You are on page 1of 9

ANG SABKATEGORISASYON NG VERB BATAY SA AFIKS SA WIKANG

MERANAO SA DITSAAN-RAMAIN, LANAO DEL SUR

Isang Papel Pananaliksik


na Iniharap kay
DANILYN T. ABINGOSA, Ph.D
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology

Bilang bahagi
ng mga Pangangailangan sa
FIL 169 Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino

ni
LUJAIN TEHANI S. ALI
November 2021
INTRODUKSYON
1.0 Verb
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ang verb o pandiwa. Katulad sa wikang
Meranao, ginagamit rin ito upang magpahayag ng gawain. Halimbawa sa wikang Meranao ang
mga salitang; ‘miyaulog' nahulog, ‘miyapikir' naisip, ‘tabasen' gilitan at marami pang iba.
Maituturing na malayang morpema o payak ang mga salitang nabanggit, dahil nakakatayo ang
mga ito ng mag isa. Tulad ng ibang wika, nagtataglay rin ng iba’t ibang uri ng aspek ang wikang
Meranao tulad ng perfectiv, imperfektiv, kontemplativ at infinitiv. Ang perfectiv ay
nangangahulugang tapos na ang verb na isinasaad, imperfektiv naman kung kasalukuyan pang
ginagawa ang verb, kontemplativ naman kung hindi pa nauumpisahan ang kilos, panghuli ang
infinitiv na aspek na kung saan nangangahulugang walang tinutukoy na kaganapan sa loob ng
verb. Gayunman, ang mga afiks sa verb ay may fokus na ginagampanan at ito ang fokus sa agent,
fokus sa patient, fokus sa instrument, fokus sa benefaktiv at marami pang iba.

1.2 Wikang Meranao


Ang Maranao ay itinuturing na isa sa pinakamalaking kultura sa isla ng Mindanao.
Matatagpuan ang mga maranao sa lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur. Ang
munisipalidad ng Ditsaan-Ramain ay kabilang lamang sa probinsya ng Lanao del Sur. Pinapanatili
nila ang kanilang mayamang kultura pati na rin ang kanilang wika hanggang sa kasalukuyan. Ang
kanilang wika ay kilala bilang wikang Meranao. Binubuo ng mabibigat na konsonant ang wikang
ito. Batay sa en.wikipedia.org, kilala ang wikang Meranao bilang Austronesian language na kung
saan may hawig sa wika ng Sabah, Malaysia. Maririnig sa wikang ito ang tinatawag na “downstep
accent” o “stress accent”, na kung saan may matitigas na paghinto habang ito ay sinasalita.

1.3 Layunin ng Pag-aaral


Layunin ng pag-aaral na ito na mailalarawan ang sabkategorisasyon ng pandiwa batay sa
afiks ng wikang Meranao. Nilalayon rin nitong ilalarawan ang pokus ng pandiwa batay sa
ginagampanan ng kilos.

1.3 Metodolohiya
Sa bahagi ng papel na ito, tatalakayin ang metodolohiyang ginamit sa pag-aaral. Ito ang
paraan ng pangongolekta ng datos at ang informant.
1.3.1 Informant
Ang informant na nahanap ng mananaliksik ay isang neytib ispeker ng wikang
Meranao sa Ditsaan-Ramain, Lanao del Sur. Ang informant ay 27 taong gulang at nagmula
sa Brgy. Barimbingan, Ditsaan-Ramain. Ang unang wika ng informant ay wikang
Meranao.

1.3.2 Paraan ng Pangongolekta ng datos


Personal na interbyu ang ginamit ng mananaliksik sa pag-kolekta ng datos.
Gumamit rin ng messenger app ang mananaliksik sa pakikipag-usap sa informant.
Nakatulong ang app na ito sa palitan ng voice message o voice mail na pinapadala ng
mananaliksik sa informant.
2.0 Presentasyon at Analisis ng Datos
Inilalahad ang mga verb sa ibaba batay sa sabkategorya nito. Ang verb ay binubuo ng root
at afiks na nagreresulta ng infleksyon. Sa pag-aaral na ito, mahalaga na malaman ang infleksyon
ng mga verb sa Wikang Meranao sa Ditsaan-Ramain upang matukoy ang kaganapan ng kilos ng
mga verb batay sa aspek nito

