You are on page 1of 2

Sanhi At Bunga

S = Sanhi, B = Bunga

1. S: Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng pera

B: kaya nakabili siya ng bagong kotse.

2. S: Si Andrea ay palaging maaga magising sa umaga

B: kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan.

3. S: Magaling mag-gitara si Ben

B: sikat siya sa mga kababaihan.

4. S: Araw-araw nag eensayo si Mark sa larong basketbol

B: siya ang naging MVP ng liga.

5. S: Mahilig kumain ng madami si George


B: di nag-tagal ay hindi na siya mag-kasya sa kanyang mga damit.

6.)
Palaging kumakaen ng matatamis si Grace

nabulok ang kanyang mga ngipin.

7.)
S: Palaging absent si Dennis
B: natanggal siya sa kanyang trabaho.
8.)
S: Mahilig manood ng telebisyon si Dennis ng malapit
B: lumabo ang kanyang mata.
9.)
S: Nabasa ng ulan si Maria habang pauwi galing sa eskuwelahan
B: nagkasakit siya nang gabing iyon.
10.)
S: Mabait si Roberto
B: kaya marami siyang kaibigan.

Bunga At Sanhi
1.)
B: Muntik malunod si Dennis
S: dahil mahilig siya magbida-bida habang naliligo sa dagat kahit na hindi
marunong lumangoy.
2.)
B: Hindi nagkakasakit si Juan
S: dahil mahilig siyang kumain ng mga masusustansiyang pagkain
3.)
B: Na-late si Noynoy sa kanyang meeting
S: dahil hindi dumating ang eroplano sa takdang oras.
4.)
B: Lumaking magalang at mabait si Bruno at Pedro sa mga ibang tao
S: dahil naging mabuting magulang si Mary at Mario.
5.)
B: Nanakit ang kanyang ulo
S: dahil sa sobrang bilis na pag-kain ng sorbetes.
6.)
B: Sobrang dami ng sasakyan
S: kaya palaging masikip ang mga daanan sa Maynila
7.)
B: Hindi madaling mainitan si Larry kahit tag-araw
S: dahil palaging maikli ang kanyang buhok.
8.)
B: Hindi nangangagat basta-basta ang asong si Bantay
S: dahil naturuan ito ng mabuti ni Tommy
9.)
B: Mabilis na tumaba si Eric
S: dahil magaling magluto ang kanyag asawa.
10.)
B: Madaling naubos ang pera ni Jeff
S: dahil mahilig siyang gumastos

You might also like