You are on page 1of 3

FLORANTE AT LAURA

PALIWANAG

1-22 / KAY SELYA


Inalala ni Balagtas ang naudlot na pagmamahalan nila ng kanyang mahal na si Selya. Siya ay
nababahala na baka nakalimutan na siya nito maging ang mga ala-ala ng kanilang pagsasama.
Ang pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Sa pag-
aakalang tuluyan ng nakalimot si Selya, siya ay nangulila sa pagmamahal at nagdusa.
Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan at sa mukha
ni Selya upang maibsan ng kahit na konti ang kanyang kalungkutan.
Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya, ang larawan na iyon ang tanging ala-ala niya.
Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay magkasintahan pa katulad ng ilog ng
Beata at Hilom, ang puno ng manga na gustong pitasan si Selya, at ang dagat na kanilang
pinagliliguan na ayon pa kay Balagtas ay inaagapan nila ito upang hindi maabutan ng alat ng
dagat.

23-28/ Sa babasa
Nagpapasalamat ang may akda sa mga babasa ng kanyang awit.
Ang awit na ito ay isa lamang kathang-isip ngunit may ibang nilalaman kung ito’y susuriin.
Ito’y maihahalintulad sa isang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kung ito’y
nanamnamin.
Pakiusap ng may akda na huwag babaguhin ang berso ng kanyang orihinal na akda at suriin
muna bago pintasan.
29-38 / GUBAT NA MAPANGLAW
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga halaman kung kaya’t hindi
makapasok ang pebong liwanag.
Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na mga sanga. May mga
gumagala na mga mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena, serpiyente, piton,
basilisko, at iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga taong magsisipunta doon.

 Mapanglaw – malungkot, malamlam, malumbay


 Masukal – madamong kapaligiran
 Pebong – araw na sumisikat
 Namimilipit – buhol-buhol
 Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
 Serpiyente – ahas
 Piton – sawa
 Basilisko – isang malaki at mukhang butiking hayop na nakamamatay ang hininga. Maari
ka ring mamatay kung titingnan mo ito sa mata

Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang isang lalaki na
nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa
rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.
Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at magandang
pangangatawan.
Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan at ang paglapastangan
sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo.
Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga masasama ay siyang itinataas at
ang mga makatuwiran naman ay ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga
panawagan ni Florante.
Talasalitaan:
 Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon ngunit hindi namumunga; fig
tree
 Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang sanga
 Nakagapos – nakatali
 Bakas – marka, palatandaan
 Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa ng kagandahan
 Sinasariwa – inaalala
 Paglapastangan – kawalan ng paggalang
Saknong 39-65
Nimfas – magandang Diwata
Harpias- babaeng may katawang ibon
Uyamin- maliitin
Pagkagulaylay -pagkahandusay
Kaliluan-kasamaan
Insenso- kamanyang panuob
Ilugami – talunan
Kalis- espada
Papamilansikin-maliitin
Ibulusok – ibuhos
Luhog- dalangin
Ipinangunguling- ipinagkait
Tatarok -makabatid
Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang isang lalaki na
nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa
rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.
Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at magandang
pangangatawan.
Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan at ang paglapastangan
sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo.
Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga masasama ay siyang itinataas at
ang mga makatuwiran naman ay ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga
panawagan ni Florante.

You might also like