You are on page 1of 1

Name: Peree Stiffany Tuloy

Grade and Section: 7-Manasseh

Ang Nasyonalismo Sa Pilipinas


Mahalaga ang Nasyonalismo dahil ito ay pagpapakita ng
pagmamahal sa bansa at mga kababayan natin dito. Ang
Nasyonalismo ay kailangan sa pag-unlad ng Timog at Silangang
Asya Habang tinitiyak nito ang pagmamahal sa sarili at ito ang isa
sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mamamayan.
Mahalaga ang nasyonalismo sapagkat ito ang paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal, pagkamakabayan at pagiging
makabansa.

Naitatalakay ang Nasyonalismo sa kwentong Ibong Adarna dahil


sa pagtatapos ng kwento, ay nag sama-sama sila at nagkaroon ng
kapayapaan ang kahariang Berbanya.
Isa pang dahilan ay ang pagmamahal nila sa kanilang bayan at
ang pagtutulungan nilang mahanap ang ibong Adarna para
gumaling ang kanilang ama na si Haring Fernando. Naipapakita
sa kwento ng Ibong Adarna na wala nang mas hihigit pa sa
pagmamahal ng anak sa kanilang magulang.

Bilang isang mag-aaral, maipapanatili ko ito sa pamamagitan ng


pagmamahal sa aking kultura. Maipapakita ko ang pagiging
nasyonalismo ko sa pamamagitan ng pagmamamahal at
pagpapakita ng katapatan sa bansa. Ang simpleng pakikilahok sa
flag raising at pagkakanta ng pambansang awit at panatang
makabayan ay nagpapakita ng nasyonalismo. Bukod pa rito, ay
ang pagpapahalaga sa mga aspeto o asignaturang bumubuo sa
ating bansa at ang mula sa pusong pakikipagpartisipasyon sa mga
aktibidad sa paaralan tulad ng buwan ng wika at iba pa.

You might also like