You are on page 1of 1

#83

Advocacy Journalism

Kahit Panandalian man Lamang


Punit-punit na kasuotan, payat na pangangatawan, maduming tingnan
at minsan lang makakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Sila ang mga
taong patuloy na nagsisikap maitaguyod lang ang pang-araw-araw na
pangangailangan, ang kapuspalad.

Mukha ng kahirapan, nakapalibot sa ating lipunan. May


magagawa ka ba upang ito’y masolusyunan kahit panandalian man lamang?

Tagpi-tagping bahay, maputik na kapaligiran, kayod-kalabaw na


hanapbuhay at ang gabi ay ginagawang araw upang sikmura ay
magkakalaman.

Wala silang maayos na pagkakakitaan sapagkat kulang sa tinatawag na


edukasyon o kaalaman. Simula’t sapol sa kanilang pagkamulat pasan na nila
ang daigdig.

Matagal na rin itong problema at umaasa lamang sa tulong ng ibang tao.


Nagbabakasakaling may maligaw at maambunan ang kumakalam na sikmura
panandalian man lamang.

Sa liblib na lugar sa bayan ng Makato dito sila nagtatago. Ni hindi man


lamang nakita ang mukha bayan.

Sila ay nagkakasakit sapagkat kulang sa gamot at sa pagkain. Sapat na


sa kanila ang kamoteng kahoy maitawid lang ang pang-araw araw. Wala silang
sapat na pera upang makapagkonsulta.

Nagkakaroon ako ng Dokumentaryo at handog pamasko bawat taon at


personal ko silang pinupuntahan sa kanilang dampang bahay maipaabot lang
ang aking munting aginaldo. Upang ganap na makatulong, ini-upload ko sa
social media ang video lakip na ang mga larawang-kuha.

You might also like