You are on page 1of 66

10

Filipino
Unang Markahan –
Modyul 4 Akdang
Pampanitikan ng
Mediterranean (Epiko)
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Epiko)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glen C. Ontoy & Donald T. Restauro
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: Archimedes M. Casama
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region X
Office Address: Fortich St. Sumpong, Malaybalay City, 8700 Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Unang Markahan –
Modyul 4 Akdang
Pampanitikan ng
Mediterranean (Epiko)
i
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMA
PAUNANG SALITA

Aralin 1: Ang Epiko at Kasaysayan Nito

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 5
Suriin 7
Pagyamanin 8
Isaisip 8
Isagawa 9
Tayahin 10
Karagdagang Gawain 11

Aralin 2: Ang Epiko ni Gilgamesh

Alamin 12
Subukin 13
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 18
Pagyamanin 19
Isaisip 19
Isagawa 20
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 22

Aralin 3: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

Alamin 23
Subukin 24
Balikan 26
Tuklasin 27
Suriin 28
Pagyamanin 29
Isaisip 29
Isagawa 30
Tayahin 31
Karagdagang Gawain 33

ii
Aralin 4: Ang Epiko Ni Tuwaang

Alamin 34
Subukin 35
Balikan 36
Tuklasin 37
Suriin 41
Pagyamanin 42
Isaisip 43
Isagawa 44
Tayahin 44
Karagdagang Gawain 46

Aralin 5: Lingguhang Pangwakas na Gawain

Alamin 47
Tayahin 47

Susi sa Pagwawasto 50
Sanggunian 54

iii
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa Unang Markahan hinggil sa mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean,
ang Epiko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to
12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag -
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa


Guro
Ang modyul na ito

Para sa mga Magulang:


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating
mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa
silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.

Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-aaral


upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

iv
Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa epiko na nagmula sa


Mediterranean nang sa ganoon ay lalawak pa ang iyong kaalaman hinggil dito lalo na sa
Epiko ni Gilgamesh. Kasabay mo ring matutuhan sa modyul na ito ang pagsasanib ng
gramatika at retorika na nakatuon sa mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag
na susubok sa kakayahan mong magpahayag at mangatwiran.

Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa gitna


ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na ito
upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

vi
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat ang
kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa iyo na
matutunan ang tungkol sa Epiko at Kasaysayan nito; Epiko ni Gilgamesh: Isang epikong
mula sa Mesopotamia, salin sa Ingles ni N.K. Sandars at saling-buod sa Filipino ni Cristina
S. Chioco; Mga Pananda sa Mabisang Pagpapahayag; Epiko ni Tuwaang; at Lingguhang
Pangwakas na Gawain. Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong
pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng talasalitaan ng
mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard
na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng iyong
mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

 Aralin 1 – Ang Epiko at Kasaysayan Nito


 Aralin 2 – Epiko ni Gilgamesh
 Aralin 3 – Mga Pananda sa Mabisang Pagpapahayag
 Aralin 4 – Epiko ni Tuwaang
 Aralin 5 – Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko. F10PN-Ie-f-65


2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng
tauhan. F10PB-Ie-f-65
3. Napapangatuwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang akdang
pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa ang epiko. F10PB-Ie-f-66
4. Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdamin. F10PT-Ie-f-64
5. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda. F10PT-Ie-f-65
6. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan
ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan. F10PD-Ie-f-64
7. Nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda. F10PS-Ie-f-67
8. Naisusulat ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig. F10PU-Ie-f-67
9. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. F10WG-Ie- f-60

vii
Aralin
Ang Epiko at Kasaysayan nito
1
Mesopotamia - salitang Griyego na nangangahulugang sa pagitan ng
dalawang ilog, ang Ilog Tigris at Euprates. Sa kasalukayan, ang kalakhang bahagi
nito ay Iraq at ang natitira’y Iran, Syria, at Turkey. Isa itong sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean, sa hilagang- silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa
timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia. Ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-
Jazirah’ (ang isla) na sa kalauna’y tinawag na Fertile Crescent ayon sa Egyptologist
na si J.H. Breasted.

Alamin

Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay
malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na
makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang mga ito. Saklaw sa araling ito
ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko. Pagkatapos nito, inaasahang ikaw ay
napapangatuwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang akdang pandaigdig
na sumasalamin ng isang bansa ang epiko.

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang kahulugan at kasaysayan ng


epiko.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-


unahang dakilang likha ng panitikan ?
A. Beowulf B. Gilgamesh
C. Ibalon D. Illiad at Odyssey

2. Nagsimula kay _________ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong


800 BC.
A. Beowulf B. Gilgamesh
C. Homer D. Joselyn Calibara Sayson

3. Ang _____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
A. alamat B. epiko
C. mitolohiya D. nobela

4. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay


ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
A. alamat B. epiko
C. mito D. mitolohiya

5. Sino sa palagay ninyo ang lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong


Romano?
A. Apollonius B. Per Abbat
C. Ovid D. Virgil

6.Ang ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon.


A. Beowulf B. Hagen
C. The Heliad D. The Nibelungenlid

7.Epiko ng mga Ifugao.


A. Biag ni Lam-ang B. Hudhud ni Aliguyon
C. Ibalon D. Tuwaang

8.Ang kalupaan ng Mesopotamia ay kinikilala bilang________.


A. Al- Jazirah B. Bundok Zargos

2
C. Euprates D. Tigris

9. Ang isinulat ni Milton na ang basehan niya ay ang The Aeneid.


A. Paradise Lost B. The Fall of Man
C. The Fall of Troy D. Virgil

10. Ang sumulat ng The Divine Comedy.


A. Dante B. Homer
C. Plato D. Virgil

11. Siya ang sinasabing nagdala ng kopya ng The Divine Comedy nito sa bulsa ng
kaniyang amerikana.
A. Basques B. Gustave Dore
C. Per Abbat D. T.S Eliot

12. Ang nagdesinyo ng The Divine Comedy noong ikalabinsiyam na siglo.


A. Basques B. Gustave Dore
C. Per Abbat D. T.S Eliot

13. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol noong Middle Ages.


A. Chanson de Roland B. El Cid
C. Gilgamesh D. The Divine Comedy

14. Ang kilalang epikong French noong Middle Ages


A. Chanson de Roland B. El Cid
C. Gilgamesh D. The Divine Comedy

15. Lumikha ng mahahalagang epikong Emperyong Romano.


A. Dante B. Homer
C. Plat D. Virgil

3
Balikan

Nakabasa ka na ba ng isang akdang epiko? Ano-anong mga bagay ang


nalalaman mo tungkol dito?
Isulat ang iyong nalalaman sa paabanikong dayagram sa ibaba.

Magaling! Para mas lalo mo pang


maunawaan ang tungkol dito,
basahin at unawaing mabuti ang
nasa ibaba.

4
Tuklasin

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego epos na ang salawikain


o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay. Ang
pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin
upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na
naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay
ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakahaharap, lalong magaling kung
ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong
makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala


bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh
ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang
Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na
kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon
nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at
pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang salita ng manuskrito na ginamit bilang
pamagat), Shūtur eli sharrī (“Surpassing All Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet
(manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay.

Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may
incipit na Sha naqba īmuru (“He who Saw the Deep”), sa makabagong salita: (“He
who Sees the Unknown”). Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang
tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa
guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanibal.

Kasaysayan ng Epiko
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson
Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay
kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung
may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.

Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong


800 BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad
and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang
halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y
naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang
manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Dactylic

5
hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang
panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan,
mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at
iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.

Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong


Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni
Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng
mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang
ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost.
Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagaman ito’y hindi madalas
basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa.
Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni
Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at
pintor sa loob ng maraming dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya
nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni
Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.

Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El


Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa
Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion
(pagtatapos ng Old English period).

Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de
Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni
Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong
1090.

Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na


siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli
ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay
nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.

Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang


nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa
mga kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi
mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si
Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa
ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga


epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong
proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo sa
Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan
ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni

6
Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at
marami pang iba.

Suriin

Ang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos” na ibig sabihi’y salawikain o


awit, ngunit sa kasulukuyan ito at tumutukoy sa kabayanihan na isinalaysay. Isang
uri ng tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
may taglay na kapangyarihan. Layunin nito na gisingin ang damdamin ng
mambabasa upang hangaan ang pangunahing tauhan.

Isa sa mga kilalang epikong patula ay ang epiko ni Gilgamesh mula sa


Mesopotamia na pinaniniwalaang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Sa
Europa, noong 800 B.C., ang tradisyon ng epiko nagsimula kay Homer ng Greece.
Lumikha naman ng mahahalagang epiko ng Imperyong Romano si Virgil noong 70-
19 B.C. Nakalikha din si Dante ng kanyang The Divine Comedy.

Ang El Cid na sinulat ni Per Abbat noong 1207 ay isa din sa mga kilalang
epikong Espanyol noong Middle Ages. Ang epikong French ay mayroon ding
Chanson de Roland na naisulat noong Middle Ages. Ang epikong Ingles naman ay
nagsimula sa Beowulf.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko na kumakatawan


sa mga paniniwala, kaugalian at pagpapahalagang-moral ng mamamayan.

Mga Gabay na Tanong

1. Paano masasalamin ang kultura ng bansang pinagmulan ng epiko?


2. Bakit ito maituturing na mahalagang akdang pandaigdig?

Ngayong
alam na
natin ang

7
Pagyamanin

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita/mga salita upang mabuo ang diwa.
Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

800 BC epos
Manobo
Chanson de Roland epiko

Ang (1) ____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
Ito’y mula sa salitang Griyegong (2) ____ na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito
ay tumutukoy sa (3) ____ na isinasalaysay. Layunin nito na gisingin ang (4) ____
upang hangaan ang pangunahing tauhan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang (5)
____ na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
Nagsimula kay (6) ____ ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong
(7) ____. (8) ____ ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa
isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing
paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Si (9) ____ ay lumikha ng
mahahalagang epiko ng Imperyong Romano. Ang kilalang epiko ni Dante ay (10)
____. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang (11) ____ na
isinulat noong 1207 ni Per Abbat. Isa din sa mga kilalang epikong French noong
Middle Age ay ang (12) ____.
May dalawang kilalang epikong German. Ito ay ang (13) ____ at (14) ____.
Hindi naman nagpapahuli ang Pilipinas na tinatayang umaabot sa 28 na kilalang
epiko. Isa mga ito ay ang Tuwaang ng mga (15) ____.

Isaisip

Ngayong nabasa mo na ang tungkol sa epiko at kasaysayan ni Gilgamesh,


sagutin ang mga sumusunod na tanong upang mapangatuwiranan mo ang dahilan
kung bakit ito tinuturing na mahalagang akdang pandaigdig
1. Ano ang epiko?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

8
2. Ano ang kaibahan nito sa ibang panitikan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano sa iyong palagay, ang mga dahilan kung bakit natin ito pag-aralan sa
kasalukuyan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Buoin ang tsart na nasa ibaba sa pamamagitan ng simpleng pagtatala ng


mga gagawin mo upang mapanatili at mapreserba ang panitikang epiko sa mundo
ng modernisasyon. Isulat ang sagot sa kwaderno.

9
Tayahin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1.Ang ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon.


A. Beowulf B. Hagen
C. The Heliad D. The Nibelungenlid

2.Epiko ng mga Ifugao.


A. Biag ni Lam-ang B. Hudhud ni Aliguyon
C. Ibalon D. Tuwaang

3.Ang kalupaan ng Mesopotamia ay kinikilala bilang________.


A. Al- Jazirah B. Bundok Zargos
C. Euprates D. Tigris

4.Ang isinulat ni Milton na ang basehan niya ay ang The Aeneid.


A. Paradise Lost B. The Fall of Man
C. The Fall of Troy D. Virgil

5.Ang sumulat ng The Divine Comedy.


A. Dante B. Homer
C. Plato D. Virgil

6. Siya ang sinasabing nagdala ng kopya ng The Divine Comedy nito sa bulsa ng
kaniyang amerikana.
A. Basques B. Gustave Dore
C. Per Abbat D. T.S Eliot

7.Ang nagdesinyo ng The Divine Comedy noong ikalabinsiyam na siglo.


A. Basques B. Gustave Dore
C. Per Abbat D. T.S Eliot

8.Isa sa mga kilalang epikong Espanyol noong Middle Ages.


A. Chanson de Roland B. El Cid
C. Gilgamesh D. The Divine Comedy

9.Ang kilalang epikong French noong Middle Ages


A. Chanson de Roland B. El Cid
C. Gilgamesh D. The Divine Comedy

10
10. Lumikha ng mahahalagang epikong Emperyong Romano.
A. Dante B. Homer
C. Plato D. Virgil

11. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang


dakilang likha ng panitikan ay ang ________.
A. Beowulf B. Gilgamesh
C. Ibalon D. Illiad at Odyssey

12. Nagsimula kay _________ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong
800 BC.
A. Beowulf B. Gilgamesh
C. Homer D. Joselyn Calibara Sayson

13. Ang _____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
A. Alamat B. Epiko
C. Mitolohiya D. Nobela

14. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay


ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
A. Alamat B. Epiko
C. Mito D. Mitolohiya

15. Ang lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano.


A. Apollonius C. Ovid
B. Per Abbat D. Virgil

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng isang epiko sa inyong lugar. Ilahad ang kasaysayan nito.

A. Pamagat ng Epiko ______________________________


B. Kasaysayan ng nasaliksik na Epiko
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
Aralin
Epiko ni Gilgamesh
2

Ngayong maliwanag na sa inyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa


epiko at kasaysayan nito, maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

Alamin

Saklaw ng araling ito ang isang epikong patula mula sa Mesopotamia, ang
Epiko ni Gilgamesh na kung saan ay tinaguriang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan. Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nahihinuha ang
katangian ng tauhan sa napakinggang epiko at naibibigay ang sariling
interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan.

Mga Tala para sa Guro

12
Subukin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.


A. Beowulf B. Gilgamesh
C. Iliad at Odyssey D. Tuwaang

2. Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao;
binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.
A. Enkidu B. Gilgamesh
C. Urshanabi D. Utnapishtim

3. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaibigang si Enkido sa loob ng ___?


A. anim na araw at gabi B. anim na araw at pitong gabi
C. pitong araw at anim na gabi D. pitong araw at gabi

4. Ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.


A. Enkido B. Humbaba
C. Ishtar D. Ninurta

5. Ang mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo


sa tahanan ng Utnapishtim.
A. Anu B. Gilgamesh
C. Urshanabi D. Utnapishtim

6.Diyosa ng pag-ibig at digmaan na reyna ng mundo.


