You are on page 1of 6

DAYAP NATIONAL HIGH SCHOOL

CALAUAN, LAGUNA

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT: Kontemporaryung Isyu


TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
KASANAYAN SA PAGKATUTO

Bilang ng araw ng

Bilang ng Aytem

PAGSUSUSRI
PANGUNAWA

PAGLALAPAT

PAGTATAYA
KAALAMAN
Pagtuturo

PAGBUO
1. Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito 2 2 1,5

2. Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito 2 4 2 8 3 4

3. Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng 1 1 50


lipunan.

4. Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung 1 2 9,


personal at isyung Panlipunan. 10

5. Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong 1 2 6,7
panlipunang kinakaharap sa kasalukuyan.

6. Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas 3 3 12 11,4


8

7. Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran. 3 5 14,15 16 13,1


7

8. Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng ibat-ibang sektor upang 1 3 19 18 21


pangalagaan ang kapaligiran.

9. Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto 3 4 22,23,2 20


at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. 4

10. Naipapaliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa 3 5 26,27,2 28 25


suliraning pangkapaligiran. 9
11. Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom up approach sa
pagharap sa suliraning pangkapaligiran.
12. Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa 3 4 30,31, 33
suliraning pangkapaligiran. 32

13. Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa 2 4 35,36 34 37


ng CBDRRM Plan.
14. Naipapaliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM
Plan.
15. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng 1 3 38,39 40
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

16. Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan. 1 2 41 42

17. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at koorerasyon sa 1 3 44 43 46


pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

18. Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk 2 3 49 45 47


Reduction and Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at
suliraning pangkapaligiran.

KABUUAN 30 50

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

HAZELYN B. MENDOZA ABIGAIL A. ANINGALAN


Teacher I AP Coordinator/Head Teacher III

Dayap National High School


Calauan, Laguna
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu

Panuto: Tukuyin ang ipinapahayag ng sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu?


A. Ito ang pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan.
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba ng tao.
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan.
D. Ito ay ang pag –aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran pang-ekonomiya,
pangkasarian at pampolitika.

2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.
A. Bansa B. Komunidad C.Lipunan D. organisasyon

3. Ayon sa kanya “Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin. “ Kanino nagmula ang pahayag na ito?
A. C. Wright Mills B. Charles Cooley C. Emile Durkheim D. karl Marx

4. Ipinababatid ng babalang “BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO” ang isang paalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang
ito ay nkapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo

5. Alin sa na elemento ng istrukturang panlipunan ang nagbibigay tuon sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Simbolo C. Status D. Social Groups at Institusyon

6. Ano ang maaaring maging dulot kapag HINDI nagampanan ng isang indibidwal o grupo ang mga gampanin o roles na inaasahan sa kanila?
A. Maaaring lumala ang polusyon C. Maaring magkaroon ng solusyon sa mga suliraning panlipunan
Maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan D. Maaring makabawas sa mga suliraning panlipunan.

7. Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Iwasan na maging isa sa mga sanhi at isyu at hamong panlipunan.
B. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
D. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.

8. Alin sa mga sumusunod ang tumpak na paliwanag sa istrukturang panlipunan?


A. Ang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan at elemento ng kultura
B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa
C. Mahalaga ang pag-alam sa istrukturang panlipunan upang masagot ang mga isyung panlipunan.
D. Ang bawat miyembro ng lipunan ay may gampanin sa pagpapaunlad ng lipunang kanilang ginagalawan

9. Sa pag-aaral sa hamon at isyung panlipunan, may mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Anong isyu ang nasa kamay ng indibidwal na
maiituring nararapat bigyang solusyon sa pribadong paraan dahil ang suliraning ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa
lipunan sa kabuuan.
A. Isyung personal C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pang-ekonomiya

10.Alin sa mga sumusunod ang totoo sa “ Ascribed Status “ ?


A. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng mga dokumento
B. Nakatalaga sa isang indibidwal simula ng siya ay ipanganak.
C. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng isinasaad ng batas.
D. Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap

11. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan C. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
B. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

12. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586

Para sa katanungan bilang 13, sumangguni sa graph sa ibaba


13. Ano ang ipinapakita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?
A. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.
D. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan.

