You are on page 1of 1

Ang Gintong Kayumangging Lupa

Buod Ni Dominador Mirasol

Ang Ginto ang Kayumangging Lupa ay nagwagi ng Tanging gantimpala sa Timpalak

Nobelang tagalog ng Cultural Center of the Philippines nuong 1979 at unang sinerye sa

magasing Sagisag ng Department of Public Information. Inilahad sa nobela ang kasaysayan ni

Moises Dimasupil na tulad ni Moises ng mga Israelita , lumaban sa kalupitan ng mga Paraon

sa ating panahon.

Isama mo si Domingo Mirasol sa isang grupo ng kapwa manunulat at malamang na

siya ang lalabas na pinakatahimik sa lahat. Likas kasing hindi siya madaldal. Mas gusto

niyang makinig at magmasid kesa magsalita. Ang katangiang ito ni Mirasol ay masasalamin

din sa kanayang mga obra. Lalo sa paggamit niya ng lenggwahe. Pili, walang saying na mga

salita. Walang kalabisan. Ang labas ay lenggwaheng matimpi, ang dating ay kipil at ta paik-

pik-gayunpamay sumisikad sa katartikong kapangyarihan. Hindi siya napapatangay sa

malakas na rahuyo ng mga salita kung kayat walang naliligwak na damdamin tulad ng kuyom

ng kamao o kaya ay matimpi bagamat naglalatang dibdib. Sapat lang para sa kanyang mga

tauhan at naratibo, ang iba ay inilalaan niya para sa mga mambabasa .Matimpi at

makapangyarihan ang bawat akda ni Mirasol tulad ng tula.

You might also like