You are on page 1of 8

“Mapait na Kahapon”

MUSIC RADIO PLAY

FEBRUARY 27, 2023

MEMBERS:

Hanna EJ

Christan

John Axl

Marsean Jhaz

Justine Rhei

Mica Angle

Lian

Analyn

Riancee

STORYLINE – The lost spirit of a victim of Martial Law at the same time, a revolutionist
for the EDSA People Power Revolution who came across students debating about
February 25 no longer being a holiday in the present, has yet again, wanted to fight
against ignorance and lies by reminiscing on the historical event and such.

SFX #1 (NEWS INTRO)

Hanna: Ngayon ay araw ng ika dalawang pu’t lima ng Pebrero at ating ginugunita ang
EDSA People Power Revolution.

Analyn: Para sa isang paalala, magbabalik ang DZMH “Boses para sa Katotohanan”.

SFX #2 (LA CAMPANELLA – NP)

Hanna: Hmm… (disgusted; questioning tone) sa daming taon ko nang pag-gagala rito
sa Maynila, ngayon lang talaga ako nakakita ng adobo na hindi ginisa sa sibuyas.
Riancee: (insulting) Paano nila magigisa sa sibuyas ‘yan, eh, ang halaga niyan ngayon
ay pareho nalang sa mga alahas. (laughs)

Hanna: Naalala ko na naman si Andi, paborito niya ‘yan eh.

Riancee: ‘Yan ka na naman. Patay ka na at ang pakatid mo, kaso ang kapatid mo na
sa mabuting lugar na. Ikaw naman, pagala-gala pa rin dito, akala mo naman may
mababago ka pa sa mga nangyari na.

Hanna: Sakit mo na ah.

Riancee: Eurt.

Hanna: Tara, gala. Pakinggan natin mga say ng mga bata ngayon.

*FADE UP*

*FADE OUT*

Riancee: Wow, I feel so old.

*FADE IN*

Hanna: Matanda ka na talaga, nahawa na nga tayo sa mga pauso-uso at salita ng mga
tao eh. Ikaw ba naman, magstay ng tatlong-pitong taon dito. ‘Di keri nung bata na ‘yon,
oh, ginanon-ganon na naman yata siya.

Riancee: Palagi nalang sila nakatambay rito, at kada lingo paiba-ibang lalaki iniiyakan
niya. Kung nasa panahon natin ‘yan, ‘di siya magaganiyan.

Hanna: For real. (slang)

*FADE DOWN*

Axl: Pre (sighs), ba’t gano’n? Parang sumisikip talaga dibdib ko ‘pag hindi ko siya
nakikita. Miss ko na si idol. (sadboi tone)

MJ: (disgusted) Yuck. Corny mo.

Christan: Bitter mo. Sabagay, (insulting tone) ‘di kita masisisi, gawin ba namang
rebound. Sheesh. (laughs)

*FADE UP*

Hanna: (whispers) Ano raw?


Riancee: (disbelief) Ako rin, sumisikip na talaga puso ko sa kakapigil sa pasensiya ko
sa mga bata na ‘to. Hindi man lang mangilabot sa mga sinasambit.

Hanna: (disbelief) Stated nothing but facts. Slay.

*FADE OUT*

MJ: (shocked) Yo, yo, yo! Isn’t that girl your’ honeybunchsugarplum?!

SFX #3 (0:11) (BINIBINI – BROWNMAN REVIVAL)

Christan: Sheesh. Wala na, alis na tayo rito. – Kinakabahan siya, kinakabahan siya oh!

Lian: Hi John. How’s your training-

*FADE OUT*

Riancee: Eh (SFX #4) -- eh eh, alis na tayo rito, please lang.

SFX #5 (0:17) (LA CAMPANELLA – FL)

Hanna: Nakakadagdag sa trauma mga bata na ‘yon. Ganiyan na ba silang lahat


ngayon? Palagi kang lumilibot, satingin mo?

Riancee: Hindi lahat, may mga bata na aral at pag-iimpluwesiya ang inaatupag.