A. Enlil B. Ishtar
C. Ninurta D. Siduri

7.Ang bayani ng epiko at hari ng Uruk.


A. Enkido B. Gilgamesh
C. Shamash D. Urshanabi

8. Paano tinugon ng diyos ang dasal ng mga mamamayan ng Uruk para


kay Gilgamesh?
A. nagpadala ang Diyos ng anghel.
B. nagpadala ang Diyos ng taong kasinlakas ni Gilgamesh na si Enkido.
C. pinarusahan si Gilgamesh.
D. pinatay si Gilgamesh.

13
9. Katangian ni Gilgamesh na hindi nagustuhan ng kanyang mga nasasakupan.
A. abusado sa kapangyarihan at pagiging mayabang nito.
B. pagiging mabait at may takot sa Diyos
C. pagiging matipuno at matapang
D. wala sa nabanggit.

10. “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong


kahiya-hiya.” Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang dakila?

A. bantog B. makapangyarihan C. mapagmahal


D. uliran

11. Bilang alaala kay Enkido, ano ang ipinagpatayo ni Gilgamesh?


A. bahay B. estatuwa
C. kaharian D. palasyo

12. Ang naging parusa ng Diyos sa kawalan ng paggalang nina Gilgamesh


at Enkido.
A. kapwa mamamatay sina Enkido at Gilgamesh
B. mamamatay si Enkido sa matinding karamdaman.
C. mamamatay si Gilgamesh sa matinding karamdaman
D. pinakulong silang dalawa.

13. Kaibigan ni Gilgamesh at matapang na tao na nilikha mula sa luwad.


A. Ea B. Enkido
C. Enlil D. Humbaba

14. Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao.


A. Enkido B. Gilgamesh
C. Shamash D. Urshanabi

15. Diyos ng karunungan at kaibigan ng mga tao.


A. Ea B. Enlil
C. Ninurta D. Siduri

14
Balikan

Bago mo
umpisahan ang
pagbabasa at

Panuto: Gawin ang nasa ibaba at isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

15
Tuklasin

Sa panahon ng Pandemic na ating nararanasan ngayon, sino-sino ang mga


maituturing mong mga bayani? Paano nila ipinapakita ang kanilang kabayanihan?
Gayahin ang pormat na nasa ibaba.

Bayani: _____________________
Kabayanihang Nagawa:
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Basahin Mo!

Mula sa Epiko ni Gilgamesh salin sa Ingles ni N.K. Sandars saling-buod sa Filipino


ni Cristina S. Chioco

Mga Tauhan:
 Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
 Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
 Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
 Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
 Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
 Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
 Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
 Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
 Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
 Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan
patungo sa tahanan ng Utnapishtim
 Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang
mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng


Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao.
Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa
kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin
ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-
amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang
huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni

16
Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si
Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang
kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng
pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang
kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro.
Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda
nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa
matinding karamdaman.

Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob


ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar,
ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon,
tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako
noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang
taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang
layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang
kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako,
sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang
pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla,
ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi
na makababalik.

Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na
ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag,
kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang
dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga
makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na
minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala
na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din
ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa
templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa
kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya,
ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang
talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong
maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot
na takot.”

Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha.
Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan
sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari
ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapanipaniwala at
nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng
katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay
maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao
ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang
diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng
sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

17
Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-
araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh,
“Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa
ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang
siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na
makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati
hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan
ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiyahiya. Hindi ako mamamatay
tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng


pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang
mga tao bilang alaala.

Suriin

Si Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk na ang dalawang katlo ng pagkatao ay


diyos at ang sangkatlo ay tao. Mailalarawang matipuno, matapang at
makapangyarihan subalit mapang-abuso. Dahil dito, nagdasal ang kanyang mga
nasasakupan sa kanilang diyos para makalaya sa kanyang pamumuno. Dininig ito at
pinadala si Enkido, isang taong kasinglakas niya. Nagpang-amok ang dalawa ngunit
kinalauna’y naging matalik na magkaibigan. Mula noon, sabay-sabay silang
dalawang sa pakikipaglaban at sa pang-aabuso sa kapangyarihan kaya’t nagalit ang
mga diyos na naging dahilan na pagkaratay ni Enkido sa matinding karamdaman.
Naging masama ang loob ni Enkido sa kanyang kaibigan dahil siya ang
naparusahan sa kanilang hindi magandang pag-uugali. Nagbabala siya sa kanyang
mga mapapait at hindi kaaya-ayang panaginip. Ang nagngangalit na kalangitan at
galit ng sangkalupaan. Habang isinalaysay ni Enkido ang kanyang panaginip, naawa
si Gilgamesh at pinunasan nito ang kanyang luha. Sinabihan siyang pinarurusahan
na siya ng kanilang dakilang diyos. Iniyakan ni Gilgamesh ang kanyang kaibigan at
namatay si Enkido. Pinagluksa ito ni Gilgamesh sa loob ng pitong araw at gabi.
Pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kanyang mga tao bilang alaala.

18
Pagyamanin

A. Panuto: Ibigay ang mga katangiang taglay ni Gilgamesh. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.

B. Panuto: Tukuyin ang mga suliranin ng tauhan sa epiko at bigyan ng


sariling interpretasyon ang mga ito.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Nanaisin mo bang maging kaibigan ang isang tulad ni


Gilgamesh? Bakit?

2. Batay sa akda, ipaliwanag ang nais ipabatid ng epiko tungkol sa


buhay ng tao.

19
3. Anong mensahe ng pagkakaibigan ang nais iparating sa akda?

4. Bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa


pangunahing tauhan ng epiko? Maituturing ba silang mga bayani
ng kanilang panahon? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng halimbawa.

5. Ano ang kaibahan at pagkakatulad ng mga paniniwala ng taga-Ehipto


at ng mga Pilipino tungkol sa buhay na walang hanggan?

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang pagpapahayag o paglalahad ng karanasan tungkol


sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. (15 puntos).

Ito ay tatayahin batay sa sumusunod na pamantayan

Pamantayan Puntos Marka

Nilalaman 5 puntos

Kalinawan 5 puntos

Kabuuan 5 puntos

20
Tayahin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Kaibigan ni Gilgamesh at matapang na tao na nilikha mula sa luwad.
a. Ea c. Enlil
b. Enkido d. Humbaba

2. Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao.


a. Enkido c. Shamash
b. Gilgamesh d. Urshanabi

3. Diyos ng karunungan at kaibigan ng mga tao.


a. Ea c. Ninurta
b. Enlil d. Siduri

4. Ang bayani ng epiko at hari ng Uruk.


a. Enkido c. Shamash
b. Gilgamesh d. Urshanabi

5. Bilang alaala kay Enkido, ano ang ipinagpatayo ni Gilgamesh?


a. bahay c. kaharian
b. estatuwa d. palasyo

6. Ang naging parusa ng Diyos sa kawalan ng paggalang nina Gilgamesh at Enkido.


a. kapwa mamamatay sina Enkido at Gilgamesh
b. mamamatay si Enkido sa matinding karamdaman.
c. mamamatay si Gilgamesh sa matinding karamdaman
d. pinakulong silang dalawa.

7. Paano tinugon ng Diyos ang dasal ng mga mamamayan ng Uruk para


kay Gilgamesh?
a. nagpadala ang Diyos ng anghel.
b. nagpadala ang Diyos ng taong kasinlakas ni Gilgamesh na si Enkido.
c. pinarusahan si Gilgamesh.
d. pinatay si Gilgamesh.

