You are on page 1of 2

Don Rafael-honcierwayne

Kapitan Tiyago -marvin

Padre salvi-

Padre Damaso-

Alperes-aljon

Doña Consolacion-lovely

Utusan/tao-kahit sino

Narrator-lovely

Kausap ng alperes-kahit sino

Narrator: SI Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego dahil siya ang may-ari ng pinakamalawak na lupain. Sa
kanya lumalapit ang mga taong mahihirap upang humingi ng tulong pinansiyal.

Narrator: Dahil likas ang kabutihan ni Don Rafael, hindi siya nagkait ng tulong kailanman sa nangangailangan.

Narrator: Sa kabila nito'y nanatili ang kababaan ng kanyang loob at kawalang interes sa pulitika man o maging sa
paghawak ng anumang kapangyarihan.

Narrator: Higit siyang iginagalang ng mga mamamayan sa San Diego kumpara sa mga taong makapangyarihan
ngunit sa kabila nito'y ipinagwawalang bahala rin siya.

Narrator: Si Kapitan Tiago ay nabibilang sa mga taong mayayaman sa San Diego Sa tuwing siya'y umuuwi ng San
Diego, nagpapasalubong siya ng musiko sa kanyang pagdating o dili kaya'y kusa na siyang sinasalubong ng mga
taong may pagkakautang sa kanya. Ang mga taong nagpapalakas sa kanya ay panay ang pagbibigay ng regalo gaya
ng prutas, baboyramo o usa at maging ang magilas na kabayo ay nahihingi niya ng walang kahirap-hirap Sa kabila
ng pag-aakala niyang isa siyang makapangyarihang tao ng San Diego, mababa ang pagtingin sa kanya ng taong
bayan at lihim siyang tinatawag ng Sakristan Tiago. Itinuturing lamang siyang makapangyarihan dahil sa pagiging
malapit sa mga prayle at pagpapautang sa mga mahihirap Kahit tinagurian siyang kapitan, hindi iyon ang dahilan
upang isiping siya ay makapangyarihang tao sapagkat ang kapitan o ang gobernadorsilyo ay tunay na walang
katumbas na kapangyarihan sa gobyerno kundi tagatanggap ng utos mula sa itaas

Narrator: Ang bayan ng San Diego ay maihahambing.sa Roma pagdating sa paghawak ng kapangyarihan. Ang Papa
sa Roma ay ang kura sa San Diego Ang hari sa Italya ay ang alperes at mga guwardiya sibil sa San Diego. Ang
kasalukuyang kura ng San Diego na si Padre Bernardo Salvi ang isa sa itinuturing na makapangyarihan sa San Diego.
Isa siyang Pransiskanong pari na tahimik at kadalasang walang imik may kapayatan ang pangangatawan,
masasakitin siya at likas na palaisip maingat si Padre Salvi sa pagtupad sa kanyang tungkulin Iba ang kanyang
naging pamamalakad bilang kura ng San Diego kumpara kay Padre Damaso noong ito'y nanunungkulan pa
Binibilangan ni Padre Damaso ng palo ng tungkod o suntok ang mga nagkakasala samantalang si Padre Salvi ay
nagpapataw ng multa bilang parusa Higit na nag-iisip sa pagdedesisyon si Padre Salvi habang pinaiiral naman ni
Padre Damaso ang kapusukan. Ang kawalang hilig sa pagkain at madalas na pag-aayuno ang sanhi ng kapayatan ni
Padre Salvi at. Si Padre Damaso'y maganang kumain at napakahilig sa masasarap na pagkain.

Narrator: Ang alperes ay itinuturing ding makapangyarihan sa San Diego. Usap- usapang malas ito sa pag-aasawa
dahil sa bibig mismo ng alperes nanggaling na impiyerno ang makisama kay Doña Consolacion sapagkat mas
madalas na magkaaway kaysa magkasundo ang dalawa. Nakasanayan at karaniwang tanawin ang bugbugan,
hambalusan at paghahabulan nila sa kalye. Sanhi nito ay naging mabagsik ang alperes sa mga guwardiya sibil na
pinagsasanay niya sa gitna ng katirikan ng araw habang nasa lilim siya at nanonood. Madalas din ang kanyang pag-
inom at paglalasing na nagiging dahilan upang pagbalingan niya ng init ng ulo ang ibang tao gaya ng paninira niya
kay Padre Salvi.

Alperes: Kung pupunta kayo sa kura ay mag-iingat kayo lalo na kung magpapatimpla na siya ng tsokolate sa
kanyang utusan, minsan ay sabi niya sa kausap

Kausap: Bakit po, alperes? Nanlalason po ba ang kura?

Alperes: Kapag nag-utos siya sa utusan na magtimpla ng tsokolate, e, ito'y nangangahulugan na malapot Ngunit
kung ang sasabihin niya ay tsokolate, a, ang ibig sabihin nito'y malabnaw. Kung sabagay hindi naman kayo
nakakasigurong kayo'y aalukin ng tsokolate ng patpating kura."

Narrator: Nakakarating sa kura ang mga paninira at galit sa kanya ng alperes. Bilang ganti, sa tuwing nagsisimba
ang alperes ay ipinapasara niya ang pinto ng simbahan sa utusan at ginagawa niyang pagkahaha-habang sermon sa
pulpit inaantok ang lahat at tila sa labis na inis ay nauunang lumabas ang alperes.

Narrator: Kaawa-awa ang utusan ng pari dahil ito ang tumatanggap ng mga mura at hambalos ng alperes bukod pa
sa pagpapalinis nito ng kwartel sa buong maghapon at sa bahay nito. Sa kabila nito'y kapwa nagpapakita ng
kabaitan sa isa't isa ang alperes at ang kura sa tuwing nagkakasalubong Animo'y tunay na magkaibigan at
kadalasang nagkakamay at nagyayakapan Puno ng pagkukunwari ang kanilang mga ngiti.

You might also like