You are on page 1of 12

MGA TALA SA FILIPINO 9

IKATLONG MARKAHAN
_____________________________________________________________________________________
___

ARALIN 1 (MITOLOHIYA)
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
  Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying - dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay – ari ng
karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na
hindi nasusugatan nang anumang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay
mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at
Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na
naunang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna - unahang namuno sa Islam.
 Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa
Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya
ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng
mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng
mga tao, tumigil sila sa pag - awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng
pagpana. 
Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang
nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay
ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon
si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya. 

Alam mo ba na… 
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong
nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago,
2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin


1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y
mahusay na. Kumukonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng
dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang - kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng
awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod - sunod.
3.   Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat
ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat. 
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.
Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 
5.  Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

*Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan
sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
Pamantay sa Pagsasaling – wika
 Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa
tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. 
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa
orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay
ng kalituhan. Bigyang - pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
*Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang - alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng isang
mag - aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.
Wikang Ingles: Salin sa wikang Filipino:
Tea for the Heart Tsaa para sa Puso

 Drinking at least one cup of tea a day could cut the Ang pag - inom kahit isa man lamang tasa ng tsaa sa isang
risk of heart attack by 44 percent, according to araw ay maaaring mapigil ang atake sa puso nang
researchers from Brigham and Woman’s Hospital in apatnaput – apat na bahagdan ayon sa mga mananaliksik
Boston, the Harvard Medical School affiliated study mula sa Brigham at Women’s Hospital sa Boston. Ang
was recently presented at a Royal Society Medicine kasalukuyang pinagsanib na pag - aaral ng Harvard
conference in London. Researchers say that the health Medical School ay itinanghal sa pagpupulong na ginanap
benefits may probably be traced to powerful amounts sa Royal Society of Medicine sa London. Ang mga
of flavonoids in tea - natural substances that make mananaliksik ay nagsabing ang benipisyo sa kalusugan ay
blood cells make prone to clotting. Previous studies maaaring makita sa dami ng flavonoids sa tsaa - isang
suggested that drinking tea could be good for the likas na sangkap na tumutulong sa selula ng dugo upang
heart. The study evolved regular tea from black tea mabawasan ang pamumuo nito. Ang mga dating pag -
leaves, as opposed to green or herbal teas. Black tea aaral ay nagpapayo na ang pag - inom ng tsaa ay
contains more flavonoids . However, how much tea to maaaring mabuti para sa puso. Ang pag - aaral na ginawa
drink, and how much strong it needs to be brewed to mula sa regular na tsaa at sa itim na dahon ng tsaa,
get the greatest benefits is yet to established. Experts kontra sa berde o sa tsaang herbal. Ang tsaang itim ay
cautioned that tea is only part of regumin foe cutting naglalaman ng flavonoids. Samantala, kung gaano karami
heart attack risk. ang pag - inom ng tsaa at kung gaano katapang ang
kailangang pakuluan para makakuha ng napakagandang
benepisyo ay hindi pa napag - aralan. Ang mga dalubhasa
ay nagbabala na ang tsaa ay isang bahagi ng regumin
para sa pagkontrol ng atake sa puso.

ARALIN 2 (ANEKDOTA)
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at tagapayo siya ng mga hari
sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay
nagdudulot ng kasiyahan sa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng kaisipan at paniniwala na di-
makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mulla Nassr-e Din
(MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalala ng mga Iranian
na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. 
Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din
siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan
si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong
siya, “alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. 
Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si
Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras”
muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan
si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”
Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot, ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,”
kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin, “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t k ayo ang
magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

ALAM MO BA…
Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, naklilibang o patalambuhay na
pangyayari. Nagagamit din ito sa talumpati lalo na sa pagsisimula o sa pagwawa kaso kung may
puntos na nais bigyan ng diin ng tagapagsalita. 
analumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na
maaaring kapulutan ng aral.

              Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay nakakukuha ng
interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang
magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang
pagbasa ng anekdota.
 Narito ang ilang katangian ng anekdota.
 a. May isang paksa itong tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid
sa mambabasa. ‘Di dapat mag-iwan ng anomang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang
mangyayari. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang
isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay
totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – ang palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng
pagbuo ng salaysay.
 6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari

KASANAYANG PANGWIKA
 Ang panlapi ay isang morpema o pantig na ikinakabit sa salitang-ugat  upang makabuo ng isang
bagong salita o anyo ng salita. Maaaring Unlapi, Gitlapi at Hulapi.

ARALIN 3 (TULA)
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. 


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, 
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


 Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. 
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. 
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. 
Kamay na magpapasaya sa iyong ama. 
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: 
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
 Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa ‘yo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan. 
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, 
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. 
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, 
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, 
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.

Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, 


Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? 


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan. 
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, 
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay. 
Higit kang pagpapalain ng poon at iyong kawan. 
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
 Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” 
Ang poo’y di marapat na pagnakawan, 
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
 Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. 
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
 At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay 
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? 
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
 At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, 
Maging sa iyong halakhak. Paano ka pangangalanan, aking inakay? 
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? 


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay? 
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay? 
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan? 
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw. 
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. 
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian. 
Ngayon, ako’y ganap na asawa. 
Hindi na isang nobya, kundi isang ina. 
Maging maringal, aking supling na ninanasa. 
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki. 
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
 Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama. 
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak. 
Sa wakas, ako’y kahati ng kanyang puso, ina ng kanyang unang anak. 
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, 
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


 Samakatuwid, ako’y lumigaya. 
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. 
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay. 


Tuwinang gugunitain yaring kanyang palayaw. 
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan. 
Ikaw ang kanyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay. 
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. 
At ako ang ina ng kanyang panganay.
 Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. 
Ika’y mahimbing, Ako’y wala ng mahihiling.

SURIIN:
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa antas ng pagpapahayag ng damdamin, emosyon o
saloobin. Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin na may pagbigat o paglaki ng nararamdamang emosyon. Sa
makatuwid, ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa pagpapataas ng antas ng emosyon.
Halimbawa:
1. Inis – Asar – Galit – Poot
2. Paghanga – Pagsinta – Pagliyag – Pagmamahal
3. Pangamba – Kaba - Takot
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng
paggamit nito ng kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.

Halimbawa:
 1. butas ang bulsa- walang pera 
2. ilaw ng tahanan- ina
 3. kalog na ang baba- gutom 
4. alimuom- tsismis 
5. bahag ang buntot- duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw 


Marami ang tao’y sa salapi silaw?
 Kaya kung ikaw isa kang kapus-kapalaran
 Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)


Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang
pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.
Ang simbolismo naman ang naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay
na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman 
2. gabi- kawalan ng pag-asa 
3. pusang-itim- malas
 4. tanikalang-bakal- kawalan ng kalayaan
 5. bulaklak- pag-ibig
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto !
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at
nagsilbing susi sa kanyang pagtatagumpay.

ARALIN 4 (EPIKO)
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali

An Epic of the Old Mali


Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwang mangangaso na si Maghan Sundiata (Mari Djata) ay
magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na siya pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni
Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng kanyang pinaka-unang asawa na si Sassouma Bérété na si Dankaran Touma,
kanyang anak ang magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na si Sogolon
Kadjou, at sila ay naghirap. Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon ng baobab kaya nagpunta siya kay
Reyna Sassouma Bérété upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na bigyan siya ay pinahiya pa siya ni
Sassouma. 
Umuwi siya na puno ng kahihiyan at puot. Pagka-uwi ng bahay ay napagbuhusan niya ng galit ang kanyang
anak na si Mari Dyata. Pinangako naman ni niya na makakatayo na siya sa araw ding iyon, at di lamang dahon ang
dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at ugat ng baobab. Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na
panday ng kanyang ama, si Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay
natunghayan ng mga panday ang himala ng Diyos para kay kanya. Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa
pamamagitan ng kamay, siya ay lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang
itinaas ang kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana. Umawit ng
“Himno ng Pana” si Balla Fasséké habang lubos ang galak na nadama ni Sogolon nang nasaksihan ang unang hakbang
ng kanyang anak.

Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang buong puno ng baobab at
itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na yun ay lubos na paggalang na ang tinamasa ng kanyang
ina. Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang hukbo si Maghan Sundiata.
Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero at haring mananakop ng Sosso ay unti- unting
sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng Mali. Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may
kahinaan Sa kabilang banda, sa kagustuhang makapaghiganti ng pamangkin ni Soumaoro na si Fakoli, sumagpi siya
kay Sundiata. 
Sinabi nila Fakoli at Nana Triban sa kanya ang makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay ang pagdampi ng
tari ng tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi kay Soumaoro. Sa pagtatagpo ng dalawa,
itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may tari ng tandang, pag-atake, dumaplis ito sa balikat ni Suomaoro. Unti-
unting nanghina si Suomaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya gamit ang kanyang kabayo at nagtago.
Nagtago rin ang iba pang sofas ng Sosso. Di kalaunan, napabagsak na rin nila ang lungsod ng Sosso. Mula noon, si
Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at pinamunuan niya ang buong Emperyo ng Mali.
Alam mo ba… 
Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si
Djeli Mamoudou Konyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane. Isinalin niya ito buhat sa
Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles. Si Sundiata Keita
o Mari Diata (Mari Jata), ang bayani’t pangunahing tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang
magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong
Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang
pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon.

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Ito ay
tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na
punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang epiko ay galing sa salitang
Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at
bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.

Katangian ng Epiko Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:  
● Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao 
● Mga inuulit na salita o parirala 
● Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta 
● Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman,
hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 ● Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-
anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o
pag-aasawa.

Mga Elemento ng Epiko


 Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko: 
● Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay
ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas. 
● Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay ng direktang
kahulugan.
 Halimbawa: 
▪ Balat sibuyas – mahiyain 
▪ mapaglubid ng buhangin – sinungaling 
● Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo
ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa
banghay, paksa, at tauhan ng kwento. 
● Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang mga
kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan.
● Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng
mga pantig sa dulo ng salita. 
● Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na sukat na
sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig.

Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Damdamin


1. Pagpapayo at/o pagmumungkahi
 Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna 
 Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
 Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
 Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
 Higit na mabuting ito ang unahin mo.
 Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw na basura.

2. Pag-aanyaya o pag-iimbita/panghihikayat
- Halika, tingnan mo ito’t napakarikit
- Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
- Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
- Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay

3. Pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang  intonasyon sa pahayag) at/o pag-
aalala (may kasmaang inilalarawang sitwasyon)

Babalang may kasamang pananakot


 Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
 Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!
Babalang may kasamang pag-aalala
 Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
 Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak. 
4. Panunumpa at/o pangangako
- Pangako, hindi kita iiwan.
- Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
- Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
- Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.

5. Pagsang-ayon at pagsalungat
- Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
- Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating kinaharap.
- Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.
- Walang pakinabang na maidudulot iyan.
- Ikinalulungkot ko ngunit di iyang magbubunga ng positibo. 

Ang mga ekspresiyong ginamit sa pagpapahayg ng layon o damdamin ay maaaring pangkatin sa


sumusunod:
Salita/Parirala Matatalinghagang Pananalita Pang-ugnay Patanong/Tanong
Kung ako ikaw Itaga mo sa bato Mas Ano kaya?
Pangako Tamaan man ako ng kidlat Wala Puwede ka ba?
Sumpa man Pupulutin sa kangkungan Mali
Lagot ka Tama
Ganyan ang aking palagay Siguro
Inaanyayahan Higit/na
Mag-ingat kayo ngunit
Tingnan ang tinatahak

Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang
hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. Labing walong taong gulang noon si Okonkwo
nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo
mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang
katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa
kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa
ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging
buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para
patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. 
At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at
makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo. Dahil sa
kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna,
ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang
nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki
kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang. Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si
Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama
na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si
Okonkwo. 
Pinaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama
ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si
Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay
nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang
bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang
naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at
gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya
makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili
ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag
matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya
ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma,
anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng
kaniyang ama. 
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng
konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala
tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na
sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si
Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok
ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang
pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking
pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang
kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng
kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang
pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang
tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. 
Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng
mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni
Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula. Dumaan ang
dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni
Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan
kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay
Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. Hindi naglaon,
may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G.
Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-
diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan.
 Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging
iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na lpagsamba sa iisa lamang na
Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila.
Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon
ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu
ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina
Rev. Smith. Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang simbahan.
Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. 
Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng
pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia. Pagkatapos mapalaya ang
mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga
kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong
lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon
napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera. Dumating sa lugar ni
Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan
na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni
Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay
isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang
taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad
lamang siya sa isang inilibing na aso.” sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Pagkilala sa May-akda: 
Si Chinua Achebe ay isang Nigerian na manunulat at guro. Isinulat niya ang nobela dahil gusto niyang
wakasan ang stereotyping o paniniwala/panghuhusga ng mga taga-Europa patungkol sa katutubong
Afrikano. 
Uri ng Panitikan
- Ang akda ay isang halimbawa ng nobela. 
- Nakapaloob ang mga katangian ng isang nobela sa akdang “Paglisan” tulad ng maliwanag at maayos na
pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, malikhain at maguni-guni ang paglalahad at pumupukaw ng damdamin
ng mambabasa.
Layunin ng Akda:
Upang magbigay aral na maging matapang at dapat handa kang harapin kung ano ang naging bunga sa
ginawa mo.
Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:
1. Teoryang Formalismo - ang teksto ay pinapalooban ng mga matatalinhagang salita. 
2. Teoryang Sosyolohikal - masasalamin dito ang kalagayan at estado ng lipunan.
 3. Teoryang Humanismo - Makikita sa iba’t ibang bahagi ng teksto ang pagbibigay puri sa magiging
marangal na tao.
 4. Teoryang Realismo - Humahantong na minsan ang tao sa pagpatay sa kanyang kapwa para sa
sariling kapakanan.
 5. Teoryang Moralistiko - Masasalamin dito ang positibong pag-uugali at maging ang kagaspangan ng
ugali ng mga tao.

Tema o Paksa ng Akda: 


Ang paksa o tema ng akda ay ang labanan ng dalawang kultura at tradisyon, makikita ito sa kuwento kung saan may
mga misyonero na dumating at gusto palaganapin ang Kristiyanismo.
Mga Tauhan/Karakter sa Akda:
1. Okonkwo - matapang at respetadong pinuno na mula sa lahi ng Umuofia at siya’y nagpatiwakal dahil sa nagawang
kasalanan. 
2. Ikemefuna - inalagaan ni Okonkwo bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at
isang nayon. 
3. Obierika - ang matalik na kaibigan ni Okonkwo.
4. Ogbuefi Ezeudu – Ang nagbabala sa kaniya na huwag makialam sa pagpaplano ng pagpatay kay Ikemefuna