2.1 Ang Afiks ng Verb sa Wikang Meranao


Ang afiks ng verb sa wikang Meranao ay binubuo ng miya-, p, i at an. Ang mga afiks na
ito ang madalas ginagamit sa infleksyon ng pandiwa sa wikang Meranao. Mapapansing hindi
nagtataglay ang wikang ito ng infiks o gitlapi ng pandiwa dahil kadalasan makikita ang mga
panlapi o di malayang morpema sa unahan at hulihan g mga salita batay sa nakalap na datos ng
pag-aaral. Ilalarawan sa ibaba ang teybol ng sabkategorisasyon ng verb sa wikang Meranao.

Teybol 1: Sabkategorisasyon ng Verb sa Wikang Meranao

AGENT PATIENT BENEFAKTIV INSTRUMENTAL


FOCUS FOCUS FOCUS FOCUS
miya- -an i- -an

p-

Ang mga afiks na makikita sa teybol 1 ay ang sabkategorisasyon ng verb batay sa afiks, ito
ang mga afiks ng verb upang magpahayag ng mga iba’t ibang uri ng focus sa verb ng wikang
Meranao. Inilalapi ang afiks na miya-, at p- sa agent focus, kaparehong afiks na -an sa patient at
instrumental fokus, samantalang ang afiks na i- naman sa benefactiv fokus. Gayunman, ang bawat
afiks na ito ay maaring mag-iba pagdating sa infleksyon ng mga verb. Ilalarawan ang mga ito sa
mga sumusunod na pahina.

2.2 FOCUS SA AGENT


Ang fokus sa agent ay siyang gumaganap sa aksyong tinutukoy ng pandiwa. Sa wikang
Meranao ang afiks na miya- at p- ay ginagamit sa paglalapi sa verb upang ilalarawan ang fokus sa
agent. Makikita sa teybol sa ibaba ang infleksyon ng verb ng wikang Meranao.
Teybol 2: Infleksyon ng miya-

ASPEK miya-, p- Halimbawa


miya + lagoy > miyalagoy “tumakbo”
Infinitiv miya- + stem miya + piker > miyapikir “maisip”
miya- + stem miya + ulog > miya-ulog “mahulog”
miya- + stem miya + lagoy > miyalagoy “tumakbo”
Perfective miya- + stem miya + piker > miyapikir “naisip”
miya + ulog > miyaulog “nahulog”
Imperfective miya- + stem miya- +la + lagoy > miyalagoy “tumakbo”
miya- + lagoy > miyalagoy “tatakbo”
Kontemplative miya- + stem miya + pikir > miyapikir “maisip”
miya + ulog > miyaulog “mahulog”

Inilalapi sa verb ang afiks na miya- na nasa aspektong infinitiv tulad ng halimbawa
sa itaas na “miyalagoy”, “miyapikir” at “miya-ulog”. Magkakatulad naman ang
ipinapakita sa teybol 2, na ang perfektiv at imperfektiv ay magkatulad ang stem at inilalapi
ang afiks na miya-. Ang konsepto ng perfektiv at imperfektiv sa wikang Meranao ay iisa
lamang ang ipinapahiwatig nito at hindi malinaw kung ang ginawang kilos ay naganap na
o kasalukuyang pang ginagawa.
Sa aspektong kontemplativ naman inilalapi ang afiks na miya- at -la upang ilarawan
ang kontemplativ na aspek ng pandiwa. Ang mga afiks na ginamit sa halimbawa sa teybol
ay nagpapahayag bilang ang pandiwa ay fokus sa agent. Ipapakita sa ibaba ang gamit ng
stem na ito sa pangungusap.

(1) Miyalagoy so mga wata.


Inf.Ag-takbo Nom.Pl bata.
‘Tumakbo ang mga bata.'

(2) Miyaulog so mga wata.


Perf.Ag-hulog Nom.Pl bata.
‘Nahulog ang mga bata.'

(3) Miyalalagoy so mga wata.