Hanna: Talaga? Wala akong mahanap na ganiyan.

Riancee: Malamang, nasa lansangan ka, subukan mo kaya sa mga unibersidad.


Makikita mo, ibang-iba na ang nalalaman ng mga kabataan patungkol sa bayan na ‘to
ngayon. Marahil pa nga na ang iyong pag-iyak tungkol sa paghihingi ng hustisya ay
kanila nang naririnig.

Hanna: Kay tamis ng iyong mga salita, totoo kaya?

SFX #6 (VIOLIN CONCERTO NO.1 – NP)

*FADE DOWN*

Justin: Remind me of what we are celebrating on February 25th again.

Axl: We will no longer celebrate that day. It has been declared that the holiday has
been moved to February 24th-

Lian: Kahit na gawin pa niya ‘yan sa kahit anong araw at buwan, hindi na mabubura sa
historya ang masalimuot na pinagdaanan ng mga Pilipino noon-
MJ: Even if many had died during Martial Law, you can’t deny the fact that it helped in
the development of this country.

Analyn: Developments like what?!

Christan: You know what, it’s really just fine that EDSA Power has been moved, it’s
part of the past anyways and it’s just a date, why not just forget about it.

Justin: They declared it as a “Special Non-Working Day” dedicated not for EDSA
People, so, how could it just “fine” and “just a date”?!. Kung hindi dahil sa paghihirap ng
mga Pilipino noon, hindi natin makakamit ang demokrasya na mayroon tayo sa ngayon!

Analyn: If they really do support and respect EDSA Revolution, such changes will not
happen.

Lian: Ang historya ay hindi pwedeng mabura. Hindi mo pwedeng sabihin na “it’s all part
of the past anyways” because that is what makes Philippines, Philippines and Filipinos,
Filipinos. They said it is to make the weekends longer, but proceeds to say that 25 is not
an holiday? Stupidity level at its finest.

Axl: Pero kahit pa, wala ka nang magagawa-

*FADE OUT*

Hanna: At bakit- lahat ng mga nangyari noon ay tila ba bumabalik at aking natatanaw.

SFX #7 (REVERIES– HB)

Mica: (crying) Ate! Ate! Si nanay, hinablot at kinulong nila!

Hanna: Bakit daw?! May ginawa ba siya?

Mica: (crying) Hindi ko alam, ate. Kababalik ko lang galing paaralan at sa daan ko
pauwi ay narinig kong humihingi ng tulong si nanay! Natatakot ako, ate. Anong gagawin
nila kay nanay-

Hanna: Shh. Wala, wala silang gagawin kay nanay. – Oh? Anong ginagawa mo rito?

Riancee: Ang nanay ninyo-

Mica: ANONG GINAWA NILA KAY NANAY?!

Riancee: Napagbintangan yata ang nanay niyo na kasapi ng mga rebolusyunista, kaya
siya ay dinakip at… pinapatay.

Mica: (cries louder)


Hanna: Sabihin mong… hindi totoo!

Riancee: Totoo- totoo nga!

Mica: Ina ko! (crying)

Hanna: Sa’n ka pupunta?!

Mica: (crying while running away) Walang kinalaman ang ina ko! Bakit pati ang mga
inosente’y inyong dinamay!

Hanna: (slaps) Magpapakamatay ka ba?! Kapag nahuli ka nila, pati ikaw mawawala!

Axl: Hoi!

SFX #8 (HUNGARIAN RHAPSODY – FL)

Hanna: Takbo!

SFX #9

Hanna: (screamed; cries) Andi!

SFX #10 (LIEBESTRAUM – FL)

Mica: (dying tone; still crying) A-a-ate. Sorry. Naisip ko na sa huling pagkakataon, baka
kaya ko pang maipaglaban ang kamalian na idunulot nila kay nanay. Naisip ko na sa
huling pagkakataon, kaya ko siyang bigyan ng hustisya, ngunit, hindi, ako’y nagkamali.
[Hanna: (cries) Andi…] Katulad ng ganda ng pagbubukang-liwayway, ay ang init at
liwanag ng pagmamahal ko sa iyo. Hindi ko malilimutan ang lasa ng adobong lagi mong
niluluto para sa akin, ate, sobrang pait, ngunit, akin parin itong hahanap-hanapin.

