You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

ARALIN 6.4
Kahalagahan ng Pagbasa
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Ang Pagbasa 4
Kahalagahan ng pagbasa 5

Sagutin Natin 5

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 6

Pag-isipan Natin 6

Dapat Tandaan 7

Mga Sanggunian 8
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Aralin 6.4
Kahalagahan ng Pagbasa

Lar. 1. Isa sa mahahalagang kasanayang dapat malinang ang pagbasa.

Introduksiyon
Isa ang pagbasa sa mga kasanayang dapat na matutuhan at malinang ng mga tao. Ito ang
pangunahing kasanayang kinakailangan sa pag-unawa at pagkatuto mula sa mga
nakalimbag na mga aklat at iba pang mga babasahin tulad ng mga diyaryo, magasin,
komiks, atbp. Bukod dito, malaki rin ang ambag ng kasanayan sa pagbasa sa araw-araw na
pamumuhay ng mga tao. Kaya sa araling ito, higit mong makikilala, matututuhan at
mauunawan ang kahulugan at kahalagahan ng pagbasa.

1
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Nakikilala ang kahulugan ng pagbasa.
● Natutukoy ang kahalagahan ng pagbasa.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naibabahagi ang karanasan sa pagbasa
upang mahikayat ang pagmamahal sa pagbasa ng panitikan (F4PL-Oa-j-1).

Simulan

Mga Paboritong Babasahin

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Gamit ang talahanayan, ibahagi ang pamagat ng iyong paboritong babasahin. Maaari
itong pamagat ng aklat, pamagat ng kuwento, o ano pa mang uri ng babasahin.
2. Ibahagi rin kung tungkol saan ang mga babasahing iyong itinala.
3. Sagutin ang mga gabay na tanong na kaugnay ng gawain.

2
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Talahanayan 1: Mga Paboritong Babasahin

Mga Paboritong Babasahin

Pamagat Paksa (Tungkol saan ang babasahin?)

1.

2.

3.

Mga Gabay na Tanong


1. Bakit mo naging paborito ang mga babasahing iyong itinala?
2. Kung bibigyan ng pagkakataon, ano pang mga babasahin ang nais mo pang mabasa?
3. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano ang pagbasa? Bakit mahalaga ang pagbabasa? Ano ang maaaring
mangyari kung hindi malilinang ang kakayahan at kasanayan ng mga tao sa
pagbasa?

Alamin Natin
ambag anomang ibinigay bilang kontribusyon

malinang pagpapaunlad sa kalagayan ng isang bagay o katangian

paggamit ng isip sa pagkakaroon ng kaalaman at


kognitibo
pag-unawa

3
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Ang Pagbasa
Ang pagbabasa ay isa sa limang makrong kasanayan—kasama ng pagsusulat, pagsasalita,
pakikinig at panonood. Bahagi ito ng ating pamumuhay para magkaroon ng kaalaman at
ugnayan sa kapwa.

Ang pagbasa ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa


tekstong nakalimbag o wikang binibigkas. Karaniwan itong ginagawa para malibang o
matuto ng bagong kaalaman. Mahalaga ito dahil nakatutulong itong mapalawak ang
kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang konsepto.

Mayroong dalawang salita na direktang maiuugnay sa pagbasa—kognitibo at kasanayan.


Alam mo ba kung ano ang mga ito? Ang kognitibo ay tumatalakay sa paggamit ng isip upang
makaunawa ng bagong impormasyon. Ang kasanayan naman ay tumutukoy sa isang
kakayahan na kailangang paunlarin. Magagawa lamang ito kung nangyayari nang wasto ang
proseso at nang paulit-ulit. Kung gayon, ang pagbasa ay isang kakayahan na dapat gawin
nang wasto at paulit-ulit upang makakuha at makaunawa ng mahahalagang impormasyon
gamit ang pag-iisip.

Kahalagahan ng pagbasa
Bilang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, maraming kapakinabangan at
kahalagahan ang pagbasa. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
● Gamot sa pagkainip o pagkabagot dahil maaaring makapaglibang sa mga
mambabasa ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng impormasyon.
● Nakapagpapalawak ng kaisipan/pananaw ang pagbabasa dahil nakapagbibigay ito sa
mga mambabasa ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay.
● Nakapagbibigay-aliw o nakapaglilibang dahil mayroong mga babasahin na layong

4
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

libangin o aliwin ang mga mambabasa gamit ang mga nakatatawa mga pangyayari o
impormasyon.
● Nakatutulong sa mga personal na suliranin dahil maaaring ang mga sagot o tugon sa
suliranin ay nakasaad sa mga aklat at iba pang mga babasahin.
● Nakalilinang ng talino at kaalaman dahil ang mga babasahin ay nagbibigay sa mga
mambabasa ng iba’t ibang impormasyong makapagppaatalas ng isipan
● Susi sa mga imbensyon, pananaliksik at iba pang pag-aaral na makatutulong sa
pag-unlad ng buhay ng mga tao.
● Nakatutulong sa pagsusuri ng tao, ng sarili at ng lipunan dahil sa tulong ng
pagbabasa ay maaaring malaman ng mga tao ang iba’t ibang napapanahong
impormasyon o kaalaman.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ilan ang makrong kasanayan? Ano-ano ang mga ito?
2. Anong uri ng kasanayan ang pagbasa?
3. Ano ang dalawang salita na may direktang kaugnayan sa pagbasa?
4. Bakit mahalagang wasto at paulit-ulit na gawin ang pagbabasa?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalaga para sa mga mag-aaral ang paglinang ng kasanayan sa pagbasa?
2. Bakit mahalagang malaman ang mga kahalagahan ng pagbasa?

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, bakit mahalagang makilala at malaman ang kahulugan at kahalagahan ng

5
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

pagbasa? Paano ito makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay at pag-aaral?

Pag-isipan Natin
A. Ibahagi ang iyong hindi malilimutang karanasan sa pagbabasa. Maaaring ito ay
tungkol sa unang beses mong makapagbasa ng mga akda o kuwento o maaaring
tungkol sa mga hindi pangkaraniwang mga karanasan habang nagbabasa. Ang
karanasang iyong ibabahagi ay dapat na makapanghikayat sa iyong kapuwa na
mahalin at pahalagahan pa ang pagbabasa.

Karanasan sa Pagbabasa

B. Lumikha ng isang islogan tungkol sa kahalagahan ng pagbasa na makapanghihikayat


sa mga tao na higit pang mahalin at pahalagahan ang pagbabasa.

Slogan sa Kahalagahan ng Pagbabasa

6
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Dapat Tandaan

● Ang pagbasa ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o


interpretasyon sa tekstong nakalimbag o wikang binibigkas.
● Mahalaga ang pagbasa dahil nakatutulong itong mapalawak ang ating kaalaman at
pag-unawa sa iba’t ibang konsepto.

Mga Sanggunian

Arevalo, Miguel Victor. 2002. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika. Quezon


City: C & E Publishing Inc.,
Lazaro, Nina Christina at Lydia B. Liwanag. 2006. Interaktibong Modyul sa Filipino.
Quezon City: New Star Publishing House.
Julian, Ailene Baisa at Nestor S. Lontoc. 2009. Bagong Lakbay ng Lahing Filipino.
Quezon City: Phoenix Publishing House.
Marasigan, Emily V. at Louie C. Tesalona. 2016. Pinagyamang Pluma 6. Quezon City:
Phoenix Publishing House.
Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991. Makabagong Balarilang Filipino.

7
Filipino

Baitang 4 • Yunit 6: Maikling Kuwento

Manila: Rex Book Store.

You might also like