8. Katangian ni Gilgamesh na hindi nagustuhan ng kanyang mga nasasakupan.


a. abusado sa kapangyarihan at pagiging mayabang nito.
b. pagiging mabait at may takot sa Diyos

21
c. pagiging matipuno at matapang
d. wala sa nabanggit.

9. Ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.


a. Enkido c. Ishtar
b. Humbaba d. Ninurta

10. Ang mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo


sa tahanan ng Utnapishtim.
a. Anu c. Urshanabi
b. Gilgamesh d, Utnapishtim

11. Diyosa ng pag-ibig at digmaan na reyna ng mundo.


a. Enlil c. Ninurta
b. Ishtar d. Siduri

12. “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong


kahiya-hiya.” Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang dakila?

a. bantog c. mapagmahal b.
makapangyarihan d. uliran

13. Kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.


a. Beowulf c. Iliad at Odyssey b. Gilgamesh
d. Tuwaang

14. Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga
tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.
a. Enkidu c. Urshanabi
b. Gilgamesh d. Utnapishtim

15. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaibigang si Enkido sa loob ng __?


a. anim na araw at gabi c. pitong araw at anim na gabi b. anim na
araw at pitong gabi d. pitong araw at gabi

Karagdagang Gawain

Gawin: Wakasan Mo.

Kung ikaw ang sumulat ng epiko ni Gilgamesh, papaano mo ito


wawakasan? Ilahad sa ibaba.
________________________________________________________
________________________________________________________

22
Aralin Mga Pananda sa Mabisang
3 Paglalahad ng Pahayag

Sa ating nakaraang talakayan, iminulat tayo sa pinagmulan ng epiko.


Mapapansin natin na may mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang
pagpapahayag. Para mas lalong maliwanagan tayo tungkol dito, aalamin natin kung
ano-ano ang mga ito.

Alamin

Para maging malinaw at interaksyunal ang pagpapahayag, mahalagang


alamin ang mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nabibigyang-puna ang bisa ng
paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin at nagagamit ang
angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Mga Tala para sa Guro

23
Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na mga salitang pananda para sa mabisang


pagpapahayag ang mga sumusunod na pangungusap at isulat sa sagutang papel.

1.Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ______ ang asul?
A. at B. maging
C. nang D. o

2.Magtitimpla ako ng kape para kay tatay ________ walang mainit na tubig.
A. at saka B. dahil dito
C. datapwat D. ngunit

3.Tumigil ang pag-iyak ng bata _________ bumalik ang kanyang ina.


A. datapwat B. kapag
C. nang D. subalit

4. Isa sa mga suliraning pandaigdig na ating kinakaharap ngayon ay ang


pandemyang Covid 19. Wala ni isa sa atin ang nakakaalam ____ hanggang kailan
ito matatapos.
A. at saka B. dulot nito
C. kaya D. kung

5. Nakita muli ni Aling Marie ang kanyang nag-iisang anak _______ ng limang taon
taon sa ibang bansa.
A. noon B. pagkatapos
C. samantala D. sumunod

6. Maging alerto tayo sa lahat ng bagay. _________ matutong makinig at sumunod


sa batas nang sa ganun buhay hindi matodas.
A. Higit pa rito B. Higit sa lahat
C. Kabilang dito D. Sa madaling salita

7.Magbabasa nalang ako ng aklat _____ maglaro ng online games.


A. dagdag pa rito B. di tulad ng
C. sa halip na D. sa totoo lang

8.Ang kagandahan ng paligid ay nawala ______ kapabayaan ng mga tao.


A. dahil nito B. dahil rito
C. dahil sa D. kabilang dito

24
9. Ang ganda ng mga ngiti mo ngayon, _________ mga nakaraang araw.
A. di tulad ng B. noon
C. sa totoo lang D. tunay na

10. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit _______ nag-aaral


siya gabi-gabi.
A. dahil B. kaya
C. kung D. pero

11. Tumatahol ang mga aso _________ may taong kumakatok sa pinto.
A. kapag B. maging
C. ngunit D. subalit

12. ____________ mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.


A. Bagamat B. Datapwat
C.Ngunit D. Sapagkat

13. Ang matapat na damdamin ____ magalang na pag-uugali ay isang bagay na


nagbibigay liwanag.
A. at B. at saka
C. maging D. o

14. Mahal ko siya _______ may mahal na siyang iba.


A. dahil sa B. kapag
C. maging D. ngunit

15. Makakamit natin ang ating pangarap sa buhay kapag tayo ay magiging
matiyaga, masipag, may tiwala sa ating sarili at _____ may pananalig sa Diyos.
A. higit pa rito B. higit sa lahat
C. kabiilang dito D. sa madaling salita

25
Balikan

Sa huling tagpo,
natalakay natin
ang
pakikipagsapalara

26
Tuklasin

Panuto: Tukuyin ang salitang nagpapahayag ng matinding damdamin sa bawat


pangungusap at ipaliwanag ito gamit ang mga salitang pananda sa mabisang
paglalahad kung anong damdamin ang nais ipahiwatig sa bawat pahayag. Isulat sa
loob ng kahon ang iyong sagot.

Salitang
nagpapahayag ng
Pahayag mula sa Epiko Pagpapaliwanag
Matinding
Damdamin

1. “Ako ang pumutol ng punong


Cedar, ako ang nagpatag ng
kagubatan, ako ang nakapatay
kay Humbaba, at ngayon
tingnan mo ang nangyari sa
akin?”
2. “Mananalangin ako sa mga
dakilang diyos dahil sa
ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang
kasasapitan ng sino man sa
pamamagitan ng panaginip.”
3. “Minsan ay binigyan mo ako
ng buhay kaya ngayon ay
wala na ako kahit na ano.”

Napansin mo ba ang mga salitang initiman sa itaas? Alamin natin kung ano
ang mga ito. Basahin ang nasa ibaba.

Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

Mga halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag:

1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon


sa panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo, nang, noon, pagkatapos, sumunod, samantala

27
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito, bunga nito, resulta ng, sa mga pangyayaring ito, kung gayon,
samakatuwid, dulot nito, sa gayon

3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring


gamitin ang mga salitang:
sa halip na, sa kabilang dako, di tulad ng, sa kabilang banda, higit pa rito, sa
magkatulad na dahilan

4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang


mga salitng:
kabilang dito, at saka, bukod dito, karagdagan dito

5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:


sa madaling salita, sa totoo lang, higit sa lahat, tunay na

6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay


maaaring gamitin:
halimbawa nito, dagdag pa rito, bilang karagdagan, kabilang dito ang
sumusunod.

Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang
pangkat ang mga pangatnig.

1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na


makatatayong mag-isa, tulad ng:
at, ngunit, ni, datapwat, saka, pero, maging, o, pati, subalit, at iba pa

2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad


ng:
kung kaya, pag, kapag, dahil sa, kung gayon, palibhasa, sapagkat, at iba pa

Suriin

Gamit ang mga salitang pananda, matutulungan nito na maging malinaw at mabisa
ang paglalahad ng mga pahayag. Ang mga pananda ay nagsisilbing hudyat kung
anong bigat ng damdamin mayroon ang isang pahayag.
Isa sa mga paraan para maging malinaw ang inilalahad na pahayag ay sa
pamamagitan ng pagbibigay katuturan, ito’y nakapagpapaliwanag ang isang ideya,
katiyakan at payak na interpretasyon.

