You are on page 1of 1

Ibong Adarna

(Buod)

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa


magkakapatid na sina Don Juan, Don
Diego at Don Pedro na pawang nagsikap
makuha ang mahiwagang Ibong
Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras
Platas sa Bundok Tabor.  Kailangang
makuha ang ibon upang mapagaling ang
kanilang amang si Haring Fernando na
noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang
gamutin ng karaniwang manggagamot.
Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon
ang makapagpapagaling lamang umano sa
sakit ng hari.  Sumapit na sila sa takdang
gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa
sinumang prinsipe.  Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok.
Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos
bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang
matandang ermitanyong nasalubong sa daan.  Binigyan din ng mahihiwagang
gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang
buhay ng kaniyang dalawang kapatid.  Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don
Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid.
Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon.
Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy
ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa
dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana.  Kahit ibig
pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya
sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.  Nagtagumpay muli si Don Juan,
nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit
niya.  Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na
naganap sa pagtataksil kay Don Juan.  Waring ginamit lamang itong instrumento
upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa
iba't ibang pook.

You might also like