You are on page 1of 2

Maikling Pagsusulit sa Filipino 9

Pangalan: _____________________________
Grade 9-Makakalikasan

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
____1. Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.
A. kaginhawahan B. kalungkutan C. kaguluhan D. kasiyahan

____2. Siya ay anghel sa aking paningin. Ang metaporikal na kahulugan ng salitang anghel ay
A. alipin C. maganda B. matulungin D. mapagmahal

____3. Ito ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.”


A. kuya B. nakababatang kapatid C. manunulat D. nanay

____4. Anong element ng elehiya ang ipinapahayag dito?


“Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati
bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan”
A. damdamin B. simbolo C. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

____5. Ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng katangiang tinataglay ng elehiya maliban sa


A. Mapagmuni-muni ang himig ng elehiya.
B. Kadalasang simbolo ang naghahari sa akdang ito.
C. Nakatuon ito sa pagpapahayag ng personal na damdamin.
D. Pag-alaala at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.

____6. Simula nang mawala ang kaniyang mahal na ina ay labis ang ___________ naramdaman ni Cecilia. Tukuyin ang
angkop na salitang may pinakamasidhing damdamin.
A. lumbay B. pagdadalamhati C. lungkot D. pighati

____7. Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?


A. kapalit B. kahalagahan C. pambayad D. biyaya galing sa Diyos

____8. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata?


“Hindi madaling pasukin ang kagubatang iyon. Madilim at masukal.
Bumuhos pa ang ang malakas na ulan kaya halos hindi na niya matanaw ang
daan. Subalit hindi siya mapipigil nito, hindi niya isusuko ang kaniyang hangarin”.
A. Tao Laban sa Tao B. Tao Laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan D. Tao Laban sa Kalikasan

____9. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito “Ikaw ang pumunta sa kanilang handaan para sa pista,
mananatili na laman ako rito sa bahay.”
A. Nagagalit B. Umiibig C. Nahihiya D. Natatakot

____10. Ang isa sa nakakasira ng pagsasamahan at pamumuhay ng isang mag anak ay___.
A. Bisyo B. kahirapan C. Kawalan ng Trabaho D. walang pera

Panuto: Isulat ang angkop na sagot sa bawat bilang.


_________________1. Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at ang mga pangyayari ay maaaring
maganap sa totoong buhay.

_________________2. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng


masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

_________________3. Ito ang parabula tungkol sa isang anak na sumuway sa utos at tagubilin ng kanyang ina.
_________________4. Ang akdang ito ay tungkol sa pagpupuri, kaluwalhatian, kaligayahan, pasasalamat at pagpaparangal
sa Diyos.
_________________5. Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa mismong ng tauhan.
_________________6. Ito ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang mga anyo at ibig sabihin
ng mga ito sa paglipas ng panahon.
_________________7. Isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan at nag- iiwan ito ng isang kakaintalan sa isip ng mga mambabasa
_________________8. Ang tunggaliang ito ay madalas na tumutukoy sa mga kalamidad tulad ng lindol, sunog, at baha.
_________________9. Ang buntis na asawa ni Li Hua sa maikling kwentong Tahanan ng isang sugarol na nakaranas ng
labis na paghihirap.
_________________10. Kung ang Epiko ay Tulang Pasalaysay, ang Elehiya naman ay Tulang ________.

Panuto: Isulat sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga sumusunod na salita mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na antas ng salita.

1. inis, pikon, tampo -

2. mabanas, mainit, maalinsangan

3. bungisngis, ngiti, ngisi -

4. nabighani, nagandahan, naakit –

5. ganid, madamot, sakim, gahaman –

6. nabigla, natakot, nagulat, nasindak –

7. kaligayahan, kasiyahan, katuwaan –

Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihinging paraan ng pagpapahayag ng masidhing damdamin.

1. Pag-uulit ng Pang-uri

2. Paggamit ng mga Salitang Pasukdol

3. Paggamit ng panlaping magpaka

You might also like