28
Napakahalaga ring matutunan ang mga ito para mas madaling unawain at maging
kapani-paniwala ang pahayag na inilalahad. Sa pamamagitan din nito, nagiging
interaksyunal ang pakikipagkomunikasyon.

Pagyamanin

Panuto: Pag-isahin ang pahayag sa bawat bilang gamit ang angkop na pangatnig.
Piliin ang titik ng tamang pangungusap at isulat ang sagot sa nakalaang patlang sa
inyong kuwaderno.
____ 1. Maikli ang buhay. Gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisihan sa huli.
a. Maikli ang buhay at gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisihan sa huli.
b. Maikli ang buhay kaya gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisihan sa huli.
c. Maikli ang buhay kung gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisihan sa huli.
d. Maikli ang buhay upang gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisihan sa huli.

____ 2. Marami na akong nabasang mga epiko. Ang epiko ni Gilgamesh.


a. Marami na akong nabasang mga epiko gaya ang epiko ni Gilgamesh.
b. Marami na akong nabasang mga epiko kabilang dito ang epiko ni Gilgamesh.
c. Marami na akong nabasang mga epiko tulad ang epiko ni Gilgamesh.
d. Marami na akong nabasang mga epiko sapagkat ang epiko ni Gilgamesh.

____ 3. Ang Covid 19 ay nakamamatay na sakit. Kailangan nating mag-ingat.


a. Ang Covid 19 ay nakamamatay na sakit dahil dito kailangan nating mag-ingat.
b. Ang Covid 19 ay nakamamatay na sakit dulot nito kailangan nating mag-ingat.
c. Ang Covid 19 ay nakamamatay na sakit sa gayon kailangan nating mag-ingat.
d. Ang Covid 19 ay nakamamatay na sakit sa kabilang dako kailangan nating
mag-ingat.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Paano makatutulong ang mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa mabisang pagpapahayag?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

29
2. Bakit mahalagang maayos ang pagkakakasunod ng mga hakbang
sa pagsasagawa ng anumang bagay?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Ano-anong mga pananda/salita ang gagamitin sa pagpapahayag ng


matinding damdamin?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Isagawa

Ano-anong mga
gawaing-bahay

Panuto: Gamit ang mga hudyat sa paglalahad, ihanay ang hakbang na iyong
ginagawa upang madaling matapos ang gawaing bahay. Sundin ang balangkas sa
ibaba.

30
Tayahin

Panuto: Piliin ang angkop na mga salitang pananda para sa mabisang


pagpapahayag ang mga sumusunod na pangungusap at isulat sa sagutang papel.

1. Makakamit natin ang ating pangarap sa buhay kapag tayo ay magiging matiyaga,
masipag, may tiwala sa ating sarili at _____ may pananalig sa Diyos.
A. higit pa rito B. higit sa lahat
C. kabilang dito D. sa madaling salita

2. Mahal ko siya _______ may mahal na siyang


iba. A. dahil sa B. kapag C. maging D. ngunit

3. Ang matapat na damdamin ____ magalang na pag-uugali ay isang bagay na


nagbibigay liwanag.
A. at B. at saka
C. maging D. o

4.__________ mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.


A. Bagamat B. Datapwat
C. Ngunit D. Sapagkat

5.Tumatahol ang mga aso _________ may taong kumakatok sa pinto.


A. kapag B. maging
C. ngunit D. subalit

6. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit _______ nag-aaral siya


gabi-gabi.
A. dahil B. kaya
C. kung D. pero

7. Ang ganda ng mga ngiti mo ngayon, _________ mga nakaraang araw.


A. di tulad ng B. noon
C. sa totoo lang D. tunay na

31
8.Ang kagandahan ng paligid ay nawala ______ kapabayaan ng mga tao.
A. dahil nito B. dahil rito
C. dahil sa D. kabilang dito

9.Magbabasa nalang ako ng aklat _____ maglaro ng online games.


A. dagdag pa rito B. di tulad ng
C. sa halip na D. sa totoo lang

10. Maging alerto tayo sa lahat ng bagay. _________ matutong makinig at sumunod
sa batas nang sa ganun buhay hindi matodas.
A. Higit pa rito B. Higit sa lahat
C. Kabilang dito D. Sa madaling salita

11. Nakita muli ni Aling Marie ang kanyang nag-iisang anak _______ ng limang taon
taon sa ibang bansa.
A. noon B. pagkatapos
C. samantala D. sumunod

12. Isa sa mga suliraning pandaigdig na ating kinakaharap ngayon ay ang


pandemyang Covid 19. Wala ni isa sa atin ang nakakaalam ____ hanggang kailan
ito matatapos.
A. at saka B. dulot nito
C. kaya D. kung

13.Tumigil ang pag-iyak ng bata _________ bumalik ang kanyang ina.


A. datapwat B. kapag
C. nang D. subalit

14.Magtitimpla ako ng kape para kay tatay ________ walang mainit na tubig.
A. at saka B. dahil dito
C. datapwat D. ngunit

15.Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ______ ang asul?
A. at B. maging
C. nang D. o

32
Karagdagang Gawain

Gawain: Ipahayag Mo!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad tungkol sa mga paraan upang


makaiwas sa pandemic ng Covid 19. Gamitan ito ng mga hudyat sa paglalahad ng
pahayag.

Rubriks

Pamantayan Puntos Marka


Kaangkupan sa Tema 5 puntos
Pagkakaayos ng mga Kaisipan 5 puntos
Istilo at Husay ng Paglalahad sa Pagsusulat 5 puntos
Kabuuan I5 puntos

33
Aralin
Epiko ni Tuwaang
4
Ang Epiko ni Tuwaang ay epiko ng mga Manobo na kadalasang libangan
ng mga katutubo tuwing may libing, kasal at ritwal.

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ang bawat isa sa inyo ay natutukoy ang mga bahaging
napapanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng
kalikasan at nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda.

Mga Tala para sa Guro

34
Subukin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1.Ang epiko ni Tuwaang ay mula sa mga _____.


A. Bikolano B. Ilokano
C. Manobo D. Tagalog

2.Ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Manobo.


A. pagnenegosyo B. pagsasaka
C. pangangaso D. pangingisda

3. Ano ang pinaniniwalaan ng mga Manobo tungkol sa kanilang buhay


o pamumuhay?
A. kaloob ng kanilang mga anito C. pawang kahirapan lang ang mararanasan
B. nahihimasukan ng iba’t ibang ispiritu D. puno ng kamalasan

4. Ang mga lalaki sa kanilang pangkat ay maaaring makapag- asawa ng higit sa


isa kung siya ay ______.
A. may iba’t ibang koneksyon sa lipunan B. may sapat na pera
C. may sapat na kayamanan o kapangyarihan D. may sariling lupain

5.Sila ay pinamumunuan ng isang ____.


A. datu B. kagawad
C. pangulo D. pari

6.Kanino pinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin?


A. ama B. asawa
C. ina D. tiyahin

7.Paano narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan?


A. sa pamamagitan ng hangin B. sa pamamagitan ng kabayo
C. sa pamamagitan ng kidlat D. sa pamamagitan ng kulog

8.Sino ang isinama ni Tuwaang sa pupuntahang kasalan?


A. Bai B. dalaga ng Buhong ng Langit
C. dalaga ng Monawon D. Gungutan

9.Ang binatang ikakasal.


