You are on page 1of 11

Pagiging

Malikhain
WEEK 1
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
matututunan mo ang mga likhang sining
ng bawat pamayanan at ang mga
kagamitang ginagamit upang lumikha
ng mga ito.
Ang mga Pilipino ay likas na malikhain. Ang kanilang
likha ay gawa sa iba’t ibang bagay na makikita sa ating
kapaligiran. Nakakagawa sila ng isang magandang sining
sa iba’t ibang pamamaraan.

Alam mo ba kung ano-ano ang mga tanyag na likhang


sining mula sa ating rehiyon?
Ilan sa mga tanyag na likhang sining mula sa ating rehiyon ay
ang paper mache mula sa Paete, Laguna at ang mga banca o
native boats na mula sa Cavite at sa iba pang karatig
probinsya na malapit sa karagatan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa gabay ng iyong magulang o
nakatatandang kapatid. Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.
Ibigay ang mga hinihinging sagot ng bawat katanungan. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang mga
pangungusap sa ibaba. Gamit ang bilang 1-7, pagsunod-sunorin ang
mga hakbang sa pagbuo ng paper mache. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

__________ Gumawa ng balangkas ng isang hayop sa pamamagitan


ng alambre o binalumbong na diyaryo.
__________ Patayuin ang hinulmang hayop at pinturahan.
__________ Balutan nang dinikdik na diyaryong may pandikit ang
ginawang balangkas ng hayop at ihugis nang maayos at
makinis.
__________ Pagsamahin ang dinikdik na diyaryo at pandikit at haluin.
__________ Talian ang bahagi ng katawan upang manatili ang hugis
at patuyuin ito sa isang kahoy.
__________ Punit-punitin nang maliliit ang lumang dyaryo at ibabad sa
tubig ng magdamag.
__________ Hanguin ang ibinabad naa diyaryo, pigain at pagkatapos
ay dikdikin at ilagay sa isang lagayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng sarili mong disenyo
ng
banca o native boat. Maging malikhain at gawing makulay ito.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Makikita sa ibaba ang larawan ng
isang saranggola. Ito ay isang likhang sining na nabubuo gamit ang
patpat, papel at tali. Gumawa ng sariling saranggola ayon sa inyong
gustong disenyo. Magpatulong sa magulang o sa nakatatandang
kapatid sa paggawa nito. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa
paggawa
Punan ng tamang sagot ang patlang sa pangungusap upang
makabuo ng angkop na konsepto o ideya tungkol sa aralin.
Salamat mga
bata 

You might also like