aktibista at kasapi ng Partido ang ito ukol sa pagbibigay-pahintulot sa dalawang
bakla at lesbyana, gayundin, isinusulong na rin ng kasamang parehas ang kasarian na maging
mismong mga mamamayan ang mga usapin ukol magkarelasyon at mag-asawa ay naging malaking isyu.
sa kababaihan at iba pang marhinalisadong sektor
sa ating lipunan batay sa piniling kasarian,”dagdag E. Paglalapat sa Relasyon ng
pa niya. Magkaparehong Kasarian:

Gayunpaman, ang mga prinsipyo at tuntunin 1. Kinikilala at iginagalang ng Partido ang


ng Partido ang saligang gabay sa personal na karapatan sa pagpili ng kasarian ng indibidwal
buhay ng mga Komunista. Kaya’t marapat na kasapi ng Partido.
lamang na iayon ng sinumang kasapi ng 2. Ang mga saligang prinsipyo at tuntunin sa pag-
Partido na may ibang piniling kasarian, tulad aasawa sa loob ng Partido ay aplikable sa
din ng iba pang kasapi ng Partido, ang kanilang mga kaso.
kondukta ng kanyang personal na mga
relasyon alinsunod sa mga ito. Ang mga Ang ganitong pagkilala at paggalang ng Partido
saligang prinsipyo at tuntunin sa pag-aasawa sa pagpili ng kasarian ng mga miyembro nito ay
sa loob ng Partido ay aplikable sa kanilang sumasaklaw din maging sa mga hindi miyembro ng
kaso. Partido. Ibig sabihin, ang pagbubukas na ito ay
Dapat mulat na bakahin ang mga
hindi lamang aplikable sa mga aktibista at
sektaryong pananaw at aktitud, ang
miyembro ng PKP, kundi maging sa masang
prehudisyal na pakikitungo at di magandang
pagpapalagay sa pagkatao ng mga indibidwal patuloy na iminumulat tungkol sa kanilang mga
na may ibang piniling kasarian (PKP 1998). karapatan at kalayaang dapat na ipaglaban,
kasama na rito ang kanilang piniling kasarian.
Sa bahaging ito, patuloy na nililinaw ng PKP Mayroong apat na saligang prinsipyo at tuntunin
ang pantay na pagtingin sa lahat ng mga kasapi ang Partido ukol sa pag-aasawa bukod sa
ng Partido anuman ang kanilang kasarian. Ang idinagdag na amyenda ukol sa relasyon ng
mga pamamaraan ng mga personal na relasyon magkaparehong kasarian. Ang panliligaw ay
at mga saligang prinsipyo at tuntunin sa pag-aasawa kinikilala bilang isang karapatan ng kasapi o
sa loob ng Partido ay aplikable sa lahat ng mga kandidatong kasapi na walang asawa o kasintahan.
miyembro. Gayundin, malay ang Partido sa Ito ay ipinapasailalim sa isang programa upang
pangangailangan ng mga miyembro na bakahin mapatnubayan at masiguro ang disiplina ng mga
ang hindi magandang pananaw at aktitud sa mga kasamang sumasailalim rito. Walang pagtatangi ang
taong mayroong ibang kasariang pinili kumpara mga tuntunin ukol sa anong kasarian ang tanging
sa nakararami at sa nakagawiang tanggap na makapanliligaw sa loob ng Kilusan.
kasariang ibinunga ng pyudal na sistema sa ating Samantala, ang pagpapakasal naman sa loob
lipunan. ng Partido ay nakatuon sa pagsisiguro ng
kahandaan ng bawat isa, mula sa mga taong
54 MALAY TOMO XXI BLG. 2