A. Binata ng Liwanon B. Binata ng Pagsikat ng Araw
C. Binata ng Panayangan D. Binata ng Sakadna

35
10. Sinagip ni Tuwaang ang lalaking ikakasal mula sa______.
A. kaaway B. kahiya-hiyang kalagayan
C. kamatayan D. kapahamakan

11. Ilang kawal ang kasama ng Binata ng Sakadna?


A. 100 B. 200
C. 300 D. 400

12. Ang tanging kasa-kasama ni Tuwaang sa kanyang paglalakbay.


A. bai B. buhong ng Langit
C. Gungutan D. Panayangan

13 Mula sa kanya, nabatid ni Tuwaang ang lihim upang magapi niya si Sakadna.
. A. Bai B. Gungutan C. Monawon D. Tuwaha

14. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit.
A. bato B. betel nut o hitso
C. candy D. tinapay

15. Ito ay naglalahad ng mga kwentong kababalaghan.


A. dula B. epiko C. maikling kwento D. nobela

Balikan

Sa nakaraang talakayan, ating napag-alaman ang tungkol sa mga pananda


na ginagamit sa paglalahad ng isang pahayag at kung gaano ito kahalaga sa
pagpapalinaw sa pagpapahayag. Ating muling subukin ang iyong nalalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa gawaing nasa ibaba.
Gawin
Panuto: Punan ng angkop na mga salitang pananda para sa mabisang
pagpapahayag ang mga sumusunod na talata. Salungguhitan ang salitang angkop
dito at isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
Isa sa mga suliraning pandaigdig na ating kinakaharap ngayon ay ang
pandemyang Covid 19. Wala 1. (ni, at) ____ isa sa atin ang nakakaalam 2. (kong,

36
kung) ____ hanggang kailan ito matatapos. 3. (Dulot nito, Sa mga pangyayaring ito)
____, ang tanging magagawa lamang natin ay ang pagdarasal 4. (ni, at) ______
pagpapanatiling malinis sa katawan.
Ayon sa (WHO) World Health Organization, may pitong mga hakbang para
maiwasan ang paglaganap ng mga ito: 5. (Una, Simula) _____, hugasan ng madalas
ang ating mga kamay. Pangalawa, iwasan ang paghawak sa mata, bibig 6. (o. at)
_____ ilong. Pangatlo, takpan ang ubo gamit ang loob ng siko 7. (o, at) ______
tisyu. Pang- apat, iwasan ang matataong mga lugar. 8. (Sumunod, Noon) ________,
manatili sa bahay 9. (kung, kapag) _________may sakit, kahit sinat o ubo lang. 10.
(Pagkatapos, Sumunod) ________ kung may lagnat, ubo 11. (o, at) _______ hirap
sa paghinga, kumunsulta agad o tumawag muna sa health facility.
12. (Samakatuwid, At higit sa lahat) ________ alamin ang panibagong
impormasyon mula sa World Health Organization.13. (Samakatuwid, At higit sa
lahat) ________, nasa ating mga kamay ang ating kaligtasan. 14. (Maging, Kaya)
________ alerto tayo sa lahat ng bagay. At higit sa lahat matutong makinig at
sumunod sa batas 15. (nang, ng) ______ sa ganun buhay hindi matodas.

Tuklasin

Ang akdang iyong matutunghayan ay isang epiko ng mga Manobo. Ang mga
Manobo ay bahagi ng mga pangkat etniko ng bansa o indigenous people. Sila ay
may iba’t ibang klaster o pangkat batay sa lugar na kanilang tinitirhan. Karaniwan
silang matatagpuan sa Hilagang Mindanao kung saan kabilang ang mga lalawigan
ng Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental, at isla ng Camiguin, bagamat may
mangilan- ngilan ding nananahang Manobo sa mga lalawigan ng Agusan, Davao, at
Cotabato.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Manobo. Sila ay


karaniwang nagtatanim ng mga palay at mais. Pinamumunuan sila ng isang Datu o
Sultan. Ang mga lalaki sa kanilang pangkat ay maaaring makapag- asawa ng higit sa
isa kung siya’y may sapat na kayamanan o kapangyarihan. Nauuri sa dalawa ang
mga tao sa kanilang lipunan: ang mga kabilang sa Maharlikang pangkat at mga
pangkaraniwang mamamayang nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Maharlika.

Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang kanilang buhay o pamumuhay ay


nahihimasukan ng iba’t ibang ispiritu. Ang kanilang tagumpay at mga naisin sa
buhay ay maaaring maapektuhan ng mga espiritung ito. Bagamat bawat klaster ay
may kani- kaniyang panininwala sa mga espiritu, lahat sila ay naniniwalang may
isang makapangyarihang espiritu (great spirit) na siyang pinakamataas sa lahat at
siyang lumikha ng lahat ng bagay sa mundo. (mula sa Pinagyamang Pluma)

37
Ngayon,
ating
basahin at

Dumalo si Tuwaang sa Isang Kasal


(Halaw mula sa Tuwaang – Epikong Manobo)

Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin sa kanyang


tiyahin sa ina. Ito ay tungkol sa dapat niyang pagdalo sa kasal ng Mutya ng
Monawon.

“Tuwaang, huwag ka nang pumunta,” pigil ng kanyang tiyahin.


“Nararamdaman kong hindi ka mapapabuti roon.”

Nagmatigas ang determinadong si Tuwaang. Tiniyak niya sa kanyang tiyang


na kaya niya ang kanyang sarili. Masidhi ang pagnanais niyang makita ng
kagandahan ng dalaga ng Monawon.

Naghanda si Tuwaang at tumulak na sa pagdalo sa kasal. Isinakbit niya ang


hugis-pusong buslo na maaaring makapagpakidlat, ginamit ang kupya at baluti na
gawa pa ng mga diyosa, at dinala ang isang mahabang espada at punyal, maging
ang kanyang kalasag at sibat.

Narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan sa pamamagitan ng


talim ng kidlat. Nang nagpapahinga na siya roon ay nakarinig siya ng huni ng ibong
gungutan. Tinangka niyang hulihin ang ibon ngunit nakita niya ang matatalim na tari
nito. Nagsalita ang Gungutan at sinabi nito kay Tuwaang na dahil sa panaginip kaya
niya nalaman ang pagdating ng binata, na gusto niyang samahan.

38
Isinama nga ni Tuwaang ang Gungutan sa pupuntahang kasalan.
Pumailanlang ang dalawa sa himpapawid sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang
mga balikat.

Pagdating sa Monawon, pinatuloy si Tuwaang sa bulwagan kung saan naupo


siya sa isang ginintuang upuan, habang nakadapo sa isang haliging kahoy ang
Gungutan.

Kasabay ng isang nakahahalinang tugtugin at hilera ng mga namumulaklak


na puno, dumating ang Binata ng Panayangan. Dumating din ang iba pang
magigiting –ang Binata ng Liwanon at ang Binata ng Pagsikat ng Araw. Samantalang
ang ikakasal na Binata ng Sakadna ay dumating kasama ang isandaang tagasunod.

Sa kanyang pagdatal, buong pagyayabang na inutusan niya ang may-ari ng


kabahayan na linisin ang bulwagan ng mga “dumki”, bilang pasaring sa mga katulad
ni Tuwaang na dumating nang hindi naanyayahan. Bilang pagtugon, sinabi ni
Tuwaang na may mga “pulang dahon” o mga tunay na bayani sa kabahayan.

