Impluwensya NG Pelikula Sa Mga Kabataan

You might also like

You are on page 1of 1

Sinabi ni Wilbur Schramm (1961) na karamihan sa mga kabataan ay natutuwa na

manood ng telebisyon dahil ang panonood ay nakakapag bigay aliw at nakaka tanggal
ang pagod at mga suliranin, ngunit para naman sa ibang kabataan, ang panonood ng
telebisyon ay nagbibigay ng kalituhan dahil naging dahilan upang mahirapan
paghihiwalay ng realidad sa pinapanood. May isang dahilan ukol sa relasyon ng bata sa
pinapanood na mas importante pa sa ibang salik na nagpapakita ng epekto ng
panonood ng telebisyon. Ito ay ang koneksyon o kaugnayan sa pagkatao o pag-uugali
ng karakter na mapapanood ng mga bata na naging dahilan kung bakit mas
mahihikayat ang mga kabataan na manood. Ang telebisyon ay may malaking gampanin
sa pagtuturo ng isang indibidwal lalo na sa mga kabataan. Nagiging dahilan din ang
telebisyon sa pagkatuto ng isang indibidwal ng mga hindi magandang pag-uugali gaya
na lamang ng pagiging bayolente dahil sa mga palabas na mapapanood na may
ganitong tema. Isa sa pinaka mahalagang paksa sa pag aaral ng epekto ng telebisyon
ang kaugnayan ng karanasan sa panonood ng isang indibidwal sa mental health dahil
nakaka apekto din ang panonood ng telebisyon hindi lamang sa pag-iisip o'pananaw ng
isang indibidwal ngunit pati na rin sa pag-uugali. May mga pag-aaral na nagsasabi ng
isa ang panonood ng telebisyon o pelikula ay nagdudulot ng sakit sa pag-iisip ng isang
indibidwal o ang tinatawag na mental illness. Gayunpaman may mga naidudulot ng
kabutihan ang panonood ng telebisyon sa mga indibidwal kung saan mas pinipili ng
maraming kabataan ang manatili sa loob ng mga tahanan upangmanood kaysa ang
lumabas na maaari pang maging dahilan ng kapahamakan.Nakakatulong din ang
panonood ng telebisyon upang magkaroon ng mas magandang relasyon sa pamilya o
kaibigan.

Batay naman kay Spencer Rathus (2014), si Albert Bandura at ang mga kasamahan ay
nag eksperimento tungkol sa observational learning ,kung saan ang mga tao ay
natututo sa pamamagitan ng pagkonserba sa mga ginagawa ng ibang tao. Ang
observational learning ay nagaganap habang pinapanood ng mga anak ang mga
magulang na magluto o maglinis. Ito rin ay nagaganap habang pinapanood ng mga
estudyante ang guro kung paano sagutin ang mga tanong sa blackboard at marami
pang iba. May parte sa katawan ng tao na awtomatikong nagtutulak upang gayahin ang
kilos o pag-uugali ng ibang tao sapagkat mayroong tinatawag na
mirror neurons nanaguudyok sa isang indibiduwal na gawin o gayahin ang
naobserbahan na kilos(Gakkese et al., 1996). Ang mirror neurons din ang dahilan kung
bakit ang isang tao ay humihikab kapag ang mga tao na nasa paligid ay humihikab din,
ito rin and dahilankung bakit ang pagtawa ay nakakahawa.

You might also like