You are on page 1of 2

Diyos ng Kapogian

Ni: Vincent O. Malquisto

10 - QUEZON
Sa isang bundok na kung tawagin ay Bundok Gwapoko, may isang binatang
nagngangalang Novem at siya ay punong puno ng kamalasan. Habang si Novem ay
naglalakad patungo sa bayan upang bumili nga uulamin, di niya na napansin ang puno
ng niyog sa gilid nang biglang lumakas ang hangin at ang niyog nito’y nahulog, nawalan
ng malay si Novem dahil nahulugan ng niyog sa ulo, at lumipas ang ilang oras nagising,
at laking gulat ni Novem nang masilayan niya ang isang matandang babae.
“iho tumayo ka riyan” wika ng matanda, tinulongan ng matanda ang binata upang maka
tayo.
"aba’y ang gwapo mong bata ba’t sa kalsada kalang natutulog? tanong ng matanda
kay Novem.
Natawa si Novem at sumagot
"Sa pagkakatanda ko po e naglalakad lamang ako dito dahil pupunta ako nang bayan
upang bumili na mauulam" sagot ni novem, "bahala na nga, una na po ako sa inyo
manang pupunta pa ako nang bayan"
"oh siya sige, mag ingat ka iho napaka gwapo mo pa namn" wika ng matandang babae,
"kung kasing edad lang sana tayo e, bagay na bagay tayo" bulong nang matandang
babae sabay umalis.
Nagpatuloy sa paglalakad si Novem at siya ay nakarating sa bayan, bumili ng uulamin,
at agad namang umuwi si Novem sa bahay nila at kumain.

Pagsapit ng gabi lumabas si novem sa kanilang bahay hay upang gumala, siya ay
pumunta sa puno ng manga at sa di inaasahan biglang nagpakita ang matandang
babae na tumulong sa kanya, nagulat si Novem sa nakita.
“Manang? diba ikaw po yung tumulong sakin kanina? ba’t ka po naparito?” tanong ni
Novem sa matanda.
“oo iho ako yun, naparito ako upang humingi ng tulong” sagot ng matandang babae.
“ano po baa ng maitutulong ko manang?” tanong ni Novem.
“ako ay isang isinumpang diwata at kailangan ko ang tulong mo” paliwanag ng
matandang babae.
Natakot ni Novem sa kanyang narinig,
“ano po ba ang paraan upang mawala ang sumpa?” tanong ni Novem sa matanda.
“mawawala lang ito kung ako ay mahahalikan ng lalaking ubod ng kagwapuhan at siya
ay magiging immortal katulad ko” sagot ng matandang babae.
Nalito ang binatang si Novem kung maniniwala ba o hindi,
“kung yan ang maitutulong ko manang ay gawin na natin agad ng mawala ang sumpa”
kusang-loob na sagot ni novem.
Hinalikan ng matanda si Novem at ang matandang babae ay nag ibang anyo at ito’y
naging magandang diwata at sinama si Novem sa kaniyang palasyo at ginawang
DIYOS NG KAPOGIAN.

Gamit ng Pandiwa:
Karanasan-
nagulat si Novem sa nakita,
laking gulat ni Novem nang masilayan niya ang isang matandang babae,
Natawa si Novem at sumagot,
Natakot si novem sa kanyang narinig
Nalito ang binatang si Novem kung maniniwala ba o hindi

Ang gamit ng Pandiwa ay Karanasan sapagkat nagpapahayag ng damdamin o


emosyon na nagulat, laking gulat, natawa, natakot, nalito ang simuno na si Novem

Aksyon-
si Novem ay naglalakad patungo sa bayan,
lumabas si novem sa kanilang bahay,
Nagpatuloy sa paglalakad si Novem,
hinalikan ng matanda si Novem
Ang gamit na Pandiwa ay Aksyon sapagkat ang simuno na si Novem ay gumaganap sa
kilos na naglalakad, nagpatuloy paglalakad, hinalikan at lumabas
Pangyayari-
nawalan ng malay si Novem dahil nahulugan ng niyog sa ulo
Ang gamit na Pandiwa ay Pangyayari sapagkat ang aksyong nawalan ng malay
naganap ay bunga ng isang pangyayari na nahulugan ng niyog sa ulo

You might also like