Imp.Ag-takbo Nom.Pl bata.
‘Tumatakbo ang mga bata.’
Teybol 3: Infleksyon ng p-

ASPEK p- Halimbawa:

Infinitiv p + stem p- + sungwan =


psungwan “pinuntahan”
p- + langoy = plangoy
“lumangoy”
Perfectiv p + stem p- + sungwan =
psungwan “pinuntahan”
p- + langoy = plangoy
“lumangoy”
Imperfectiv p + stem p + sungwan =
psungwan
“pinupuntahan”
p + langoy = plangoy
“lumalangoy”
Kontemplativ p + stem p+ langoy + an=
plangoyan
“lalangoyin”

Parehong imperfectiv at perfectiv ang stem na “psungwan” at “plangoy”,


samantalang nasa aspektong kontemplativ ang salitang “plangoyan”.

(4) Plangoyan o mga wata so ragat.


Kont.Ag-langoy Gen.Pl bata Nom. dagat.
‘Lumalangoy ang mga bata sa dagat’

2.2 FOKUS SA PATIENT


Ang patient ang naaapektuhan sa ginagawang kilos. Sa wikang meranao ang
morpemang -an ay inilalapat sa pandiwa para sa fokus ng patient. Ilalahad sa teybol sa
ibaba ang infleksyon ng tag- ayon sa pokus ng patient.
Teybol 4. Infleksyon ng -an/-en
ASPEK -an/-en Halimbawa
Infinitiv stem + an sombali + an = sombalian “patayin”
stem + en tabas + en = “gilitan”
Perfektiv stem + en sombali + en = gilitan “sombalien”
tabas + en = tabasen “patayin”
Imperfektiv Stem + en sombali + en = sombalien “pinapatay”
Kontemplativ stem + an sombali + an = sombali-an “papatayin”

Sa infinitiv na aspek ang afiks na -an ang inilalapi kaya’t nagiging sombalian ang
pandiwa. Ang stem na tabasen at sombalien naman ay nasa aspek ng perfektiv imperfektiv
at kontemplativ.

(5) Kabaya o mama a sombalian so manok.


Infi.Pat Gen.Sg Sg.lalaki Inf.Ag Nom.Sg manok.
‘Gusto ng lalaki na patayin ang manok’

(6) Tabasen o loks so nipay.


Perf.Pat-gilit Gen.Sg matanda Nom.Sg ahas
‘Gigilitan ng matanda ang ahas.’

2.3 FOKUS SA BENEFAKTIV


Ang fokus sa benefaktiv ay tumutukoy sa kung sino ang nakikinabang sa pagganap ng
pandiwa. Sa wikang Meranao sa paglalarawan ng fokus sa benefaktiv ay inilalapi ang mopermang
i- sa pandiwa. Makikita sa teybol sa ibaba ang infleksyon ng i-.

Teybol 5. Infleksyon ng i-

ASPEK i- Halimbawa

i- + pamasa = ipamasa “binili”


Infinitiv i- + stem i- + surat = isurat “isinulat”
Perfectiv i- + pamasa = ipamasa “binilhan”
i- + stem i- + surat = “isinulat”
Imperfectiv i- + stem i- + pamasa = “ipamasa” “bibilhan”
i- + su + surat = isusurat “sinusulat”
Kontemplativ i- + stem i- + pamasa= ipamasa “bibilhan”
i- +surat = isurat “isulat”

Mapapansing magkatulad lamang ang afiks ng perfektiv, kontemplativ, imperfectiv


at infinitiv. Sa puntong ito, ang mga afiks sa fokus sa benfaktiv ay hindi malinaw kung
kailan naganap ang kilos o pandiwa katulad ng mga afiks na binanggit sa itaas.

(7) Isurat akun so mga ngaran o mga wata.


Perf.Imp.Ben-sulat Gen.1Sg. Nom.Pl pangalan Gen.Sg bata
‘Isusulat ko ang mga pangalan ng bata.’
‘Isusulat ko ang mga panagalan ng mga bata.’

(8) Ipamasa akun so wata sa talumpa.