Ang ilang paunang ritwal ay isinagawa muna bago inumpisahan ang


seremonya ng kasal. Sa huli ay isa-isa nang inialay ang savakan, mga mamahaling
kagamitan at pagkain na pag-aari ng babaeng ikakasal na babayaran ng mga
kamag-anak ng lalaking ikakasal. Hanggang ang dalawang pinakamamahaling
savakan na lamang ang natira.

Katumbas ng isang lumang agong na may sampung palamuti at siyam na


nakaumbok na singsing ang isa sa mga natirang savakan. Ang ikalawa naman ay
matutumbasan lamang ng isang gitarang ginto at isang plautang ginto. Inamin ng
Binata ng Sakadna na hindi na niya kayang tubusin ang matirang mga kagamitan.

Sinagip ni Tuwaang ang lalaking ikakasal mula sa kahiya-hiyang kalagayan.


Nakapagpalabas siya ng isang mas lumang agong na ibinigay sa ikakasal upang
itumbas sa savakan sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang hininga. Ito ay
tinanggap naman ng mga kaanak ng Mutya ng Monawon. Nakapagpalitaw din ng
isang gitarang ginto at plautang ginto si Tuwaang.

Pagkatapos ng mga semonyang ito ay hiniling nang lumabas mula sa


kanyang silid ang Dalaga ng Monawon upang hainan ang mga panauhin ng nganga.
Inutusan ng dalaga ang sisidlan ng nganga upang magsilbi sa lahat at piliin ang
kanyang mapapangasawa. Mula sa sisidlan ay tatalon ang isang buto ng nganga sa
bibig ng tatapatang panauhin.

Sumunod ang sisidlan at mula rito ay dalawang buto ng nganga ang tumalon
sa bibig ng Binata ng Sakadna. Pagtapat ng mahiwagang sisidlan kay Tuwaang, ito

39
ay tumigil. Hindi na ito tuminag kahit tinangkang itaboy ito ni Tuwaang. Dahil dito ay
nagpasya ang Mutya ng Monawon na sa tabi ni Tuwaang umupo.

Talagang napahiya ang Binata ng Sakadna sa mga nangyari. Lumabas ito sa


bulwagan at hinamon sa isang labanan hanggang kamatayan si Tuwaang.
Tinanggap ni Tuwaang ang hamon ngunit pinigilan muna siya ng babaing ikakasal
upang masuklayan ang kanyang buhok bago makipaglaban.

Naarok ni Tuwaang ang pagmamahal at paghanga sa mga mata ng dala


habang sinusuklayan siya nito at binabalaang mag-ingat sapagka’t ang Binata ng
Sakadna ay hindi patas lumaban.

Tiyak ang pangako ni Tuwaang na mag-iingat siya para sa binibini bago siya
lumabas ng bulwagan upang harapin sa laban ang Binata ng Sadkana.

Isandaang lalaki ang kasama ng Binata ng Sadkadna samantalang ang


gungutan lamang ang tanging kasama ni Tuwaang. Ngunit lumaban siya nang
buong giting at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng
mahiwagang ibon ang siyamnapu’t apat na lalaki. Madali rin nilang natalo ang anim
pang natirang nakatayo.

Si Tuwaang na lamang at ang Binata ng Sakadna ang naghahamok. Isang


malakas na hampas ang inilatay ng katunggali kay Tuwaang at ito’y tumilapon at
humampas sa isang malaking bato. Napulbos ang bato at nagkandatumba ang mga
punong kinatalsikan ni Tuwaang dahil sa lakas ng kanyang pagkakatilapon.

Sinunggaban ni Tuwaang ang kanyang kaaway at buong lakas niya itong


inihagis nang paibaba. Dahil sa matinding pagkakahagis ni Tuwaang, lumubog sa
ilalim ng lupa ang Binata ng Sakadna. Gayunpama’y muling nakabawi ito at lumitaw
upang muling harapin sa Tuwaang sa pamamagitan ng isang malakas na tulak na
nagpabaon kay Tuwaang sa ilalim ng lupa, kung saan nakaabot siya kay Tuwaha,
ang diyos ng mga lamang-lupa.

Mula kay Tuwaha, nabatid ni Tuwaang ang lihim upang magapi niya ang
kanyang kaaway. Pag-ahon ni Tuwaang sa ibabaw ng lupa upang muling
makipaglaban, winasak niya ang plautang ginto doon lihim na itinago ng Binata ng
Sakadna ang kanyang buhay. Dahil doon, nasawi ang buhay ng Binata ng Sakadna.

Kasama ng Gungutan, iniuwi ni Tuwaang ang mutya ng Monawon sa Kuaman


at doon sila namuhay at naghari magpakailanman. (source: https://all-about-
filipino.blogspot.com/2011/01/dumalo-si-tuwaang-sa-isang-kasalan.html )

40
Suriin

Si Tuwaang at ang Gungutan ay nakarating sa kasal. Nagsidatingan din ang


Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong trono, ang Binata ng Liwanon, ang
Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at
kaniyang 100 pang tagasunod. Ang Binata ng Sakadna ay nakiusap na linisin ang
mga hindi imbitado sa kasal ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang
dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal.
Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan ng babaing ikakasal, hanggang
may naiwang dalawang hindi mabayaran. Dahil sa hindi kayang bayaran ng Binata
ng Sakadna ang dalawang bagay, tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng
isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong
bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.
Nang ipinagpatuloy ang kasal, may dalawang buto ng nganga ang tumalon sa
bibig ng binata ng Sakadna ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang sisidlan
nito ay huminto sa tapat ni Tuwaang at doon umupo ang babae simbolo na sa
kanya’y magpapakasal. Ito naging sanhi ng pagkagalit ng binatang Sakadna.
Nagkatunggali silang dalawa. Isangdaan katao ang dala ng binatang Sakadna
subalit ang gungutan lamang ang kay Tuwaang. Sa kanilang awayan, hindi madaling
nagapi ni Tuwaang ang kaaway. Ngunit isang lihim ang makakagapi dito, ang
wasakin ang palutang ginto na doon itinago ang lihim niyang buhay. Kaya, napatay
ni Tuwaang ang binata at namuhay sila ng mapayapa kasama ang mutya ng
Monawon.

Magaling!
Ngayon
alam mo na
ang kwento

41
Pagyamanin

Gawain A.
Panuto: Gawin ang hinihingi ng nasa Venn Diagram.
Maglahad ng mga pangyayaring napapanood na palabas sa telebisyon na
nagpapakita ng ugnayan ng tauhan sa epikong binasa.

Gawain B.
Panuto: Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkaroon nito ng mga
pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob
sa binasang epiko.

42
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa epiko? Ano-anong katangiang taglay ang


kanyang ipinamalas?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Maituturing bang bayani si Tuwaang? Bakit?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ano-anong mga katangian nila na maaaring maihahalintulad sa tao?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Sa tunay na buhay, anong supernatural na kapangyarihan mayroon tayo


na maaring panlaban natin sa mga kalamidad? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento,


paano mo ito wawakasan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

6. Anong pagpapahalagang moral ang nais ipabatid ng akda? Ipaliwanag.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

43
Isagawa

LIKHAKANTA:

Panuto: Pumili ng ilang bahaging nababasa mula sa epiko at lapatan ito ng sariling
himig. Irekord ang iyong nagawang output.
Narito ang pamantayan sa paggawa

Pamantayan Puntos Marka

Kalinawan sa Pagbigkas 5 puntos

Pagpapalutang sa Himig 5 puntos

Kaangkupan at Kaayusan 5 puntos

Kabuuan 15 puntos

Tayahin

Panuto: Sagutin ang hinihingi ng mga sumusunod. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1.Ilang kawal ang kasama ng Binata ng Sakadna?


