You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X
Sangay ng Bukidnon
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LIBONA
Crossing, Libona, Bukidnon

BANGHAY ARALIN
Paraang 4As

IKAAPAT NA KWARTER

Paaralan LIBONA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas GRADE 10


JESSEL C. GODELOSAO
Guro Asignatura FILIPINO 10
MAYO 24, 2023
Araw at Oras Unang Araw/Huwebes Seksyon THALES
10:05-10:45

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang
Pangnilalaman El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
Pagganap documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
C. Kasanayang Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa
Pampagkatuto biansang kabanata ng nobela. F10PT-IVb-c-83

Layunin Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang katulad


na akda, gamit ang napiling graphic organizer. F10PS-IVg-h-88

Natitiyak ang pagkamakato-tohanan ng akda sa pamamagitan ng


paguugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan. F10PB-IVh-i-92

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit


sa biansang kabanata ng nobela.
 Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang
katulad na akda, gamit ang napiling graphic organizer.
D. Estratehiya sa Pangkatang Gawain Picture Analysis 4 As Method
Pagtuturo Video Presentation
E. Midyum sa Pagtuturo FILIPINO ang gagamiting wika sa pagtuturo sapagkat ito an asignaturang
ituturo, at kung sakaling may mga salitang mahirap intindihin, ito ay isasalin
sa BISAYA.
F. Pilosopiya sa Pagtuturo Constructivism- Ang mag-aaral ay bubuo ng mga ideya sa kanilang
kaisapan upang ibabahagi ito sa klase.

II. PAKSANG ARALIN El Filibusterismo


Kabanata 23 – Isang Bangkay
Kabanata 24 – Mga Pangarap
Kabanata 25 - Tawanan at Iyakan

A. Kaugnay na Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao, English

B. Kagamitan Telebisyon, Laptop


C. Sanggunian Booklet ng El Filibusterismo at Youtube

III. PAMAMARAAN

A. Panimula Panalangin
(10 minuto) Mahal naming Panginoon, salamat po sa biyaya ng buhay. Salamat
po sa araw-araw na pagsama sa amin at ligtas kaming nakarating sa
aming paaralan upang makapag-aral. Naway ang lahat ng paksang
aralin at gawaing tatalakayin at aming gagawin ay aming
maintindihan at mapagtagumpayang gawin. Ingatan mo po kaming
lahat sa buong araw na ito. Hinihingi po namin ang lahat ng ito sa
ngalan ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas. Amen.

Pagtsek ng mga Liban sa Klase


 Ililista ng guro ang lumiban sa klase.

Alituntunin ng Silid-Aralan-
 Makinig kung may magsasalita.
 Itaas ang kanang kamay kung may nais itanong o sabihin.
 Sundin ang mga panutong ibinigay.
 Huwag magsalita nang sabay-sabay
 Magpakita ng respeto sa kaklase at guro.

Pagbabalik-aral
 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa paksang
tinalakay noong nakaraang pagkikita.

Pagganyak
 Papangkatin sa lima ang klase. Bubuuin ang isang puzzle sa
loob ng isa’t kalahating minute. Paunahan sa pagbuo ng
larawan at ang unang pangkat na matapos ay may
karagdagang limang puntos sa maikling pasulit.

Paglalahad ng Layunin sa Aralin


 Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na
ginamit sa binasang/pinanood na kabanata ng nobela.

 Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasa/napanood


na akda sa ilang katulad na akda, gamit ang napiling graphic
organizer.

B. Gawain (ACTIVITY) Pangkatang Gawain


(10 minuto)  Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kahulugan sa mga
salitang nasa hanay A. Pagkatapos ay gumawa ng
pangungusap gamit ang mga salita. Pumili ng isang
miyembro ng pangkat upang mag-ulat sa kanilang ginawa.

Hanay A Hanay B

 Apyan Pinagkaloob
 Himagsikan Naalala
 Lulan Rebelyon
 Sumagi Isang uri ng Halaman
 Iginawad Nakasakay
(Bibigyan ng mga mag-aaral ang kani-kanilang sarili ng isang
Dionisia Applause!)
C. Pagsusuri (ANALYSIS) Susuriin ng guro at mga mag-aaral ang ginawang gawain.
(5 minuto)
Ngayon may ideya naba kayo kung tungkol saan ang ating
tatalakayin ngayon?
 Pag-aalis ng Balakid
 Apyan-Isang uri ng Halaman
 Himagsikan-Rebelyon
 Lulan-Nakasakay
 Sumagi-Naalala
 Iginawad-Ipinagkaloob
D. Talakayan  Pagpapanood ng video clip sa kabanata 23, 24 at 25 ng
(15 minuto) nobelang El Filibusterismo.
 Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napanood na
video.
 Pagtukoy ng mga mag-aaral sa temang napanood.

(Mga tanong na maiuugnay sa ibang asignatura)


1. Bilang isang anak, sa anong paraan mo maipapakita sa iyong mga
magulang na kaya mong tuparin ang iyong mga pangarap sa buhay?
(Edukasyon sa Pagpapakatao)

2. Ano sa wikang ingles ang “Pangarap”? (English)

E. Paglalapat  Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat (Differentiated


(APPLICATION) Activities)

(20 minuto)  Panuto: Bawat Pangkat ay mag-iisip ng mga akda na kanilang


nabasa o napanood sa kasalukuyan na maaring ihambing sa mga
pangyayari sa Kabanata 23, 24 at 25 ng El Filibusterismo. Gumamit
ng iba’t-ibang uri ng graphic organizer sa paghahambing.
Pagkatapos ay iuulat ng bawat pangkat ang kanilang mga ginawa.

 Tapos na ang ginawang Gawain.

Paglalahat Sa tingin mo, ang mga kaisipang namayani sa mga kabanatang ating
(ABSTRACTION) tinalakay ay mapagkukunan kaya natin ng aral na kung saan
(5 minuto) magagamit natin sa ating pang araw-araw na Gawain.

 Bubunot ng mga pangalan ang guro para sasagot sa tanong.


 Sa naging talakayan natin ngayon, ipinakita lamang na ang mga
akdang ating tinalakay ay mayroong mga aral na ating makukuha
na kung saan ating magagamit sa kasalukuyan.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ikapito’t kalahati palang ng gabi ay wala nang mabiling
______________.
2. Sinang-ayunan ni Padre _________ ang kahilingan ng mga mag-aaral na
magtayo ng akademya.
3. Nang gabing iyon ay nagsadya si ________ sa bahay ni basilio upang
ipaalam ang gagawing himagsikan nang gabing iyon.
4. Kinabukasan, bago magtakipsilim ay naglakad si _______ patungo sa
Malecon upang kitain si Paulita.
5. Ilan ang mga binate ang nagsama-sama sa bulwagan ng pansiteria
macanista de buen gusto?

V. Kasunduan/Takdang Panuto: Bumuo ng isang tula na ang paksa ay tungkol sa pangarap. Agiyong
Aralin nabuong tula ay iyong ibabahagi sa klase sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni: Sinuri ni:

JESSEL C. GODELOSAO CHERRY PINK R. NAMOC


Guro Filipino Department Chairman

Noted by: Pinagtibay ni:

CORAZON B. LANGOT VERGILIA O. PANCHO, PhD.


Academic Head Principal 1

You might also like