You are on page 1of 6

DALUBHASAANG COLUMBAN

LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

PAGSUSURI SA KWENTONG SANDAANG DAMIT


NI FANNY GARCIA

INIHANDA NI:
JAYSON L. DELA CRUZ
BSEd- Filipino

INIHANDA KAY:
EMILIA PADILLA- SANCHEZ. Ed. D

SA BAHAGYANG KINAKAILANGANG
PAGTUPAD PARA SA PROYEKTO SA
FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

DALUBHASAANG COLUMBAN,
LUNGSOD NG OLONGAPO

DISYEMBRE 11, 2020


DALUBHASAANG COLUMBAN
LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

I. A. Pamagat: Sandaang Damit


Ang paksa ng maiksing kwento ay tumutuoy sa pagkukunwaring ginawa ng isang
batang babae na siya ay mayroong sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang mga
kaklase.

B. May-Akda:
Ito’y isinulat ni Fanny Garcia na isinilang sa Malabon City noong Pebrero 26, 1949,
siya ay isang guro, manunulat (fictionist, essayist, sclriptwriter), editor, mananaliksik, at
tagapagsalin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman ng PHD sa
Malikhaing pagsusulat. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba
Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay
(1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay
Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga
manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature. Paulit-ulit
na nailathala sa mga librong panghayskul at kolehiyo ang mga maikling kuwento't
sanaysay niya. Nagkamit siya ng National book award, Cordero Research Award, at
Outstanding Book/monograph award in Filipino sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay
kasama ang Anak Kong Autistic.

II. Buod
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay
madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang
damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon ay kapiraso lamang
ng tinapay na madalas pang walang palaman.
Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang
kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na
lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon
kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.
DALUBHASAANG COLUMBAN
LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi
na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang
mga kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.
Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto
na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay.
Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga
disenyo ng bawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya.
Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng
mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian
pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon.
Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang
lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na
dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na
babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga at may sakit
pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding.
Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang
sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Ito ang Sandaang damit na pawang
iginuhit lamang sa papel.

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Ang Saandaang Damit ay isang maikling kwento na kung saan makikita at maaring
mabatid ang katangi tanging mahahalagang pangayayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang pangkat takdang panahon.
B. Estilo ng Paglalahad
Ang mailing kwento ay ginamitan ng pasalaysay at paglalarawan na paraan.
Isinalaysay ng may akda kung saan, kailan at paano naganap ang bawat pangyayari.
DALUBHASAANG COLUMBAN
LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Nakalitaw din ang paggamit ng paglalarawan kung saan inilarawan ng may akda
ang kilos at galaw ng bawat tauhan habang nagaganap ang bawat pangyayari.

C. Mga Saligang Reaksyon


C1. Teorya
A. Realismo
Makikita na ang bawat pangyayari sa kwento ay nangyayari sa totoong buhay.
Katulad na lamang ng batang babae na pumapasok sa paaralan na walang baon at
tila madalas natutukso dahil sa estadong panlipunan. Ang labis na kahirapan ang
siyang nagiging dahilan kung bakit tayo madalas nakakaranas ng diskriminasyon
maging sa paaralan at hindi pantay na pagtingin sa lipunan na ating ginagalawan.

B. Simbolismo
Ipinakita ang simbolismo sa akda sa pamamagitan ng sandaang damit na
pinanghahawakan ng batang babae na sumasagisag sa kanyang kasiyahan. Ang
sandaang damit ang naging susi upang matanggap ang batang babae ng kanyang
mga kaklase at ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng mga kaibigan.

C. Romantisismo
Ang kwento ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal ng ina sa kanyang anak.
mapapansin sa kwentong ito ang nararamdaman ng isang ina sa tuwing nasasaktan
o may masamang nangyari sa kanilang anak. Ipinapahayag rin dito ang
paghahangad ng mga ina ng nakabubuting bagay para sa kanilang anak.

D. Klasismo
Bagamat nakararanas ng kalupitan ang batang babae mula sa kanyang mga kaklase
mababatid na pinairal ng batang bata ang kanyang kabutihan at kailanman ay hindi
naisipan gumanti o gumawa ng masama sa kanyang kapwa.
DALUBHASAANG COLUMBAN
LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

E. Feminismo
Binibigyan ng diin ang pagiging matatatag at matapang ng batang babae bagamat
nakararanas siya ng hindi magandang mga karanasan sa loob ng paaralan. Gayun
din ang katangian ng kanyang ina na siyang nagtuturo na huwag gumanti dahil wala
itong magandang maidudulot.

C2. Mga Pansin at Puna


C.2.1. Mga Tauhan
a. Batang Babae- Ang pangunahing tauhan sa kwento na nakakaranas din ng
panunukso.
b. Mga Kaklase- Ang mga nanunukso sa batang babae
c. Ina at ama- Mga magulang at tagapag-alaga ng batang babae

C.2.2. Galaw ng mga pangyayari


Habang binabasa ang maikling kwento, mababatid natin na tila mabilis ang
galaw ng mga pangyayari. Mababatid na maayos ang banghay ng
pagkakasunod sunod ng banghay sa kwento at akma ang tagpuan sa bawat kilos
at galaw ng mga tauhan. Tila sa simula pa lamang ng kwento ay hitik na ito sa
paggamit ng mga paglalarawan sa bawat tauhan na siyang nagpapakilos naman
sa bawat mambabasa upang sundan ang daloy ng istorya sa kwento.

C.2.3. Bisang pampanitikan

a. Bisa sa isip
Natanim sa aking isipan na dapat kong ingatan at pahalagahan lahat ng
bagay na mayroon ako. Itinuro sa’kin ng kwento na hindi natin
kinakailangang sumabay sa dikta ng mundo, huwag natin baguhin o
itago kung ang ating pagkatao para lamang matanggap tayo ng lipunan
na ating ginagalawan.
DALUBHASAANG COLUMBAN
LUNGSOD NG OLONGAPO
KOLEHIYO NG EDUKASYON

b. Bisa sa damdamin
Nalungkot ako para sa batang babae dahil Sa kwentong ito, napilitang
magsinungaling ang bata dahil hindi na niya matiis ang ginagawang
panunukso ng kanyang mga kaklase. Ganun na lang din ang paghanga
ko sa batang babae dahil naging matatag siya sa laban ng kanyang buhay
gaano man kahirap ang kanyang pinagdaraanan.

c. Bisa sa kaasalan
Kumintal sa aking isipan na huwag natin agad husgahan ang isang tao
batay lamang sa kung ano ang nakikita natin. Ang bawat isa sa’ting lahat
ay may kanya kanyang problema na binibitbit at pinagdaraan kaya
naman ugaliin natin na maging mabuti sa’ting kapwa dahil walang
magandang maidudulot ang pambubuyo.

d. Bisa sa lipunan
Kung ito’y mababasa ng nakakarami, mauunawaan nila kung ano at
paano ang diskriminisasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan ng
dahil lamang sa kanyang panlabas na katayuan at katayuang panlipunan.
Hindi rin maganda na maghangad tayo ng mga bagay na masyadong
sobra-sobra.

You might also like