A. 100 B. 200
C. 300 D. 400

2.Ang tanging kasa-kasama ni Tuwaang.


A. bai B. buhong ng Langit
C. Gungutan D. Panayangan

3.Ito ay naglalahad ng mga kwentong kababalaghan.


A. dula B. epiko
C. maikling kwento D. nobela

44
4.Ang epiko ni Tuwaang ay mula sa mga _____.
A. Bikolano B. Ilokano
C. Manobo D. Tagalog

5.Ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Manobo.


A. pagnenegosyo B. pagsasaka
C. pangangaso D. pangingisda

6. Ano ang pinaniniwalaan ng mga Manobo tungkol sa kanilang buhay


o pamumuhay?
A. kaloob ng kanilang mga anito. C nahihimasukan ng iba’t ibang ispiritu.
B. pawang kahirapan lang ang mararanasan. D. puno ng kamalasan.

7. Kanino pinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng


hangin. A. ama B. asawa C. ina D. tiyahin

8. Paano narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan?


A. sa pamamagitan ng kabayo B. sa pamamagitan ng kulog
C. sa pamamagitan ng kidlat D. sa pamamagitan ng hangin

9. Ang mga lalaki sa kanilang pangkat ay maaaring makapag- asawa ng higit sa


isa kung siya ay ______.
A. may iba’t ibang koneksyon sa lipunan B. may sapat na pera
C. may sapat na kayamanan o kapangyarihan D. may sariling lupain

10. Mula sa kanya, nabatid ni Tuwaang ang lihim upang magapi niya si Sakadna.
. a. Bai c. Monawon b. Gungutan d.
Tuwaha

11. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit.
a. bato c. candy
b. betel nut o hitso d. tinapay

12. Sila ay pinamumunuan ng isang ____.


a. datu c. pangulo
b. kagawad d. pari

13. Sino ang isinama ni Tuwaang sa pupuntahang kasalan?


a. Bai c. dalaga ng Monawon
b. dalaga ng Buhong ng Langit d. Gungutan

14. Ang binatang ikakasal.


a. Binata ng Liwanon c. Binata ng Panayangan
b. Binata ng Pagsikat ng Araw d. Binata ng Sakadna

45
15. Sinagip ni Tuwaang ang lalaking ikakasal mula sa.
a. kaaway c. kamatayan
b. kahiya-hiyang kalagayan d. kapahamakan

Karagdagang Gawain

Bawat isa sa atin ay may kanya- kanyang super hero kung tawagin, gaya ng
pangunahing tauhan sa nabasang akda na maituturing na super hero. Sa loob ng
kahon, isulat kung sino sa palagay mo ang maituturing na super hero, itala mo rin
kung ano- anong mga katangiang taglay kaya mo siya hinahangaan.

Pangalan ng Aking Super hero: ________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

46
Aralin Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

Alamin

Sa bahaging ito ng aralin, magkakaroon tayo ng iba’t ibang mga gawain


bilang batayan ninyo sa malawak na pagkaunawa sa modyul na ito.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang naipaliliwanag ang mga


alegoryang ginamit sa binasang akda at naisusulat ang pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig.

Tayahin

Gawain A.
Panuto: Iugnay ang mga pangyayari sa epiko ni Gilgamesh sa mga pangyayari sa
aklat ng Genesis. Alamin kung sino o ano ang tintutukoy ng mga may
salungguhit sa kahon. Punan ang patlang na nasa ibaba ng kahon upang
mabuo ang diwa ng pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

Mula sa aklat ni Genesis:

1. Si Enkidu ay binuo mula sa ____________ ng diyosa ng paglikha na si Aruru.


A. malambot na lupa B. putik na lupa
C. sementadong lupa D. tigang na lupa

47
Mula sa aklat ni Genesis:

2. Si ______ ay tinukso ng babaeng si ________


A. Anu at Shamat B. Ea at Shamat C. Enkido at
Shamat D. Enlil at Shamat

Mula sa aklat ni Genesis:


Sinabi ni Yahweh
kina Adan at Eba na

3. Sa paghahangad ni Gilgamesh ng imortalidad (walang hanggang buhay), siya ay


sinabihang may umiiral na _____________________ na may katangiang
magpabatang muli sa mga matanda.
A. halaman sa ilalim ng dagat B. isda sa ilalim ng dagat
C. kabibe sa ilalim ng dagat D. perlas sa ilalim ng dagat

Mula sa aklat ni Genesis:


Sumadsad ang
Bundok ng

4. Sa ____________ (Pir Magrun sa Iraq), ang bangka ay dumaong. Sa Bundok


Nisir, ang bangka ay mabilis na nanatili at hindi lumayo.

A. Bundok Ararat B. Bundok Fuji C. Bundok Nisir D.


Bundok Zargos

48
Gawain B.
Gamit ang Venn Diagram, isulat ang iyong pananaw na pagkakatulad at
pagkakaiba-iba ng mga epikong pandaigdig. (45 puntos)

49
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1
Subukin
1. B 6. C
11. D
2. C 7. B
12. B
3. B 8. A
13. B
4. B 9. A
14. A
5. D 10. A
15. D

Balikan
o Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama.

Pagyamanin

1. Epiko

50
ARALIN 2

Subukin
1. B 9. A
2. D 10. A
3. D 11. B
4. B 12. B
5. C 13. B
6. B 14. C
7. B 15. A
8. B

Balikan
o Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama.

Tuklasin
o Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama.

Pagyamanin

51
ARALIN 3

Subukin
1. D 9. C
2. D 10. B
3. C 11. A
4. D 12. D
5. B 13. A
6. B 14. D
7. C 15. B
8. C

Balikan
o Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama.

Tuklasin
o Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama.

Pagyamanin
1. B

52
ARALIN 4 ARALIN 5

Subukin Tayahin
1. C 9. D
2. B 10. B A.
3. B 11. A 1. B
4. C 12. C 2. C
5. A 13. D
6. D 14. B
7. C 15. B
8. D

Balikan
1. ni 9.
kapag
2. kung 10.
pagkatapos
3. sa mga pangyayaring
ito
11. at
4. at 12. At
higit sa lahat
5. una 13.
samakatuwid

53
Sanggunian
Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by
Florentina S. Grospe, 105-109. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015

https://all-about-filipino.blogspot.com/2011/01/dumalo-si-tuwaang-sa-isang-
kasalan.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Epiko_ni_Gilgamesh

54
Liham na Nagbibigay Pahintulot

Hunyo 19, 2020

Binigyan ko ng pahintulot sina G. Donald T. Restauro at G. Glen C. Ontoy


ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Salawagan, Salawagan, Quezon, Bukidnon
na gamitin ang aking guhit sa kanyang Alternative Delivery Mode sa Unang
Markahan; Mga Akdang Pampanitikan ng Bansa sa Mediterannean- Modyul 4 para
sa Filipino 10.

ARCHIMEDES M. CASAMA

55
Para sa mga katanungan o puna,
sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of


Learning Resources (DepEd-BLR)

56

You might also like