magpapakasal hanggang sa mga yunit na MGA BAKLANG PULANG MANDIRIGMA


kinabibilangan ng mga ito. Ang pagkakaroon ng
mga pagtatasa at plano ng relasyon ay mahalagang Kung sa parlor, ang hawak ng mga bakla ay
maihapag ng mga ikakasal sa kani-kanilang gunting at suklay, kung sa entablado nama’y
kolektibo. Ang pangunahing isinasaalang-alang rito mikropono at sari-saring mga palamuti sa katawan,
ay ang lalo pang pagpapalalim ng mga ikakasal sa baril naman at backpack ang hawak ng mga
kanilang dedikasyon at komitment, hindi lamang baklang pulang mandirigma. “Taglay ko ang puso
sa isa’t isa kundi sa rebolusyon. ng isang bakla,” ang matapang na pahayag ni Ka
Kinikilala ng Partido ang karapatan ng bawat Joan, 25 taong gulang at isang pulang mandirigma
isa na putulin ang relasyon ng isang mag-asawa, sa isang platun ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)
ang maghiwalay o diborsyo. Bagamat pinipigilan o mas kilala bilang NPA sa katimugang bahagi ng
ng Kilusan ang pagbaling ng mga mag-asawa sa Cagayan Valley. Si Ka Joan, hindi tulad nina Francis
diborsyo upang malutas ang kanilang mga suliranin, at Karlo, ay hindi mapapansin ang kasarian. Mukha
ipinagkakaloob pa rin sa mag-asawa ang siyang babae dahil sa kanyang mahabang buhok.
karapatang magdiborsyo lalo pa’t ito ay
napatunayang tuloy-tuloy na humahadlang sa Nagmula si Ka Joan sa isang pamilyang
kanilang rebolusyonaryong gawain o ang asawa ay magsasaka sa Cagayan de Oro. Nilisan niya
naging kontra-rebolusyonaryo. Bukod pa rito, ang kanilang tahanan may 13 taon na ang
mayroon pang ibang dahilan upang igawad ang nakararaan at nagtrabaho sa isang nightclub
sa Maynila, una bilang wardrobe aide (taga-
diborsyo sa mga mag-asawa, tulad ng
ayos ng mga isusuot) ng dalawang
pagkakaroon ng dalawang asawa, pagtataksil,
mananayaw, na halos kumupkop sa kanya.
kalupitan, pagtatangka sa buhay ng asawa at pag- Pagkatapos, bilang floor manager (taga-
abandona. asikaso sa mga parokyano) siya ng club.
Isa pa sa mga saligang prinsipyo ukol sa pag- Noong 17 taong gulang na si Ka Joan,
aasawa ang pagpapataw ng mga aksyong nagbakasyon siya sa isang maliit na bayan sa
disiplinaryo sa mga kasapi ng partido na lumalabag Bulacan kung saan nakilala niya ang isang
sa mga alituntunin ng Partido partikular yaong may organisador ng komunidad. Matapos ang ilang
kinalaman sa pakikipagrelasyon. Ang mga kasaping buwan, tumigil siya sa paghahanap-buhay at
lumalabag ay maaaring bigyan ng babala, naging buong-panahong organisador na rin ng
pangaralan, o suspensyon hanggang sa pagtitiwalag. maralitang-lungsod (Ang Bayan, 21 Marso,
2004).
Dumaraan sa masusing imbestigasyon at paglilitis
ang bawat kaso upang matiyak kung nararapat bang
Naging aktibong miyembro at organisador ng
bigyan ng aksyong disiplinaryo ang taong sangkot
mga kabataan at KM si Ka Joan nang madestino
rito. Mahalagang matukoy ang mga sirkunstanyang
siya sa Cagayan Valley. Naging malugod ang
nagpapagaan at/ o nagpapabigat sa kaso, sa gayon
pagtanggap sa kanya ng masa doon. Noong 2002,
ay maisaaalang-alang ang gaan o bigat ng aksyong
pumasok siya sa isang sonang gerilya una bilang
pandisiplinang ipatutupad.
bisita at exposurist, at pangalawang bilang ganap
Mula rito, ang karagdagang prinspiyo ng Partido
na kasapi na ng mga gerilya. Siya ang opisyal na
ukol sa pagkilala at paggalang sa mga relasyon ng
nangangasiwa sa pinansya at suplay ng iskwad
mga kasamang mayroong parehong kasarian, at
(S4), ang pangalawang tim lider at paminsan-
pagsasabing ang iba pang saligang prinsipyo ay
minsa’y medik.
magiging aplikable rin sa kanila, ay isang malaking
Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng masa at
hakbang na pagkilala hindi lamang sa karapatan
ng mga kasama kay Ka Joan, inamin niyang “may
ng mga bakla at lesbyana sa loob ng PKP na
ilang bakas pa rin ng pyudal at burgis na pananaw
magpakasal, kundi isang pagkilala sa mismong
kahit sa loob ng Partido. Mayroon aniyang mga
kanilang pagiging bakla at lesbyana.
lalaking kasama na hindi mapakali kapag naririyan
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 55