Inf.Kont.Ben-bili Gen.1Sg Nom.Sg bata Obl.Sg sapatos
‘Ibibili ko ng sapatos ang bata’

2.4 FOKUS SA INSTRUMENT


Tumutukoy ito bilang ang instrument ang bagay o ang paraang ginamit para mangyari ang
andiwa. Sa wikang Meranao ginamit ang afiks na –an para mailalarawan ang isang bagay o
instument bilang nagsasagawa ng kilos. Ipapakita sa susunod na teybol ang ng infleksyon ng –an.
Teybol 6. Infleksyon ng -an
ASPEK -an Halimbawa
Infinitiv stem + -an baling + -an=balingan “tinirhan”
Perfektiv stem + -an baling + -an= balingan “tinirhan”
Imperfektiv stem + -an ba + baling + -an = babalingan
“tinitirhan”
Kontemplativ stem + -an baling + -an= balingan “titirhan”
Ang stem ng baling ay nagiging balingan kapag nasa aspektong perfectiv at infinitive
habang babalingan naman sa aspek ng imperfektiv. Mapapansing magkatulad lamang ang afiks
ng perfektiv, kontemplativ at infinitiv, maliban sa imperfective na may nadagdag na afiks na -ba.
Sa puntong ito, ang mga afiks sa fokus sa instrument ay rin hindi malinaw kung kailan naganap
ang kilos o pandiwa katulad ng mga afiks na binanggit sa itaas.

(9) Babalingan iran dun so walay.


Kont.Ins. Gen.3Pl NOM.Sg bahay.
‘Tinirhan na nila ang bahay.’

3.0 Konklusyon
Bilang resulta ng pag-aaral na ito, ang sabkategorasyon ng verb batay sa afiks ng wikang
Meranao sa Ditsaan-Ramain Lanao del Sur ay mayroon lamang afiks na miya-, p-, -an, at -i. Ang
afiks na miya- at -p ay makikita sa fokus sa agent. Samantalang ang afiks na -an nagpapahayag
bilang ang verb ay isang focus sa patient at focus sa instrument subalit nag-kakaiba ito sa
infleksyon ng verb. Panghuli ang ang afiks na i- na nagpapahayag naman bilang ang verb ay isang
focus sa benefaktiv.
Ang infleksyon ng afiks na miya- at p-, ay naka-fokus sa agent. Kaya nagiging miya- ang
afiks ng stem kapag nasa aspektong perfektiv, infinitiv at imperfektiv. Ang konsepto ng perfektiv
at imperfektiv sa wikang Meranao ay iisa lamang ang ipinapahiwatig nito at hindi malinaw kung
ang ginawang kilos ay naganap na o kasalukuyang pang ginagawa. Sa aspektong kontemplativ
naman inilalapi ang afiks na miya- at p- upang ilarawan ang kontemplativ na aspek ng pandiwa.
Walang pinagka-iba ito sa iba pang aspekto. Tanging i- lamang ang afiks ng stem upang ilarawan
ang verb bilang hindi pa naganap ang kilos o pinag-iisipan pa lamang. Samakatuwid, ang
infleksyon ng afiks na i- sa fokus sa benefaktiv ay kapareho lamang ang proseso nito sa infleksyon
ng afiks. Sa infleksyon naman ng afiks na -an sa fokus sa patient at instrument, -an ang afiks ng
stem sa perfektiv, imperfectiv, infinitiv at kontemplativ. Magkapareho ng afiks ang fokus sa
patient at instrument. Para naman sa afiks na -i sa benefaktiv, kaparehong -i ang afiks ng perfektiv
at imperfektiv na aspekto.
Napag-alaman ng mananaliksik na wala masyadong infiks ang wikang Meranao dahil
madalas prefiks at safiks lamang ang afiks na tinataglay ng wikang ito. Lumabas din sa pag-aaral
na ang perfektiv at imperfektiv na aspek sa wikang ito ay magkapareho lamang ang stem kaya
hindi malinaw ang kaganapan ng verb kapag sinasalita. Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral
tanging -an, i-, miya-, p- ang mga afiks ng verb sa wikang Meranao sa Ditsaan-Ramain Lanao del
Sur at ang mga afiks na madalas makikita sa infleksyon ng mga verb sa wikang Meranao.

You might also like