You are on page 1of 2

Dumako naman tayo sa susunod na batayang kaalaman at metodolohiya sa pananaliksik

Participant observation
Participant observation – ay isang uri ng etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan ng
antropolohiya at sosyolohiya.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at
maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa
lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad.
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa
komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang simpleng tagamasid o
observer kundi isa ring aktibong kalahok o participant. Pinapasok o pinagdadaanan ng mismong
mananaliksik ang papel o trabahong kaniyangpinag-aaralan.
Narito ang ilan sa mga elementong dapat isa alang alang sa paggawa ng participant observation:
1. ay ang antas ng pakikilahok
2. ang paraan ng pag-access sa pangkat
3. wikang ginagamit
Ang ilang mga instrumento upang maitala ang impormasyon na nakalap ay maaaring personal at
naglalarawang dokumento, salaysay, litrato at vidyo.
Ilan sa Halimbawa ng participant observation ay angaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa,
pakikipamuhay sa isang komunidad na pinag aaralan, pagsubok na maging isang magsasaka,
pagtatrabaho sa isang ospital o kaya’y pagdanas ng pagiging pasyente rito,pagsali sa isang relihiyosong
organisasyon at iba pa.
Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat tandaan ng mananaliksik sa
paggawa ng participant observation
Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na:
a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng paksang pinag-
aaralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya;
b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na ang mga hindi
gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na obserbasyon; at
c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano mang uri ng personal
biases at prejudices.
Nakikiugaling pagmamasid– ay isang bersyon ng participant observation. Mahalaga sa
nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang
komunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.
Ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant observation at nakikiugaling pagmamasid
aypawang mahahalagang pamamaraan sa panlipunang pananaliksik o pananaliksik na tumutugon sa
pangangailangan ng lipunan.
Kuwentong-Buhay
Kuwentong-buhay (life story) – ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng
talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang binibigyang-diin
sa kuwentong-buhay ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing,
pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng
pananaliksik.
May dalwang uri ang kwentong buhay
1. Komprehensibo
Pagtalakay sa buong buhay ng isang tao kung saan lahat ng detalye simula sa
kapanganakan nito ay ilalahad
2. Topical
Tumatalakay sa bahagi lamang ng buhay ng isang tao na hindi nakapukos sa
pangkabuuang detalye.
Sa pagsusuri ng kuwentong buhay, maaring hanguin ang mga impormasyon mula sa kasaysayan
ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries, awtobiograpiya, 0 biograpiya ng indibidwal.

You might also like