You are on page 1of 4

Jomel Rivera

BSBA FM 2B

PAGSASANAY

GAWAIN 1

MASINING NA
PAGPAPAHAYAG

RETORIKA GRAMATIKA

Kaagapay ng
Pasulat sa tulong Maayos na
masining at
ng wasto at Pagpili ng pagsama samang
mabisang estilo
makabuluhang wastong salita mga salita sa isang
ng
paggamit ng wika. pangungusap.
pagpapahayag.

GAWAIN II
a. Pagbasa ng iba’t ibang akda
✓ Sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang akda mas napapayabong
natin o napapayaman ang ating kaalaman sa mga salita. Napapalawig rin
nito ang impormasyon na nabubuo sa ating isip na maaring maging susi sa
ating impormatibong pagsulat.

b. Pakikipag ugnayan sa kapwa


✓ Sa pamamagitan nito mas nalilinang ng manunulat ang kangyang
kaisipan na maging malawak. Sa pamamagitan din ng pakikipagtalstasan sa
kapwa maari nating mapili o maunawaan ang mga salita hango sa emosyon
ng ibang tao, na angkop na matutunan ng isang manunulat.

c. Patuloy na pagsasanay sa pagsusulat


✓ Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay mas nahuhubog natin ang
ating talento sa pagpili ng mga angkop na salita. Napapalawag rin nito ang
ating bukabyularyo upang maging maayos at masining ang ating pagsusulat.

d. Ang pansariling emosyon ay may maitutulong sa pagsusulat


✓ Ito ay isang importanteng kasangkapan ng masining na pagsusulat,
nakikita dito kung paano tatakbo ang istorya or paksa ng manunulat.

GAWAIN III
Karanasang hindi malilimutan
Ang aking karanasang hindi ko malilimot ay noong sumama ako saaking
mga kamaag anak para pumunta sa isang resort. Isa ito sa aking karanasang hindi
malilimot sa kadahilanang minsan lamang iyon mangyari, marami kaming
magkakasama at pawang bakas sa aming nga mukha ang pananabig sa dagat.
Maganda at malinis ang resort na aming napuntahan, masarap sa damdamin ang
ganong pakiramdam na parang makakatakas sa mga suliranin. Maraming tao at
magandang ilaw ang bumungad saamin kinagabihan, tahimik na tila ang tunog ng
pag agos ng dagat ang maririnig, habang kami naman ay mapayapang nilalasap
ang alak sa dalampasigan. Ito’y simple lamang na karanasan ngunit isa ito sa
aking karanasang hinding hindi ko malilimutan, ang panandaliang maranasan ang
kalayaan kahit sa katiting na oras lamang.

GAWAIN IV (sagot)
1. Si Yna ay tumayo sa pagkakaupo, dumungaw sa bintana, at tinanaw ang
tumatawag.
2. Nang makarinig ng ingay na nagmumula sa silid si betoy, kinuha ang baril at
binuksan ang kahon at pinaputukan ang magnanakaw.
3. Upang makarating sa taas si Verna kumuha sya ng tapakan tsaka pinatong
sa mesa at maingat syang umakyat.
4. Kahapon pa sya nagbalak nang pagtungo sa lungsod at ngayon ay
naghahanda na siya dahil bukas ang kangyang pag-alis.
5. Tumuloy sa sa loob ng bahay ni Jellie dinaanan ang bulwagan at komedor
tsaka dumungaw sa asotea para sumagap ng sariwang hanging nagmumula
sa malawak na bakuran.

GAWAIN V
Pag-aagapay ng mga Salita at Parirala sa Loob ng Pangungusap.

1. Ang mga utak at panitik nina Dominador Gomez, Fernando Canon, Luna, Rizal,
Mariano Ponce, at del Pilar ay nagkatulong-tulong sa pagbuwag ng kapangyarihang
Kastila.
2. Ang lahat ay maibibigay nila para sa bayan at mamamayan.
3. Ibig na ibig niya ang buhay na matahimik, mapayapa at laging sagana.
4. Naging hilig ng matandang lalaki ang mag-alaga ng mga hayop at maghalaman.
5. Nasa adyenda ng komite ang tungkol sa buwis at alinsunod sa dagdag na kita.
6. Pagbabasa, pagsusulat at panonood ng sine ang naging libangan niya.
7. Lalapit sila sa kanilang manedyer at sila’y makikiusap para tulungan at sila’y
mabigyan ng promosyon.
8. Ang naging hatol ay kagulat-gulat, nakakasindak at kahindik-hindik.
9. Sila’y nanumpa sa harap ng diyos na magsasama sa hirap at kaginhawahan.
10. Noon ay pluma at papel, ngayon naman ay paggamit ng bolpen at pad.
1. Ang mga utak at mga panitik nina Dominador Gomez, Fernando Canon, Luna, Rizal,
Mariano Ponce, at del Pilar ay nagkatulong-tulong sa pagbuwag ng kapangyarihang
Kastila.
2. Ang lahat ay maibibigay nila para sa bayan at para sa mamamayan.
3. Ibig na ibig niya ang buhay na matahimik, mapayapa at masagana.
4. Naging hilig ng matandang lalaki ang mag-alaga ng mga hayop at mag-tanim ng
mga halaman.
5. Nasa adyenda ng komite ang tungkol sa buwis at tungkol sa dagdag na kita.
6. Pagbabasa, pagsusulat at pagsisine ang naging libangan niya.
7. Lalapit sila sa kanilang manedyer at makikiusap sila para tulungan at sila’y mabigyan
ng promosyon
8. Ang naging hatol ay kagulat-gulat, kasindak-sindak at kahindik-hindik.
9. Sila’y nanumpa sa harap ng diyos na magsasama sa hirap at ginhawa.
10. Noon ay paggamit ng pluma at papel, ngayon naman ay paggamit ng bolpen at pad.

You might also like