You are on page 1of 5

Pamantasan ng De La Salle, Maynila

Term 2. A.Y. 2022-2023

In partial fulfillment of the course


LCFILIA - Introduksyon sa Filipinolohiya at Araling Pilipinas

Ang Kasaysayan ng Salitang Efas

Inihanda nina:
Litang, Cedric Luis M.
Ortiz, Mark Arnel A.
Santos, Reshawn Kimi C.
San Agustin, Lorenzo Nathaniel S.

Ipinasa kay:
G. John Leihmar C. Toledo
INTRODUKSYON

a. Bakgrawn ng pag-aaral (Ortiz)


Ayon kay (Sapanta, 2020) “Ang Wika ay dinamiko, ibig sabihin ay nagbabago ito habang
tumatagal ang panahon. Ayon sa natural law, hindi lamang ang salitang "pagbabago" o "change"
sa Ingles ang nagbabago, alam natin na walang makakaligtas sa batas na ito.” Ang mga
pagbabagong ito ay bunga ng mga gawain, ugnayan, panlasa o trend at pangangailangan ng
gumagamit ng wika. Ang Generation Z o mga GenZ ay mga taong nabuhay sa panahon ng
teknolohiya. Sila ay kabilang sa mga tinatawag na digital na katutubo na hindi nakakaintindi sa
mundo nang walang internet. Base sa pag-aaral ni (Kaohana, 2016), malaki ang naging epekto ng
teknolohiya sa ating mga kabataan. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng ideya kung paano bumuo ng
mga salitang mabilis maintindihan kagaya ng salitang “Efas” o ang binaliktad na salita ng
“safe”. Maririnig ang salitang ito sa mga usapan sa social media o sa paggamit habang
nagsasalita. Makikita rin ito sa mga online games o kung ikaw ay nasa sitwasyon na muntik nang
mapagalitan o mapahamak, magagamit mo rin ang salitang ito. Nagpapatunay ito na bilang mga
Pilipino, malikhain tayo sa pagbuo ng mga salitang mabilis nating maintindihan o kaya’y
nakakamangha. Nais naming mga mag-aaral na gawin itong pananaliksik tungkol sa salitang
“Efas” upang magkaroon kami ng karanasan at sariling pang-unawa kung paano nag-e-evolve
ang mga salita.

b. Layunin- (Reshawn)

Ang layunin ng papel na ito ay upang maipakita ang kasaysayan at etimolohiya ng


salitang "Efas" at kung paano ito nanggaling sa salitang "safe." Bukod dito, ito rin ay
magpapakita kung paano ito nag-evolve mula sa kahulugang denoteytiv hanggang sa konoteytiv.

II.Maikling kasaysayan - (Reshawn)

Ang salitang "efas" ay isang salitang galing sa wikang Filipino na nangangahulugang


"seguridad" o "proteksyon." Ito ay mahalagang konsepto sa pang-araw-araw na buhay at
kahalagahan ng kaligtasan ay hindi lamang sa personal na antas, kundi pati na rin sa mga
korporasyon at organisasyon. Ang konsepto ng kaligtasan ay may matagal nang kasaysayan sa
kasaysayan ng tao.

III.Etimolohiya - (Reshawn)

Ang salitang "efas" ay nagmula sa salitang Ingles na "safe" na nangangahulugang


"secure" o "out of danger." Ayon kay Tiongson (2012), ang salitang "safe" ay nanggaling sa Old
English na "sæfe" na nangangahulugang "secure from danger" o "protected." Ito ay nag-evolve
sa Middle English bilang "saf" bago naging bahagi ng modernong English at ginagamit sa iba't
ibang konteksto, tulad ng kaligtasan sa pagpapatakbo ng sasakyan, kaligtasan sa pagkain, at iba
pa.

IV.Paano nag-evolve ang salita? - (Ortiz)


a. Kahulugang denoteytiv
Ang salitang “Safe” ay nag ngangahulugang ligtas o secure na nagbabatay sa sitwasyon o
lugar, o bagay na walang panganib o hindi nakakatakot. Ito’y ginagamit sa paraan na
nagpapakita ng ligtas na lugar o kinakaharap. Isang halimbawa dito ay pag ikaw ay nasa ligtas na
lugar o ikaw ay nasagip ng mga tao sa panganib.

b. Kahulugang konoteytiv
Ang “efas” ay may isang salita ginagamit ng mga kabataan na ibig sabihin ay ligtas o
pagpapakita ng ginhawa. Ang reaksyon na nagpapakita nito ay ang paglalahad ng madaling
pagkakaunawa sa bawat isa Isang halimbawa dito ay ang paggamit ng GenZ sa salitang efas
magagamit ito sa mga paglalaro pag uusap ng mga kaibigan at sa social media. Halimbawa: Efas
tayo men di tayo natawag sa recitation. Yan ang isang halimbawa ng salitang “Efas.”

VI. Kontribusyon ng salita sa Kulturang Lasalyano - ( Maqui )


Ang salitang "Efas" ay nagbibigay sa Lasallian community ng mas malawak na
pagpipilian sa bokabularyo. Nagbibigay-daan ito sa komunidad na manatiling napapanahon sa
mga salitang balbal na ginagamit ng mga tao ngayon. Ito ay nagbibigay-daan sa higit na kakaiba
at pagkakaiba-iba sa kung paano mo maaaring ipahiwatig na ikaw ay ligtas o nasa isang ligtas na
kapaligiran.

VII. Kontribusyon ng salita sa Kulturang Pilipino -


Maririnig mo ang salitang “Efas” kung saan ka man pumunta sa Pilipinas. Bata, binata,
matada o kahit sino man ay naggaamit ang “Efas” tuwing may nangyayari na mahirap at biglang
nagiging maluwag ang sitwasyon para sa mga tao tulad sa paglalaro. Ito din ay isang halimbawa
ng pagiging mautak pag dating sa pag gawa ng mga bagong salita dahil nga tayo ay lagi
naghahanap ng mga bago na magagamit sa ating pang araw-araw na buhay.
VIII. Kongklusyon at paglalahat -
Sa kasalukuyan, ang salitang “Efas” ay isa sa mga ginagamit ng mga Pilipino. Pinapakita nito
ang pagiging produktibo ng mga Pilipino sa paggawa ng mga slang o jargon upang gamitin sa
pang kasalukuyan. Gayunpaman, ito ay magiging na patuloy ang pagbabago ng wika at ng
paraan ng pakikipag-usap ng mga Pilipino sa bawat henerasyon.
SANGUNIAN:
Aquino, G. (2016). The emergence of English in the Philippines: A diachronic
perspective. Philippine Journal of Linguistics, 47(1), 1-24.

Kaohana, B. (2016, February 9). Meet Generation Z: The Digital Natives. Ka ’Ohana.

http://kaohana.windward.hawaii.edu/2016/02/meet-generation-z-the-digital-natives/

Sapanta, D. M. (2020, January 1). LODING GENZ PAGGALUGAD SA PETMALUNG WIKANG

BALBAL.

https://www.academia.edu/59974398/LODING_GENZ_PAGGALUGAD_SA_PETMAL

UNG_WIKANG_BALBAL

Merriam-Webster. (n.d.). Safe. In Merriam-Webster.com dictionary. Retrieved March 24,


2023, from https://www.merriam-webster.com/dictionary/safe

You might also like