You are on page 1of 1

Anak mayaman si Kurt ngunit naiiba siya sa ibang mayayaman dahil puro pamamasyal at pagpapasarap

lang ang kaniyang ginagawa. Mayaman ang mga magulang ni Kurt, sila ang pinakamayaman sa kanilang
baryo at bukod pa dito mayroon silang matagumpay na negosyo. Madamot si Kurt sa mga bagay na
meron siya at mahilig din siyang mang away ng kanyang mga kamag aral. Walang kaibigan si Kurt dahil
walang gustong makipag kaibigan sa kanya dahil panget ang ugali ni Kurt, ngunit walang siyang pakialam
basta ang sa kanya lang ay masunod at mabigay ang kaniyang mga gusto.

Isang araw, sa kanyang paaralan nabangga siya ng kaniyang kaklase ngunit ito ay hindi naman sinasadya.
“Bakit ba ayaw mo tumingin sa dinadaanan mo, gusto mo bang mabugbog!? “ ang ani ni Kurt, humingi
ng paumanhin ang kaniyang kaklase at nagpatuloy sa paglalakad ngunit nagtangka pa si Kurt gumanti
pag sila ay naguwian na. Pinatid ni Kurt ang kaniyang kaklase upang makaganti sa hindi sinasadyang pag
bangga nito sa kaniya. “Ay! Sorry hindi kita nakita, sobrang liit mo kasi”, ang sabi ni Kurt na parang
nangaasar pa. Maraming nakakita sa ginawa ni Kurt sa kaniyang kaklase.

Lumipas ang araw at dumating ang Sabado, nakita ni Kurt na nagiisip ang kaniyang mga magulang na
para bang may masamang nangyari. Si Kurt ay lumapit at tinanong ang kaniyang mga magulang,
“Kasalanan mo ito! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkaproblema ng ganito. Nagtaka si Kurt kung
bakit siya ang sinisi ng kaniyang tatay at dahil dito siya ay nagtanong kung bakit. “Anong bakit?! Hindi
mo ba kilala ang ipinahiya mo sa iyong skul, si Hinata Shoyo, siya ang anak ng isa sa pinakamalaking
kumpanya sa Pilipinas at isa sa ating mga kasosyo sa negosyo. ”. Nagulat si Kurt sa kaniyang narinig at
napaisip kung ano ang kaniyang pedeng gawin upang maayos ang problema.

Dumating ang Lunes, muling nakita ni Kurt si Shoyo at agad agad itong humingi ng paumanhin.
“Paumanhin sa aking nagawa, dahil hindi ko naman inakalang isa ka palang anak ng isang may ari ng
malaking kumpanya.”. Hindi ito tinanggap ni Hinata dahil hindi makatotohan ang kaniyang sinabi. At
dahil dito mas lalong ininsulto ni Kurt si Hinata. Nalaman ng magulang ni Hinata ang mga pangyayaring
ito, at dahil dito tumanggi na ang kumpanya nila Hinata sa pagiging kasosyo ng kumpanya nila Kurt na
maaaring maging dahilan sa pagbagsak ng kumpanya nila.

Nanglumipas ang panahon, ang kumpanya nila ay patuloy nang nalulugi at nawawalan ng empleyado. Si
Kurt ay napaisip sa kaniyang mga ginawa dahil sila ay lubusang naghirap mula ng mawala ang kanilang
mga kasosyo sa negosyo. Nang tumagal ay nagtanda na si Kurt at nagbago na para makabangon ang
kanilang negosyo.

You might also like