You are on page 1of 2

GROUP 3 SCRIPT

KOMENTARYONG PANRADYO
(Intense Music)
Mark- Narito ang isang napapanahong isyung eksklusibo, hatid sa inyo ng
ikatlong grupo sa Filipino, magandang araw ako po si DJ M., DJ MARK

Kassandra- Narito rin ang dyosa ng hapon, DJ YEN

(Whistle sound effect)

Franz- Mahuhuli ba dito ang bigboy sa radyo? Ako po si DJ FRANZ

(Big Boy Track)

(Habang nagsasalita pinapatugtog sa backround ang Intense music ng mahina)

Mark- Babala sa ating mga tagapakinig, ang balitang ito ay naglalaman ng


maseselan na salita at eksena.

Patay sa hazing ang isang estudyante sa Adamson University na si John


Matthew Salilig. Natagpuan ang bangkay ni John Matthew o “mat mat” sa
Imus Cavite na naaagnas, kulay talong ang balat, puno ng pasa sa binti at
hubot hubad. Ayos sa imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP at ng
National Bureau of Investigation o NBI, namatay si John Matthew pagkatapos
ng welcoming rites ng isang Fraternity na Tao Game Fee

Kassandra- 70 o pitumpu ang palo na natanggap ni John Matthew. Ayos sa


mga nakasama ni John Mathhew sa welcoming Rites, sumakay sila sa isang
Black SUV patungo sa isang abandonadong gusali sa Imus Cavite upang duon
isagawa ang initiation. Dagdag ng isa pa niyang kasama, dumadaing na si
John Matthew sa sakit ngunit hindi parin sila tumitigil at pinagpatuloy pa ang
kanilang initiation.

Franz- Ika Anim ng Marso taong kasalukuyan inilibing si John Matthew sa


Forest Lake Memorial Part, Umaga sa Zamboanga City. Labis ang
pagdadalamhati ng pamilya ni John Matthew dahil sa kanyang pagkawala.
Humihingi sila ng hustisya ng pagkawala ng bunso nila. Nitong nakaraan lang
ay sumuko na ang mga suspect sa pagkamatay ni John Matthew. Nahaharap
sila sa paglabag sa batas na R.A. NUMBER 11053 O ANTI HARING LAW na
may dalawampu hanggang apatnapung taon na pagkakakulong.

(Usapan
tungkol sa
balita)
Mark- At iyan ang balitang napapanahon at pinaguusapan, salamat sa mga
tagapakinig natin ngayong hapon ako po ulit si DJ M, DJ MARK

Kassandra- Ako naman ang dyosa ng hapon, DJ YEN

(Whistle Sound Effect)

Franz- Ang bigboy sa aming tatlo, Franz Isidro

(Bigboy Track)

(Papatugtugin ang Jopay ng Mayonnaize)

Mark- Bago kami tuluyang magpaalam, iiwan po namin sa inyo ang kantang
Jopay ng Mayonnaise.

You might also like