You are on page 1of 2

Kabanata 58 – Ang mga Isinumpa

Sa labas ng bilangguan ay maraming tao.


Aling Doray: (iyak ng iyak)
Isang kakilala: Umuwi na kayo, ang inyong anak ay maaring lagnatin.
Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang
amang makapag-papaaral sa kanya.
Aling Tinay: (umiiyak din) Antonio! Antonio!
Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra.
Nasa paligid din sina Kapitana Tinay, ang guro, Nol Juan (Nagluluksa pagkat
ipinalalagay niya na namatay na si Ibarra)
Inilabas na ang mga bilanggo na nakahanay
Don Filipo – Nakagapos, nakangiting bumati sa asawa (Napahagulgol si Doray,
yayakapin sana ang asawa ngunit pinigil ng sibil)
Antonio – Parang batang umiiyak
Andong – Umiiyak din ng malakas ng Makita ang biyenang babae
Albino – Nakagapos din
Magkapatid na kambal – Nakagapos din
C. Ibarra – Hindi nakagapos, napapagitnaan ng 2 sibil, siya’y namumutla at
naghahanap ng kaibigan.
Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala!
Bakit hindi siya nakagapos?
Biyenan ni Andong: Bakit ang manugang ko na walang nagawang kasalanan ang
siyang nakaposas?
C. Ibarra: (may diin) Gapusin ninyo ako at gapusing mabuti, abut-siko.
Sibil: Wala pang utos sa amin.
Iginapos siya.. lumabas ang alperes at sampung guwardiya sibil.
Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak?
Tingnan ninyo ang kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama.
Galit ang mga tao..
Biyenan ni Andong: (pasigaw) Ikaw ang isang duwag!
Isang lalaki: (pasigaw) Habang ang iba’y nakikipaglaban dahil sa’yo, ikaw naman
ay nagtatago. Sumpain ka anwa!
Kamag-anak ni Albino: Sumpain ka! Sumpain ka! MAbitay ka sana!
Pagbasa ng narrator sa pahina 436

You might also like