You are on page 1of 1

Sa kasalukuyan, Filipino ang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.

Ang Pilipino naman ay


itinakdang tawag sa mga taong mamamayan sa Pilipinas kung saan ito ang tawag sa lahi natin. Ang
kasaysayan ng Filipino at Pilipino ay mahalagang malaman ng karamihan kung saan ito nagmula,
kung paano ito nagsimula, at kung ano na ito sa kasalukuyan.

Noong 1937, ginawa ni Pangulong Manuel Quezon ang kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na
nag-aatas na Tagalog ang wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Siya’y itinanghal na
“Ama ng wikang pambansa.” Sinimulan na rin ang pagturo ng wikang pambansa sa lahat ng
paaralan. Noong 1959, isinaad naman na Pilipino, ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa
panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos taong 1973 nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na
“Ang batasang pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino.” Nabago naman ito sa ilalim ni Pangulong Corazon C.
Aquino noong 1987 sa pamamagitan ng Artikulo 14 Seksiyon 6 na, “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.”

Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakanyahan upang magamit
ito sa pagkatuto sa mga Asignatura na itinuturo sa paaralan kagaya ng Matematika, Siyensiya at iba
pa. Magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral at
magagamit sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.

You might also like