Tagpuan/Panahon:
Mbanta - dito nagtungo si Okonkwo nang siya ay ipatapon ng mga taga-Umuofia dahil sa kanyang ginawang
pagpatay kay Ikemefuna at sa anak ni Ogbuefi Ezeudu. Dinala ni Okonkwo dito ang kanyang buong pamilya at lugar
ito ng kapanganakan ng kanyang ina. Nanirahan dito sa Okonkwo hanggang sa siya ay pintawag sa Umuofia para sa
pagpupulong
Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari: 
Hindi karaniwan ang akdang ito kung iyong babasahin sapagkat kung babasahin mo ito at iintindihin, hindi
aakalin na magiging ganun kadilim at kamiserable ang buhay ni Okonkwo. Pinakilala siyang matapang at
resepetadong mandirigma sa simula at sa dulo, siya ay naging mamamatay tao at pinatawan niya ang
kanyang sarili ng kamatayan.
Mga Kaisipang/Ideyang Taglay: 
1. Maging matatag sa mga darating na pagsubok sa buhay. 
2. Huwag magpadalos-dalos sa gagawing aksyon. 
3. Harapin ang mga nagawang aksyon at huwag itong takbuhan.
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda: 
1. Ang akda ay ginamitan ng mabababaw na salita ngunit mayroon ding mga matatalinghagang salita na
nagpalito sa mga mambabasa. 
2. Gumamit ang may-akda ng simbolismo na nagpaisip sa mga mambabasa
Alam mo ba…
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan,
maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng
mga bansa sa Kanluran. Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng
mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika.
Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din
ang nakatulong upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa
mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang
kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung ano ang
nakaraan, lumipas, o naglaho na. Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria.
Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang
kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.
Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa atin ang
kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na
ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pagaalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa
kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping
bisita sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na
paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng
pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at
sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit sila ng mga
sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila
makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil
upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng
mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong suliranin.
 Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo bagama’t sila sa
maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito
sa nobela upang maipabatid na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga
Europeo.
Cowrie - Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at
paniniwalang panrelihiyon. 
Ekwe - Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na
may iba’t ibang uri at disenyo.
 Egwugwu - Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais
lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria. 
Ogene - Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria. 
Igbo - Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at
mangangalakal.
Nelson Rolihlahla Mandela
KAPANGANAKAN AT KAMATAYAN
Si Nelson Mandela ay isinilang noong Hulyo 18, 1918 sa Mvezo, South Africa. Namatay siya noong
Disyembre 5, 2013 mula sa isang paulit-ulit na impeksyon sa baga
PAMILYA
Si Nelson ay isinilang noong Hulyo 18, 1918 sa Mvezo, South Africa nina Nonqaphi Nosekeni (ina) at Nkosi
Mpha Kanyisiwa Gadla Mandela (ama). Siya ay miyembro ng Thimbu royalty at ang kanyang ama ay
pinuno ng lungsod ng Mvezo. Siya ay nangasawa ng tatlong beses. Napangasawa niya sina Ntoko Mase,
Winnie Mandela, at Graca Machel. Nagkaroon rin siya ng pitong anak na sina Makaziwa, Zenani,
Zindziswa, Josina, Madiba, Thembekile, at Makgatho.
EDUKASYON
Nag-aral siya sa isang mababang paaralan sa Qunu kung saan pinangalanan siya ng kanyang
gurong si Mdingane ng “christian name” na ‘Nelson’. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Clarkebury Boarding Institute at Healdtown. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa Kolehiyo ngFort Hare
at dahil sa kanyang pagsusumikap, nakapagtapos sa kanyang degree sa abogasya sa
Unibersidad ng Witwatersra
MGA TUNGKULIN AT NAGAWA
Si Nelson Mandela ay naging pinuno ng African National Congress. Sa simula, pinilit niya ang
mga kongreso at mga nagproprotesta na sundin ang diskarte na pangkarahasa ni Mohandas
Gandi. Sa isang punto, nagsimula siyang magduda na ang diskarte na ito ay gagana at nagsimula
sa isang armadong sangay ng ANC. Plano niyang bombahin sang ilang gusali. Nais niya rin
naming tiyakin na walang masasaktan. Dahil dito, inuri siya bilang terorista ng gobyerno kaya
nahatulan ng pagkakakulong. Ang kanyang sentensya sa bilangguan ang nagdala ng kakayahang
makita sa ibang bansa ang kilusang kontra-aparthela.
MGA TUNGKULIN AT NAGAWA
Noong 1990, nakalaya siya pagkalipas ng 28 na taon. Ipinagpatuloy ni Nelson ang kanyang
hangarin na pabagsakin ang aparthela. Ang kanyang pagsusumikap ay nagbunga nang ang lahat
ng lahi, kabilang ang “blacks” ay pinayagang bumoto sa halalan noong 1994 at siya ay nanalo
bilang pangulo. Sa kaniyang pamumuno, napanatiling kalmado at naiwasan ang digmaang sibil.
Noong 2009, idineklara ng United Nations noong Hulyo 18 na 'Nelson Mandela International Day'
bilang pagkilala sa mga ambag ng pinuno ng South Africa sa demokrasya, kalayaan, kapayapaan
at karapatang pantao sa buong mundo.

You might also like