You are on page 1of 2

Arvie Joy M.

Repuela BSE-Fil

Gay Linggo
Tulang “Mailah”

Kahit saan ka lumingon sa isang pampublikong lugar, makakakita ka ng


bakla. Kahit saang lugar ka man magpunta, may bakla. At kahit nakatayo ka lang sa
isang mall, nakatuon sa pinamimili, kahit hindi ka pa nakatingin, tenga lang ang
gana, alam mo nang may bakla.
Kung titignan lamang ang tulang “Mailah” ni Paul del Rosario, kinikilatis mo
pa lang, isang tingin mo pa lang, masasabi nan gang tulang ito ay pambakla, para sa
bakla, tungkol sa bakla o pananaw ng isang bakla. Dahil sa linggwaheng ginamit nito
sa tula na tinatawag ng karamihan ngayon na “gay lingguage” o “gay linggo”,
nagkaroroon na ng kaisipan ang taong titingin pa lamang sa anyo ng tula.
Ang tulang ito ay naisulat sa kasalukuyan o kontemporaryong panahon. Sa
panahon ngayon, mayroon na tayong tinatawag na LGBTQIA at hindi maaari pa
iyang magabago at madagdagan. Pasok sa banga ang mga bakla sa komunidad na
iyan. Sila ang mas dumarami sa kasalukuyan. Sila ang hindi na mapigilan sa
panganganak, sa pamumulaklak dahil sa panahon ngayon, mulat na ang mga tao sa
pananaw sa kung ano ang isang bakla. Isang bakla na nagbibigay ng malaking
ambag sa tinatawag na komunidad upang maging tanggap ng lipunan ay si Vice
Ganda. Mula sa kanyang magandang imahe sa telebisyon sa buong Pilipinas ay mas
lumalawig ang pananaw ng mga tao. Dahil sa kagandang loob nito, sa pagiging
matalino, sa galing nitong magpatawa at mamigay-aral, hulma na ang mga utak ng
ibang tao sa isang isip na ang isang bakla ay ganito. Sa tula, dahil nga ang mga isip
ng tao ay hulma na, mayroon nang kaisipan mula pa lamang sa pagtingin sa anyo ng
tula.

“Sholbog silang lahat, mama


Sa emote kong Dayanara
Sa national costume pa lang
Hitsura na’y Puerto Rican”

Mayroong wawaluhing taludtod bawat linya ang bahaging ito. May ibang
bahagi din namang wawaluhin at talaga nga namang madali at nakawiwili itong
basahin. Kagaya na lamang sa bahaging ito na nasa ikalawang saknong ng tula.
Mayroon itong tugma at mayroon ding sukat. Sa isang tula, maganda ang may sukat
at tugma sapagka’t nagiging kawili-wili itong basahin. Idagdag pa ang mga salitang
ginamit sa loob ng teksto, mas nagiging kawili-wili at katuwa-tuwa pa ito na siya nga
namang sumasalamin sa isang bakla – ang pagiging masarap nilang kasama.
Kung iuugnay naman ang pamagat nitong “Maila” na nangangahulugang
“may lawit pa” at ang anyo o porma ng tula ay magkaroroon na ng kaisipang ito ay
pambakla nga dahil sa panahon ngayon, mayroon nang mga baklang nagpapa-ayos
ng ari at mas tanggap na sila sa katawagang transgender. Dahil ang isang “may
lawit pa” ay nangangahulugang kahit rumarampa ito sa isang beauty contest at
nagmumukhang babae, ang katotohanan ay may ari pa rin ito ng ari ng isang lalaki.

You might also like