You are on page 1of 10

Guro MARITES B.

VILLAGRACIA Asignatura Araling Panlipunan


Oras at Petsa ng Pagtuturo Mayo 29, 2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na
pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa
Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto  Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
AP7TKA-IIIc1.7
 Naipaliliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
AP7TKA- IIId-1.9
D. Mga Tiyak na Layunin 1. Naibibigay ang kahulugan ng Nasyonalismo at ang mga
uri nito.
2. Natutukoy ang papel na ginampanan ng iba’t- ibang
personalidad sa paggising ng nasyonalismong damdamin
sa Asya.
3. Naisasabuhay ang iba’t ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Asya.
II. NILALAMAN Aralin 2: Pag- usbong ng Nasyonalismo at Paglaya ng
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya (Introduksyon)
III. MGA KAGAMITAN SA
PAGTUTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina ng Gabay ng Guro Araling Panlipunan (Manwal ng Guro) III. 2016 p. 154
2. Mga pahina ng kagamitang Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Kagamitang
Pang- Mag-aaral Pang mag-aaral) Pp. 226
3. Mga pahina ng Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula https://www.slideshare.net/GeraldIvanSotelo/
Sa portal ng Learning Resources nasyonalismo-10150704
https://books.google.com.ph/books?
id=u92ZR42UhpIC&printsec=frontcover&dq=pasibo+at+a
ktibong+nasyonalismo&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwi56Jq
dqLP9AhWdmlYBHZ-
dDMgQ6AF6BAgDEAI#v=onepage&q&f=false
B. Iba pang Kagamitan Laptop, speaker, larawan, tape, chalk, libro, sticky notes,
cartolina, manila paper
IV. PAMAMARAAN
1. Pagbati  Pagbibigay ng angkop na pagbati sa mga mag-
2. Pagtsek ng liban sa klase aaral.
3. Pagtsek ng Takdang- Aralin  Aatasan ng guro ang kalihim upang isulat ang
liban sa klase.
 Aatasan ang bawat lider ng pangkat na lagdaan
ang gawang paghahanda sa ibinigay na takdang
aralin ng guro.
 Habang ginagawa ito, ang guro ay maglilibot
upang papiliin ang bawat mag- aaral ng papel ng
gusto nilang kulay bilang paghahanda sa
pangkatang gawain.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
 Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng isang
at/o pagsisimula ng bagong laro. Ang laro na ito ay tatawagin nating,
aralin “HULARAWAN”. Ako ay magpapakita ng mga
larawan at inyong huhulaan at sasabihin kung
ano

ang nais ipabatid ng nasa larawan. Handa na ba


ang lahat?

 Kung gayon, simulan na natin. (Ipapakita isa- isa


ng guro ang mga larawan.)

SAGOT: PAGMAMAHAL/ PAG- IBIG SA BAYAN

SAGOT: PAGKAKAISA

SAGOT:
PAGMAMAHAL SA SARILING WIKA

SAGOT: PAGMAMAHAL SA KALIKASAN

SAGOT:
PAGGALANG SA BANDILA/ WATAWAT
B. Paghahabi sa layunin ng aralin  Ipapakita ng guro ang mga layunin sa araw na ito
upang malaman ng mga mag-aaral ang mga
inaasahan sa kanila sa pagtatapos ng aralin.
(Ilagay ito sa manila paper at ipaskil sa pisara)

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa  Base sa mga larawang aking pinakita at sa inyong
sa bagong aralin mga kasagutan, ano sa inyong palagay ang ating
tatalakayin sa araw na ito?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto GAWAIN 1 (HIMIG NG BAYAN)


at paglalahad ng bagong  Makikinig ang mga bata sa isang awitin na
pinamagatang, “BAYAN KO”. Pagkatapos nila
kasanayan #1
mapakinggan ang awitin, itatanong ng guro ang
mga sumusunod: (Indicator 1: Applies
knowledge of content within and across
curriculum teaching areas.) - Kasaysayan ng
Pilipinas sa Panahon ng Kolonyalismo; MAPEH
7 (Music)- Folk Songs)

o Ano ang inyong naramdaman habang


pinakikinggan ang awiting “Bayan Ko?”
o Ayon sa kanta, ano ang nangyari sa bansang
Pilipinas?
o Ano naman ang hinangad ng mga Pilipino sa
pagkakasakop ng ating bansa?
o Sa paanong paraan naman ito nakamit ng
ating bansa?
o Ano naman ang nag- udyok sa mga Pilipino
upang makipag- laban sa mga mananakop?

 Ano ang kinalaman ng NASYONALISMO sa ating


mga nakaraang aralin?

GAWAIN 2: KILALANIN NATIN !


 Ang guro ay mag pa-flash sa TV screen o kaya
naman ay magpapakita ng mga printed ng iba’t-
ibang larawan ng mga bayani ng Pilipinas.
Susubukang kilalanin ng mga bata ang mga ito sa
pamamagitan ng pagkompleto sa kanilang mga
pangalan at naging ambag nila sa ating bansa.
SAGOT: A_D_R__S B_N_F_C_O SAGOT: E_I_I_
J_C_N_O
SAGOT: L_P_- L_P_ SAGOT: J_S_ R_Z_A_L

SAGOT: J_A_ L_N_ SAGOT: M_L_O_A


A_U_N_

 Mga Tanong:
1. Ano- ano ang mga naiambag ng mga nasa
larawan sa ating bansa?
2. Sa paanong paraan naging magkakatulad sina
Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, at Lapu-
Lapu sa pagpapakita ng kanilang pag- ibig sa
bayan?
3. Paano naman naging magkakatulad sina Jose
Rizal, Juan Luna, at Melchora Aquino sa
pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa
Pilipinas?

