You are on page 1of 1

SAKLAW AT HANGGANAN

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paraan ng pagpoproseso ng pagtanggap ng amang Pilipino sa


kanilang anak na bading. Ang kanilang anak ay isang effeminate na bading na kasalukuyang
nagtatrabaho sa isang lugar na pinangungunahan ng mga lalaki. Makikipanayam ang mga mananaliksik
sa dalawang kalahok na edad 40 pataas at kasalukuyang naninirahan sa Iba’t ibang bahagi ng siyudad ng
Tarlac. Ang nasabing mga kalahok ay tanggap ang oryentasyon ng kanilang anak. Upang maunawaan ang
pagiging makabuluhan ng kanilang kaisipan, ang panayam ay tutuon sa bago, habang, at pagkatapos ng
pag-amin ng kanilang mga anak at ang mga hamon na kanilang hinarap at kasalukuyang hinaharap dahil
sa karanasang ito.

Ang hangganan ng pananaliksik na ito ay hindi maaaring ma angkop sa karanasan ng ibang indibidwal sa
LGBTQ+ dahil ito ay naka tuon lamang sa mga karanasan ng isang bading sa kung paanong proseso ang
kanilang naranasan sa kanilang ama bago sila tuluyang matanggap. Ang pag aaral na ito ay na uugnay
lamang sa kanilang karanasan sa pamamagitan ng pagtalakay kaugnayan sa kanilang pagkakakilanlan sa
kasarian at oryentasyong sekswal at hindi lalalim sa iba pang aspeto ng kanilang buhay. Bukod dito, ang
pag-aaral ay nakasalalay lamang sa mga naiulat na datos mula sa mga indibidwal sa LGBTQ+, na
maaaring may mga pagkakaroon ng mga biases at limitasyon. Ang pananaliksik na ito ay nakatitiyak na
magiging kompidensyal at pribado ang larawan at panlahat na saloobin ng mga respondente.

You might also like