14.Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste
Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas?
A. Batangas B. Cavite C. Metro Manila D. Mindanao

15. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento
ang itinatapon sa bansa?
A. Biodegradables B. Recyclables C. Residual D. Special

16. Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III

17. Batay sa pag-aaral ng Asian Development bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila?
I Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganob sa kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay natutuksong gumawa ng ilegal na gawain
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker
A. I B. I at II C. II at III D. I, II, at III

18. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
A. Laptop, computer at cellular phone C. Illegal Logging’
B. Computer at mga sirang yero D. Migration

19. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
A. Deforestation C. Illegal Logging
B. Fuel wood Harvesting D. Migration

20. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.

21. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang mga dayuhan sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
22. May mga NGOs na sumusuporta sa pamahalaan upang mabawasan ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Anong grupo ng NGOs
ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangagalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan C. Green Peace
B. Green and Green Foundation D. Mother earth Foundation

23. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi,pamumuno at
pagkontrol sa isyung pangkapaligiran?
A. Disaster Management C. Disaster Operation
B. Disaster Mitigation D. Disaster Risk

24.Bukod sa pamahalaan, sino pa ang ang maaring maging kaagapay nila sa pagbalangkas ng disaster management plan?
A. Mga mamamayan C. Mga Pribadong sektor
B. Mga Pampublikong sektor D. Lahat ng nabanggit

25. Kung ang bagyo, tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard, alin naman ang nabibilang sa anthropogenic hazard?
A. landslide B. lindol C. storm surge D. terorismo

26. Kung ang disater ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganinb at pinsala sa tao kapaligiran, at gawaing pang-ekonomiya,
ano naman ang vulnerability?
A. Tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
B. Kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad
C. Tumutukoy sa mga inaasahang pinsala sa tao, ariarian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
D. Tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may matatas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

27. Ipinasara ni Secretary Francisco ang isang establisimyento dahil pinadadaanan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa
paggawa ng produkto. Anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Disaster D. Vulnerability
28. Alin sa sumusunod na ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring
magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga
first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

29. Isa sa pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework ay ang pagbuo ng disaster
resilient na mga pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga pamayanan kung maaayos na maisasagawa
ang CBDRM. Ano ang ibig sabihin ng CBDRM?
A. Country Based – Disaster and Risk Management
B. Community Based – Disaster and Risk Management .
C. Community Based – Disastered and Risk Management
D. Community Based – Based Disaster and Risk Managers

30. Alin sa mga sumusunod ang layunin na Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010?
A. Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad
B. Mailigtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad
C. Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng hazard at kalamidad sa pamamagitan ng organisadong plano.
D. Ang hamon na dulot ng kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang
kalamidad.

31. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay iniaasa sa mas nakakataas na tangggapan o ahesiya ng pamahalaan. Anong CBDRM Approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach C. Top-down Approach
B. Down ward approach D. Upward approach

32. Sino sa mga sumusunod na manunulat ang nagpahayag na hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad?
A. Abarquez at Murshed C. Ondiz at Redito
B. Anderson at Woodrow D. Shesh at Zubair
C.
33. Nangangamba si Cardo na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa
kanilang lugar dala ng tatlong araw na walang tigil na pag –ulan, alin ang tinutukoy dito?
A. Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Natural Hazard D .Vulnerability

34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na Anthropogenic Hazard?


A. Sa kasalukuyan nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi
B. Nanalasa sa Bicol ang bagyo noong nakaraang lingo ang bagyong Gorio
C. Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng landslide sa Infanta Quezon
D.Noong nakaraang bakasyon niyanig ng malakas na lindol ang Mabini Batangas

35. Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan, anong CBDRM approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom –up approach C. Top-down Approach
B. down ward approach D. upward approach

36. Anong bahagi ng disaster management plan ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
C. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

37. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng ugnayan ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
I. Capability Assessment III. Loss Assessment
II. Hazard Assessment IV. Vulnerability Assessment
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, IV

38. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard upang maging malinaw ang mabubuong
hazard assessment. Anong temporal na katangian ng hazard ang tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng hazard na maaring maganap taon-
taon?
A. Duration B. Frequency C.Force D. Forewarning

39. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at kalamidad. Anong yugto ng
DRRM plan ang ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparednes D.Disaster Rehabilitation and Recovery

40. Saang yugto ng DRRM plan nabibilang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente at
apgkukumpuni ng bahay?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery
41. Isa sa mga paraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo
nito sa mga paaralan. Ano kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon ang nagtakda sa paggamit at pagbuo ng ng konsepto ng risk
reduction management sa mga pampublikong paaralan?
A. DepEd Order no 55, s.2007 C. DepEd Order no 55, s.2008
B. DepEd Order no 55, s.2009 D. DepEd Order no 55, s.2010

42. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng
Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct

43. Ang Non Structural mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa
panahon ng pagtama n hazard. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa non structural mitigation?
A. paglalagay ng mga sandbags C. pagpapatayo ng floodgates
B. pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali D. paggawa ng mga ordinansa at batas.

44. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang uri ng hazard. Sa anong kategorya
nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng mga mamamayan na isaayos ang mga istruktura, tulad ng bahay,paaralan at iba pang nasira ng
kalamidad?
A. Pag-uugali ng mamamayan C. Pisikal o Materyal
B.Panlipunan D. Pampulitika

45. Ayon kina Ondiz at Redito, bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk management?
A. ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard,risk,capability at pisikal na katangian ng komunidad.
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinayayabong ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy , pagsusuri at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyan pansin.
D. Ito ay nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.

46. Noong 2014, ang Albay ay nagkamit ng zero casualty matapos tumama ang malakas na bagyong Glenda? Anong katangian ang
ipinamalas ng mga mamamayan sa Albay upang maisakatuparan ang pagpaplano at implementasyon ng disaster management plan?
A. Ang mga mamamayan ay nagkakaisa
B. Ang mga mamamayan ay masipag
C. Ang mga mamamayan ay mag malasakit sa bayan
D. Lahat ng nabanggit

47. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil sila ang may posibilidad
na makaranas ng mga epekto at hazard.Bakit isinasagawa ang Community Based – Disaster and Risk Management?
I. Upang hindi maranasan ang kalamidad
II.Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
III.Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
IV. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng Hazard at kalamidad kung ang lahat ng sektor ay may
organisadong plano.
A. I, II, III B. I, II, IV C. II, III, IV D. I, III, IV

48. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng Climate Change?
A. Ipinatutupad sa mga hospital ng Batangas ang 4R’s
B. Ang Barangay Luntian ang nagsagawa ng “ Oplan Muling Paggugubat “
C. Ang Division of Batangas ay nagbigay ng Memorandum tungkol sa pagpapatupad sa saste segregation
D. Walang open dumpsite ang Barangay Kasiyahan kaya minabuti ng mga mamamayan na sunugin na ln gang mga basura

49. Ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng disaster ng management sa isang lugar ay maaaring makatulong upang maiwasan ang
malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad. Saang lugar sa Pilipinas nakamit ang zero casualty matapos tumama ang malakas na
bagyong Glenda.
A. Albay B. Batanes C. Dagupan D. Tarlac

50. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.Alin sa mga sumusunod ang hindi
tumutukoy o nagpapakita ng kultura ng isang pamayanan?
A. Idinaraos sa Balayan ang parada ng lechon tuwing Hunyo 24.
B. Ipinagdiriwang sa mga bayan sa Batangas ang Flores de Mayo
C. Nakiisa ang mga magaaral ng Taal NHS sa pagdiriwang na El Pasubat
D. Ang grupong LGBT ng Juan Luna NHS ay nagpamalas ng kahusayan sa pagdiriwang ng buwan ng Wika
SUSI NG PAGWAWASTO G10

1. D 26. B
2. C 27. A
3. B 28. A
4. C 29. B
5. B 30. B
6. B 31. C
7. B 32. D
8. A 33. C
9. A 34. A
10. B 35. C
11. C 36. B
12. A 37. C
13. C 38. B
14. C 39. A
15. A 40. D
16. D 41. A
17. B 42. C
18. A 43. D
19. A 44. C
20. A 45. D
21. B 46. D
22. C 47. C
23. A 48. D
24. D 49. A
25. D 50. D

You might also like