You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Eastern Visayas-Region VIII
Schools Division of Eastern Samar
LAWAAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Lawaan District

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4


Quarter 3

Pangalan:_______________________________________ Baitang at PAngkat:___________ Iskor:_____

A. Panuto: Basahing Mabuti ang bawat bilang at isulat ang TITIK ng tamang sagot.
1. Ito ay samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng mga tao na naglalayong magtatag
ng kaayusan at mapanatili ang sibilisadong lipunan.
a. pamahalaan b. gobyerno c. lipunan d. mamamayan

2. Ang mga sumusunod ay mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


pamahalaan.
a. pinananatili ang kaayusan at katahimikan
b. pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao
c. pinapaunlad ang kabuhayan nga mga mamamayan
d. itinataguyod ang mga karapatang pantao

3. Piliin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng pamahalaan.


a. Tungkuling maipatupad ng maayos ang mga batas.
b. Tungkuling gampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.
c. Tungkuling mapaunlad ang ibang bansa.
d. Tungkuling mapaunlad ang ekonomiya ng nasasakupan.

4. Ang sumusunod ay ilan sa mga layunin na hinahangad na maisakatuparan ng pamahalaan sa buong mundo
maliban sa isa.
a. Kasaganaan sa ekonomiya para sa bansa.
b. Ligtas ang mga pambansang hangganan.
c. Kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan.
d. Maingay at hindi ligtas na kapaligiran.

5. Sino ang namumuno sa pambansang panahalaan ng Pilipinas?


a. pangulo b. gobernador c. kapitan d. mayor

6. Namumuno sa lungsod o bayan.


a. kapitan b. alkalde c. gobernador d. pangulo

7. Namumuno sa lalawigan.
a. alkalde b. pangulo c. gobernador d. kapitan

8. May pangkalahatang pangangasiwa sa pamahalaang local.


a. Sangguniang Panlungsod c. Sangay ng Tagapaghukom
b. Sangguniang Panlalawigan d. Sangay ng Tagapagbatas

9. Aling sitwasyon ang hindi saklaw ng lokal na antas ng pamahalaan.


a. ugnayang panlabas c. koleksiyon ng basura
b. mga asong pagala-gala d. pagpapataw ng parusa sa nagkasala

10. Aling sitwasyon ang hindi saklaw ng pambansang antas ng pamahalaan.


a. pagtatayo ng paaralan
b. paggawa ng ordinansa para sa ikaaayos ng inyong barangay
c. kaayusan at kaligtasan ng buong bansa
d. maayos na daan at tulay sa mga pangunahing lansangan ng bansa.

11. Ano-ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mga pangangailangan?
a. mga ospital c. mga ahensiya ng pamahalaan
b. mga tindahan d. mga pamilihan at paaralan
12. Marami na ang naipatayong pampublikong pagamutan at paaralan sa bansa.
a. seguridad c. kaayusang pangkapayapaan
b. katarungang panlipunan d. kagalingang panlipunan

13. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensiya ng mga dayuhang mandaragat na natatanaw na nangingisda sa loob
ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
a. seguridad c. kagalingang panlipunan
a. katarungang panlipunan d. kaayusang pangkapayapaan

14. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ng dolyar upang hindi ito gaanong
makaapekto sa ating kbuhayan.
a. kagalingang panlipunan c. kabutihang pangkalusigan
b. kaunlarang-pang ekonomiya d. katarungang panlipunan
15. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa ating mga mamamayan?
a. para maging bahagi tayo ng kanilang gawain.
b. upang matiwasay at mapayapa ang ating bansa
c. para sa ating kabutihan at kaunlaran
d. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan

16. Ito ay programa mula Kinder hanggang Senior High School.


a. Iskolarship c. Department of Education
b. TESDA d. Basic Education Program o K-12

17. Naglalayong linangin ang mga kasanayang teknikal.


a. TESDA c. Alternative Learning System o ALS
b. Basic Education Program o K-12 d. Indigenous People Education (IPEd)

18. Ang programang ito ay nakatutulong sa mga OUT OF SCHOOL YOUTH.


a. TESDA c. Indigenous People Education (IPEd)
b. Alternative Learning System o ALS d. Basic Education Program o K-12

19. Layunin ng programang ito na mapangalagaan at mapagyaman ang mga kultura ng mga katutubo.
a. Basic Education Program o K-12 c. Indigenous People Education (IPEd)
b. Department of Education d. Alternative Learning System o ALS

20. Ito ay para sa mahuhusay na mag-aaral na hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral.
a. TESDA c. K-12
b. IPEd d. iskolarship

21. Ito ang ahensiyang naatasan na mangasiwa sa mga gawaing pangkalusugan.


a. DOH b. DepEd c. DPWH d. NTC

22. Ito ang ahensiyang namamahala para sa mga programang pang-edukasyon.


a. NTC b. DepEd c. DILG d. DPWH

23. Muling pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan.


a. CARP b. monopolyo c. reforestation d. edukasyon
24. Ang batas na naglalayong magbigyan ng pagkakataong ang mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang
sakahan.
a. monopolyo b. reforestation c. Lingkurang Bayan d. CARP
25. Iisang kumpanya lamang ang may kontrol sa pagtustos ng isang produkto.
a. monopolyo c. reforestation
b. lingkurang Bayan d. korporasyon o kooperatiba

26. Nangangasiwa sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa kumunikasyon.


a. Department of Agriculture
b. Department of Information and Communication Trechnology.
c. Department of Public Works and Highway
d. Department of Transportation

27. Tungkulin na magparayo at magpalawak ng maaasahang Sistema ng transportasyon.


a. Department of Education
b. Department of Agriculture
c. Department of Transportation
d. Department of Public Works and Highway

28. Responsable sa pagkukumpuni sa mga silid aralan at iba pang pasilidad.


a. Department of Public Works and Highway
b. Department of Agriculture
c. Department of Transportation
d. Department of Education

29. Responsible sa pagpapanatili at pagsasaayos ng mga daan.


a. Department of Public Works and Highway
b. Department of Agriculture
c. Department of Transportation
d. Department of Education

30. Responsible sa pasilidad na patubig, farm to market roads at iba pa.


a. Department of Transportation
b. Department of Agriculture
c. Department of Education
d. Department of Public Works and Highway

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung hindi.
31. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng pangulo ng bansa.
32. Ang sangay ng tagapagbatas ay bonibuo ng dalawang kapulungan. Ito ay ang Senado at Kapulungan ng mga
Kinatawan.
33. Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga tao at ang kanilang mga ari-arian.
34. Ang pamahalaan ay may tungkuling pagyamanin ang kabuhayan ng mga mamamayan at kaunlaran ng bansa.
35. Maaari kang makahingi ng libreng gamot sa mga health center sa inyong pamayanan.
36. Sa pamamagitan ng Philhealth, maraming mga mamamayan ang nakapagpapagamot.
37. Upang mabawasan ang kahirapan ang ating pamahalaan ay nagkaloob ng maraming trabaho.
38. Ang pagpapataas ng antas ng agrikultura ay nagbibigay ng maraming hanapbuhay.
39. Ang modern at makabagong teknolohiya at imprastraktura ay isang paraan upang mapabilis ang pag-unlad ng
bansa.
40. Nagbibigay ng suporta ang pamahalaan sa mga magsasaka.
G O O D L U C K !

You might also like