Hanna: Andi! (crying)

Riancee: Taha na! Maririnig ka nila!

*FADE OUT*

Hanna: Hindi… hindi! Dalawang buhay ngayong araw na ‘to ang nawala sa’kin! At hindi
na ito maaaring magpatuloy pa. Sasama tayo sa pag-rerebolusiyon, bukas din.

SFX #11 (0:10) (MARCH TO THE SCAFOLD – HB)

All: Patalsikin ang diktador! Palayain ang Pilipinas!

Hanna & Riancee: Hustisya para sa iyong mga pinatahimik at binulag! Hustisya!
All: Sumuko ka na! Talo ka na! Lumayas ka na!

Riancee: Mga militar!... Tara na! May mga militar na!

Hanna: Hindi na ako muli pang magtatago at magpapabulag nang dahil lang nakatutok
ang kanilang mga baril sa akin. Buhay man ang maging kapalit, hustisya’y aking ipipilit.

Riancee: (shocked) Hindi-

SFX #9

SFX #10 (1:32)

Riancee: Ang- sakit.

Hanna: Sob-ra.

SFX #12 (0:06) (FANTASIESTUCKE – RAS)

Analyn: This debate does not only talk about why February 25 should remain as a
holiday but also, why Martial Law and this must be dearly remembered all the time.

Justin: Without the bravery of Filipinos during that time…

Lian: -We will not have achieved democracy and freedom to all rights.

Mica: Time is up! Team A has won the debate.

MJ: Congratulations. I think, you guys are right regarding this matter.

Christan: I mean, after all, it’s all because of them.

Axl: Right.

SFX #13 (Frauenliebe und leben – RAS)

Riancee: (cries) Larawan ng aking pamilyang duguan ay namugad sa musmos kong


isipan.

Hanna: Tulad ng mga maya, sila'y lumipad sa sarili nilang watak-watak na bagwis. At
dalawa pang biktima ang nasadlak sa labis na lungkot.

Riancee: Ngunit sa pagyaon ng kabukasan sa isip ng mga kabataan, tunay na


kahulugan ng kaligayahan, ang siya nating natagpuan.

Hanna: Mumultuhin ko ang mga bulag pa at aking ipapakita sa kanila ang pangyayaring
hindi dapat nila kalimutan. Katulad ng ganda ng pagbubukang-liwayway, ay ang init at
liwanag ng pagmamahal ko sa iyo, kapwa ko, Inang Bayan ko.
Riancee: Ang araw ng ating kamatayan ay ang araw ng pagsilang ng bagong Pilipinas,
nawa’y ito’y hindi kalimutan.

Hanna: Ang lasa ng mapait na pasanin namin noon ay hindi na dapat pang malasahan.
Hindi ko malilimutan ang lasa ng adobong lagi kong niluluto, ito’y sobrang pait, kahit
asukal ay hindi nito mapapatamis, huwag ninyo sana itong balikan at tikman pang muli.

Riancee: Hindi talaga, ang mahal kaya ng asukal ngayon at hindi na talaga, patay ka
na eh.

Hanna: Luh.

*FADE UP*

*FADE OUT*

SFX #14 (SCENE IN THE COUNTRY – HB)

Analyn: Idineklara na ang araw para sa pagdiriwang ng EDSA People Power


Revolution ay inilipat na sa araw ng ika dalawang pu’t-apat. Nawa’y hindi natin
kalimutan ang kabayanihan na ginawa ng ating mga kapwa noon para sa ating bayan.

*FADE OUT*

Hanna: Ang mensahe na ito ay hatid sa inyo ng istasyong walang tinatagong


kasinungalingan at binoboses lagi ang katotohanan.

SFX #15

Analyn & Hanna: DZMH “Boses para sa Katotohanan”

Hanna: Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.

You might also like