You are on page 1of 1

STUDENT 1: Nais ko pong hilingin ang buong atensiyon ng bawat isa.

Iyuko natin ang ating mga ulo at


damhin ang taimtim na presensiya ng ating Panginoon.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo, Amen.

Ama naming Diyos, Ikaw na may pangalang Pinakamataas sa lahat at pusong mapagpatawad, kami po ay
nananampalataya sa Iyo.

Maraming salamat po sa pagkakataong ito na ipinagkaloob sa amin upang kami ay magkita-kita kahit pa
kami ay nasa aming kaniya-kaniyang mga tahanan at boarding house.

STUDENT 2: Maraming salamat po sa mga mag-aaral at gurong aming kasama sa araw na ito. Maraming
salamat po dahil ang mga mag-aaral na nasa papupulong na ito ay patuloy Mong binibigyan ng lakas at
motibasyon upang magpatuloy sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Nawa'y bigyan Niyo po ang
bawat isa sa amin ng kalinawan ng kaisipan upang aming maunawaan ang anomang aminv mapag-
uusapan sa araw na ito. Gawin Mo pong handa ang aming isip sa pakikinig at pag-unawa.

STUDENT 3: Sa pabubukas ng bagong semestre, patuloy Niyo po sana kaming gabayan.

Mahirap man ang sitwasyon ng ilan sa amin, ngunit maraming salamat at lagi Ka pong nariyang upang
kami ay gabayan. Ipinapanalangin po namin ang matagumpay na pagsasakatuparan ng aming mga
ilulunsad na aktibidad para sa semestreng ito.

STUDENT 4: Patuloy Mo pong padaluyin ang pagkakaunawaan sa bawat isa sa amin

Na magawa po namin ng mahusay ang aming mga gawain. Kasama ang Iyong tulong at paggabay.

Ang lahat ng ito ay itinataas namin

Sa pangalan ni Jesus na ating Dakilang Tagapagligtas.

Amen.

You might also like