You are on page 1of 1

10 Kahalagahan ng Pagbasa

 Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan, Napapaunlad din


ng pagbabasa ang ating likas na kaalaman. Nakakatulong ito upang mapalago
ang ating bokabularyo, bunga nito, mas gagaling pa tayo sa iba pang kasanayan
tulad ng pagsasalita at pagsulat.
 Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan Sa tulong ng pagbasa, nalalaman natin
ang tama at mali. Natututo tayong maging mapanuri at nalalaman natin ang mga
dapat ipaglaban.
 Isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating matutunan dahil isa ito sa
pinakamabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.
 Sa pamamagitan ng pagbabasa, nahahasa ang iba't ibang kasanayan ng isang
indibidwal.
 Napakahalaga ng pagbabasa ng isang indibidwal dahil ito ang tutugon sa
kanyang kaalaman sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, bansa
at iba pa na humubog sa kanyang pagkatao.
 Ang pagbasa ay isang paraan ng pagkilala at pag-asa sa mga nakalimbag na
simbolo upang matukoy ang kahulugan nito.
 Ang mga simbolo na ito ay mga titik na bumubuo ng iba't ibang salita. Kapag
nagbabasa, ang mga titik at salita ay makikita bilang isang nakasulat na simbolo.
 Sa tulong ng ating utak, maaari nating iproseso ang mga salita, pangungusap at
talata sa paraang nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang kahulugan ng
teksto at ang kahulugan nito.
 Nagsisilbing salamin upang makita at masuri ang sarili batay sa mga buhay ng
ibang taong kanilang nabasa
 Nagdadagdag ng kaalaman sa pagbabasa, nakakakuha tayo ng bagong
kaalaman. Dagdag pa, nakakatuklas tayo ng mga impormasyon na hindi pa natin
alam.

You might also like