You are on page 1of 1

QUESTIONS AND ANSWERS

1. Q - Ano ang iyong pangalan, address at katayuan sa


buhay?
A – Ako si Evelyn B. Honesta, nasa wastong gulang,
nakatira sa Upper Everlasting St. Brgy. Payatas A,
Quezon City.

2. Q – Kilala mo ba ang complainant sa kasong ito?


A- Opo, kilala ko ang Zion 100i at ang pagkakaalam ko
po ay si Imelda Peralta ang namamahala.

3. Q – Kilala mo ba ang akusado sa kasong ito?


A – Opo, dati ko po siyang ka trabaho sa Zion 100, sya
ang Loan Disbursement Officer.

4. Q – Alam mo ba ang reklamo kay Gerald Ponio?


A – Ang alam ko po, nirereklamo sya ng Zion 100i dahil
hindi daw nya binibigay sa mga borrowers ang pera na
para sa mga borrowers.

5. Q – Ano ang iyong masasabi dito tungkol sa reklamo?


A – Hindi po yun totoo.

6. Q – Paano mo nasabing hindi totoo?


A – Dahil wala po akong nalaman na nagreklamong
borrower sa panahon na nasa Zion 100 ako bilang
program coordinator. Lahat po ng borrowers ng Zion 100
ay nakatanggap ng kanilang mga inutang na pera. Alam
ko po ito dahil ang pag release ng pera ay sa bahay
namin ginagawa.

7. Q – Ano ang kaugnayan ng Zion 100 at Zion 100i sa


iyong pagkakaalam?
A – Hindi ko po alam dahil noong nagta trabaho ako sa
Zion 100 ay wala po akong naririnig na Zion 100i kundi
Zion 100 lang. Itong Zion 100 ang nagpapautang sa mga
tao na sakop namin.

8. Q – Sabi mo ikaw ay program coordinator ng Zion 100,


ano ang iyong mga obligasyon sa Zion 100?
A – Trabaho ko po ang mag-recruit, mag CI at mag
rekomenda ng borrowers sa Zion 100. Trabaho ko din
ang mangolekta ng lingguhang hulog, deposito at pondo.

You might also like