siya. Gayunpaman, nararamdanan niya ang pakikibaka sa kanayunan, bukod pa sa


pagkakaiba ng atityud ng isang kasama kung pagpapahalagang ipinakita sa bawat isa, anuman
ihahambing sa mga taong nasa labas ng kilusan. ang kanilang kasarian.
Nakikita niya umano ang pagsisikap ng mga kasama Matapos ang dalawang linggo, bumalik na si
na tanggapin ang kanyang buong pagkataon, kung Francis at ang iba pa niyang kasama sa Maynila
hindi pa man nila ito nagagawa. Nararamdaman upang gampanan ang mga naiwang gawain. Naiwan
niya ang walang humpay na paglulunsad ng naman si Cris sa sonang gerilya dahil sa kanyang
pakikibaka para pawiin ang mga labi ng pang-aapi kapasyahang duon na buong panahong kumilos
at diskriminasyong sekswal sa loob at labas ng bilang isang pulang mandirigma. Makaraan ang
kilusan at sa lipunan. ilang buwan, muli silang nagkita ni Cris at
Ayon kay Francis, noong pumasok rin siya sa nagkakuwentuhan tungkol sa buhay ng huli sa
loob ng sonang gerilya upang makibahagi sa kanayunan. Nalaman niya ang maayos na
pagdiriwang ng anibersaryo ng PKP nuong pakikisalamuha ni Cris sa mga mga kasama at
Disyembre 2004 sa Gitnang Luzon, nasaksihan maging sa mga masang inoorganisa nila. Ayon sa
niya rin ang pagtanggap ng mga kasama sa kanilang kanyag kwento, bumubuo siya ng grupong
mga bakla. Bakla ang dalawa sa kanilang grupo, pangkultura at mga samahang pangkabataan sa
siya na mukhang lalake, at si Cris na mukhang sonang gerilya. May ilan na rin umanong
babae. Sa isang pagkakataon, habang nagpahayag ng kagustuhang magbaba ng programa
nagpapahinga sila matapos ang mahabang ng panliligaw, subalit dahil sa kinakailangan muna
paglalakad, nakakita siya ng ahas. Tinawag niya niyang maka-isang taon ayon sa Gabay sa
ang mga kasama at sinabing mayroon ngang ahas Panliligaw, hindi pa niya maaaring tanggapin ang
na mabilis naman nilang hinuli at itinapon sa ilog. anumang programa.
Pagkatapos nito ay naging tampulan na ng tukso Sina Ka Andres at Ka Jose naman ay
ang reaksyon ni Francis sa pagkakakita ng ahas. nagkakilala nuong instruktor pang-edukasyon si Ka
May eksaherasyon minumuwestra ng isang kasama Andres sa sonang gerilya kung saan pumasok si
ang umano’y pagtawag ni Francis sa mga kasama Ka Jose. Mula rito, makikitang walang pagtatangi
nang makakita ito ng ahas. Nasaktan umano siya ang kilusan sa pagbibigay ng mga gampanin para
sa birong ito at kinabukasan ay nagpahatid ng puna. sa mga baklang miyembro nito. Ang mga baklang
Tinanggap naman ng mga kasama ang puna at aktibista sa kalunsuran ay maaaring maging
humingi ng paumanhin. Napansin rin niya umano organisador, manunulat o maging kalihim ng mga
agad ang pagpapanibagong-hubog ng mga kasama yunit. Samantala, ang mga baklang gerilya sa
matapos ang pagtanggap ng puna. kanayunan at kabundukan, katulad ng isang pulang
Gayunpaman, naramdaman ni Francis na hindi mandirigma, ay maaaring humawak ng mga armas,
naging hadlang ang kanyang pagiging bakla upang maging oganisador, instruktor at iba pang gawain.
bigyan siya ng gawaing tulad ng ibang mga pulang
mandirigma. Nagtataliba rin siya (nagbabantay sa
gabi hanggang madaling-araw upang magmanman ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYON
sa paligid) na isang mahalagang tungkuling
panseguridad ng buong grupo. Humahawak rin siya Ilang dekada ng nagsasakasaysayan ang
ng armas at nagbubuhat ng mga pagkain tulad ng rebolusyon sa Pilipinas sa paghahangad nito ng
iba. Pinakikinggan rin ang kanyang mga sinasabi tunay na kalayaan. Ang Partido Komunista ng
sa mga pulong at tinatanggap ang kanyang mga Pilipinas ay patuloy na nakikipagtungalian para sa
suhestiyon at pananaw. Para sa kanya, pambansa-demokratikong pagbabago na papalit
napakahalaga ng karanasang ito upang magpatuloy sa bulok na sistemang mala-kolonyal at mala-
sa pagkilos dahil nakita niya ang mga gawain ng pyudal na matinding nagpapahirap at nang-aapi sa
mga kasamang naglulunsad ng armadong malawak na masa ng mamamayang Pilipino.
56 MALAY TOMO XXI BLG. 2

