You are on page 1of 5

WORKS WITH THE CLASS TO PRODUCE A COMPILATION OF THEIR

PRINTS AND CREATE A BOOK OR CALENDAR WHICH THEY CAN GIVE


AS GIFTS, SELL OR DISPLAY ON THE WALLS OF THEIR SCHOOL

ALAMIN MO

Ano ang nasa larawan? Naranasan mo na bang


makalikha nito?
Ang nasa kaliwang larawan ay halimbawa ng isang
kalendaryo na ating nagagamit sa araw-araw upang
matukoy ang petsa at ang nasa kanang larawan naman
ay isang portfolio ito ay sisidlan ng mga papel na maaaring
paglagyan ng iyong mga likhang sining. Kaya mo bang
lumikha nito?

PAG-ARALAN MO
Pagmasdang mabuti ang mga likhang sining na nasa
larawan.
Sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang iyong
mga likhang-sining?

Maaari bang ang mga ito ay gawing dekorasyon at


isabit sa dingding ng inyong tahanan o di kaya’y sa loob
ng silid-aralan? Maaari rin ba na gawin itong regalo sa
iyong malapit na kaanak o kaibigan?

Ipunin ang iyong mga nailimbag na likhang-sining.


Paano mo pagsasama-samahin ang mga ito sa
organisadong paraan? Ano-ano ang mga kagamitang
maaari mong gawin sa paglikha ng kalendaryo at aklat o
portfolio na maaaring pagsidlan ng iyong mga obra?

TANDAAN MO
Napaka laking tulong ang magagawa ng kalendaryo
at portfolio sa mga mag-aaral kagaya mo sa paraan ng
kasinupan at kaayusan. Maraming benispisyo ang
maaring idulot nito, gaya ng pagiging masinop,
responsible at organisado sa ibat-ibang bagay.

GAWIN MO
Paglikha ng Portfolio
Mga Kagamitan
• lumang karton o folder
• papel
• Pandikit
• Gunting
• Fastener
• mga makukulay na papel at iba pang mga gamit na
makukuha sa tahanan na maaaring gamitin sa
pagdidisenyo.

Mga Hakbang sa Paggawa

1. Ihanda ang lumang karton o folder na pagsisidlan ng


iyong mga obra.
2. Gamit ang makukulay na papel maaaring gumuhit o
gumupit ng mga nais mong pangdisenyo at idikit ito sa
labas o pabalat na bahagi ng folder.
3. Patuyuin ang mga idinikit na disenyo.
4. Ipunin ang iyong mga likhang-sining o obra at gamit
ang fastener pagsama-samahin ang mga ito sa loob ng
folder na iyong dinisenyuhan.
5. Gawin ito nang may pag-iingat at sa malikhaing
pamamaraan.
6. Maaari na itong isabit sa inyong dingding o di kaya’y
ipangregalo sa iyong malapit na kaanak o kaibigan
PAGTATAYA
Isulat ang Tama kung ang pangungusap tungkol sa
aralin sa paglikha ng kalendaryo at portfolio ay tama at
Mali kung hindi.

_____1. Napaka laking tulong ang magagawa ng


kalendaryo at portfolio sa mga mag-aaral sa paraan ng
kasinupan at kaayusan.
_____2. Maraming benispisyo ang maaring idulot nito,
gaya ng pagiging masinop, responsible at organisado sa
ibat-ibang bagay.
_____3. Ang portfolio ay sisidlan ng mga papel na
maaaring paglagyan ng iyong mga likhang sining.
_____4. Hindi ito maaaring gawing dekorasyon at isabit
sa dingding ng tahanan o di kaya’y sa loob ng silid-
aralan.
_____5. Maaari itong gawing pang regalo sa iyong malapit
na kaanak o kaibigan.

You might also like