You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Rizal
Distrito ng Montalban

BURGOS NATIONAL HIGH SCHOOL SORENTO EXTENSION


Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10 (Unang Markahan)

PANGALAN: ________________________________________________ PETSA: ________________________


BAITANG AT PANGKAT: ____________________________________ ISKOR: ________________________

PAGSUSULIT I (5 PUNTOS):
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangugusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugan na mga pangyayari sa daigdig mula sa ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyang panahon na
nakakaapekto sa ating kasalukuyang henerasyon.

A. Hinuha B. Isyu C. Kontemporaryo D. Paglalahat

2. Ito ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilalahad na larawan.

A. Opinyon B. Hinuha C. Sanggunian D. Katotohanan

3. Ito ay tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala, nakakaapekto, at maaaring makapagpabago
sa kalagayan ng tao at sa lipunang kaniyang ginagalawan.

A. Isyu B. Hinuha C. Paglalahat D. Kontemporaryo

4. Ito ay ang totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.

A. Sanggunian B. Isyu C. Katotohanan D. Konklusyon

5. Ito ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungo sa isang bagay para makabuo ng isang konklusyon.

A. Paglalahat B. Hinuha C. Isyu D. Konklusyon

PAGSUSULIT II (5 PUNTOS):
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ang mga ito ay naglalahad ng angkop na impormasyon.
Isulat ang salitang “FORDA TAMA” kung ito ay tama at “FORDA MALI” naman kung mali.

__________ 6. Ang paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa
lipunan ay isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
__________ 7. Ang suliranin sa solid waste ay tumutukoy sa basura na nagmumula sa tahanan at komersyal na establisimyento
at pabrika.
__________ 8. Ang Pilipinas ang nangunguna sa mga bansa sa daigdig na nagtatapon ng plastic o basura sa karagatan.
__________ 9. Ang illegal logging, migrasyon, mabilis na pagtaas ng populasyon, fuel wood harvesting, at illegal na pagmimina
ang dahilan ng deforestation ng bansa.
__________ 10. Kakaunti lamang ang hamong kinakaharap ng kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng ating bansa.
PAGSUSULIT III (5 PUNTOS):
Panuto; Tukuyin kung sa anong uri ng sanggunian napapabilang ang mga salitang nasa ibaba. Isulat ang “PRIMARYA”
kung ito ay tumutukoy sa primaryang sanggunian at “SEKONDARYA” kung ito naman ay tumutukoy sa sekondaryang
sanggunian.

__________ 11. Pahayagan __________ 14. Larawan


__________ 12. Aklat __________ 15. Dokumento
__________ 13. Encyclopedia

PAGSUSULIT IV (10 PUNTOS):


Panuto: Basahin ang bawat pangugusap at unawain kung ano ang tinutukoy ng mga ito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A. Hazard F. Disaster Management


B. Vulnerability G. Ondiz at Rodito
C. Disaster H. Resilience
D. Anthropogenic Hazard I. Carter
E. Natural Hazard J. Risk

__________ 16. Ito ay banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.


__________ 17. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
__________ 18. Ito ay ang mga hazard na dulot ng kalikasan.
__________ 19. Ayon sa kaniya, ang disaster management ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
__________ 20. Ayon naman kina __________, and disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang
mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
__________ 21. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
__________ 22. Ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
__________ 23. Ito ay ang kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
__________ 24. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing
pang-ekonomiya.
__________ 25. Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na `
__________.

PAGSUSULIT V (5 PUNTOS):
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa ibaba. At mula dito ay bumuo ng 5-8 pangungusap na talata ukol sa iyong
opinyon at pagkakaunawa ukol dito. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

26-30. “Para sa iyo, bakit mahalaga na magkaroon ng epektibong Disaster Management Plan
o paghahanda sa anumang sakuna, kalamidad, o hazard?

“Let all that you do be done in love.” – 1 Corinthians 16:14

Inihanda ni:

Ms. Ivy Mirzi P. Antipatia


Teacher II, Araling Panlipunan 10
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dibisyon ng Rizal
Distrito ng Montalban

BURGOS NATIONAL HIGH SCHOOL SORENTO EXTENSION


Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10 (Unang Markahan)

SUSI SA PAGWAWASTO:

1. C
2. A
3. A
4. C
5. B
6. FORDA TAMA
7. FORDA TAMA
8. FORDA MALI
9. FORDA TAMA
10. FORDA MALI
11. PRIMARYA
12. SEKONDARYA
13. SEKONDARYA
14. PRIMARYA
15. PRIMARYA
16. A
17. J
18. E
19. I
20. G
21. B
22. D
23. H
24. C
25. F

26-30. Essay Checking

You might also like