2
(Kurso sa Pambansang Demokrasya. Kilusang Tingnan ang buong artikulo sa Philippine Daily
Mayo Uno (KMU), Sampaloc, Manila, 1989.) Inquirer, Pebrero 7, 2005.
Ang matinding krisis pang-ekonomiya at
pampulitika na lalo pang nagpapalugmok sa
kahirapan sa nakararaming mamamayang Pilipino SANGGUNIAN
ang lalo pang nagpapalakas sa rebolusyong ito.
Hanggat mayroong pagsasamantala, pang-aabuso Ang Bayan, Taon XXXV, Blg, Regular na Isyu,
at paninikil sa karapatang mabuhay ng may 21 Marso 2004.
dignidad at may kalayaan ay magpapatuloy ang Batayang Kurso ng Partido. Pambansang
iba’t ibang sektor sa ating lipunan upang baguhin Kagawaran sa Organisasyon, Partido
ang kasalukuyang lipunang Pilipino tungo sa mas Komunista ng Pilipinas 2000.
maunlad at mas makataong bayan. Baytan, Ronald, Ralph Semino Galan at J. Neil
Kasabay ng armado at parliyamentaryong Garcia, mga editor. Bongga ka ‘day! Pinoy
pakikibaka ng mga mamamayan ang patuloy na gay quotes to live by. Quezon City: Milflores
paglulunsad ng kultural na rebolusyon. Publishing Inc., 2002.
Cabalfin Jr., Edson Roy. “Mala-baklang Espasyo
“Ano ang programa ng Demokratikong sa Arkitektong Filipino: Estetika,
Rebolusyong Bayan kaugnay ng kultura? Morpolohiya, Konteksto. Tabi-tabi sa
Programa ng Demokratikong Rebolusyong Pagsasantabi: Kritikal na Tala ng mga Lesbyana
Bayan na itaguyod at paunlarin ang at Bakla sa Sining, Kultura at Wika. Mga editor:
pambansa, siyentipiko at pangmasang kultura. Evasco, Eugene et al. Quezon City: UP Press,
Ito ay kulturang siyentipiko dahil nagtataguyod 2003.
ng siyentipikong pananaw at pamamaraan; at Garcia, J. Neil. Philippine Gay Culture: the last
sumasalungat sa kaisipang pyudal at mga thirty years: binabae to bakla, silahis to
ideyang nagbubulid sa mamamayan sa balon
MSM. Quezon City: University of the Philippines
ng kamangmangan at mga walang-batayang
Press, 1996.
mga paniniwala, imoralidad, kaugalian at
pamahiin. Ang mga ito ang nagdadala sa Hinggil sa Pag-aasawa sa Loob ng Partido.
kanila sa landas ng salungat sa Komiteng Tagapagpaganap-Komite Sentral ng
rebolusyunaryong pagbabago.” (Batayang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Abril
Kurso ng Partido. Pambansang Kagawaran 1998.
sa Organisasyon, Partido Komunista ng Ilang Paliwanag Kaugnay ng mga Tuntunin sa Pag-
Pilipinas 2000.) aasawa sa Loob ng Partido, Inamyendahan ng
Komiteng Tagapagpaganap-Komite Sentral ng
Ang pagtanggap, pagkilala at paggalang sa mga Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), 1998.
baklang aktibista at baklang pulang mandirigma ay Kurso sa Pambansang Demokrasya. Kilusang
paglalaan ng espasyong bakla sa rebolusyon. Ang Mayo Uno (KMU), Sampaloc, Manila, 1989.
pakikilahok ng mga bakla sa pakikibaka ng iba’t Lichauco, Danilo, A Comparative Analysis of
ibang sektor sa ating lipunan sa pagpapalaya ng Western and Philippine Spatial Systems:
buong bayan mula sa mga naghahating-uri at Towards the Development of Philippine
nagsasamantala, ay pag-aangkin ng espasyong Architecture, National Symposium on
bakla sa kasaysayan. Philippine Architecture and Design, Sentro
ng Arkitekturang Pilipino.
Philippine Daily Inquirer, Makati City, Pebrero
MGA TALA 7, 2005
Santiago, Lilia Q. Sa Ngalan ng Ina: Sandaang
1
Mula sa mga damit na ginawa ng Progressive Taon ng Tulang Feminista sa Pilipinas 1889-
Organization of Gays in the Philippines o PROGAY.
1989. Quezon City: UP Press, 1997.
ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO ROWELL D. MADULA 57

Sison, Jose Ma. Sumusulong ang Kabataan. PANAYAM


“Makibaka para sa Pambansang Demokrasya.”
Amado V. Hernandez Resource Center, Inc. at Francis, Taft, Manila, ika-17 ng Hulyo, 2008.
College Editors Guild of the Philippines. Manila, Karlo, Kamuning, Quezon City, ika-20 ng Hulyo,
2001. 2008.
Sunstar, Davao City, Pebrero 9, 2005. Cris, Quezon City, ika-23 ng Abril, 2005.
Aleks, Manila, ika-31 ng Agosto, 2008.

You might also like