GAWAIN 3: PANGKATANG GAWAIN


MAGKAKASAMA TAYO!

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


 Bawat pangkat ay bibigyan ng 10 minuto upang
paglalahad ng bagong kasanayan #2
makapaghanda at 3 minuto para sa presentasyon.
Bigyan ng pangalan ang inyong pangkat ayon sa
mga bayani na nabanggit sa itaas. (Indicator 3:
Applies a range of teaching strategies to
develop critical and creative thinking, as well as
other higher order thinking skills)
 Ngunit bago ko ibigay ang inyong gawain, mayroon
tayong alituntunin na kailangan sundin upang
maiwasan ang anumang kumosyon habang kayo ay
gumagawa ng gawain. May karagdagang puntos sa
bawat grupo ang sumunod sa mga alituntuning ito.
(Indicator 5: Manages learner behavior
constructively by applying positive and non-
violent discipline to ensure learning- focused
environments.)

Alituntunin sa Pangkatang Gawain


1.) Marahan na pumunta sa kanya-kanyang pangkat.
2.) Panatilihing maayos at malinis ang lugar na
nakatakda sa inyong grupo.
3.) Iwasan ang pagsasalita ng malakas upang hindi
makaistorbo sa kalapit na grupo at sa kapwa kagrupo.
4.) Kung ang inyong pangkat ay natapos bago ang
takdang oras, sikapin na maging tahimik o i-check ang
inyong gawa para maiwasan ang pag-iingay at
masiguradong maayos ang preparasyon sa
presentasyon.

 Pangkat 1: I-Kanta mo! (Iisip ng isang kantang


makabayan at itatanghal ito sa klase)

 Pangkat 2: I-Akting mo ang PASIBO at AKTIBO


(Bubuo ng dalawang sitwasyon ang isa ay
nagpapakita ng Pasibong Nasyonalismo at ang isa
naman ay Aktibong Nasyonalismo)

 Pangkat 3: Teksuri at Tala (Magbibigay ang


guro ng sipi ukol sa Kasaysayan ng Pilipinas at
babasahin nila ito, matapos iyon ay gagawan ng
timeline mula sa pagdating ng mga Espanyol
hanggang sa pag-usbong ng nasyonalismong
damdamin ang mga Pilipino.) (Indicator 2: Uses
a range of teaching strategies that enhance
learner achievement in literacy and numeracy
skills) - Pag-aanalisa ng sipi: Literacy,
Paggawa ng Timeline:Numeracy)

 Pangkat 4: Gamit ang Venn Diagram umisip ng


dalawang sitwasyon na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan. Ang isa ay Nasyonalismo
noon at ang isa naman ay sa modernong panahon.
 Narito ang pamantayan sa pagmamarka. Bawat
pangkat ay magbibigay ng kanilang marka sa ibang
pangkat (halimbawa: kung ang nagpapakita ng
kanilang presentasyon sa unahan ay ang pangkat 1,
tanging pangkat 2,3, at 4 lamang ang magbibigay ng
kanilang puntos. Kukunin ang kabuuan ng mga
naibigay na puntos ng bawat pangkat kabilang na
ang puntos na ibinigay ng guro at hahatiin ito sa 4
upang makuha ang pinaka marka ng pangkat.
Ilagay ito sa ¼ na bahagi ng papel). Tatawag rin ang
guro ng mag- aaral mula sa ibang pangkat na
magbibigay ng komento hinggil sa presentasyon ng
kanilang kaklase.

 PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

CRITERIA INDICATOR PUNTOS


Nilalaman Ebidensya ng 5
kaalaman sa
paksang gagawin
Presentasyon Mapagpahiwatig 5
ang mukha at
maganda ang
posture
Projection ng Malinaw at 5
Tinig malakas
Pagsunod sa Gumawa ng 5
Alituntunin naaayon sa
Alituntunin
Kabuuang Epekto Epekto sa 5
Audience
KABUUAN 25

Katumbas na Interpretasyon:

KATUMBAS NA KABUUANG
INTERPRETASYON ISKOR
Magaling 5
Lubhang kasiya siya 4
Kasiya-siya 3
Hindi gaanong kasiya- 2
siya
Dapat pang linangin 1

F. Paglinang ng Kabihasaan (tungo sa  Presentasyon ng bawat pangkat.


Formative Assessment)  Malayang talakayan sa pamamagitan ng mga
gabay na tanong.
1. Mula sa mga gawain natin ngayong umaga, ano
ang kahulugan ng Nasyonalismo?
2. Ano ang dalawang uri ng Nasyonalismo na
naipakita sa atin ng ating mga bayani?
3. Ibigay nga ninyo ang iba’t- ibang
manipestasyon ng nasyonalismo?
4. Bakit mahalaga na maisabuhay natin ang iba’t
ibang manipestasyon ng Nasyonalismo?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-  Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay


araw-araw na buhay ang damdaming nasyonalismo sa ating bansa?
(Indicator 1: Applies knowledge of content
within and across curriculum teaching areas.) -
Edukasyon sa Pagpapakatao- Birtud at
Pagpapahalaga)

 Makatutulong ba ang pagsasabuhay ng


damdaming nasyonalismo sa pamumuhay ng
bawat Pilipino? Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng Aralin  Sa ating pinag aralan ngayong araw, anu- ano


ang mahahalagang konsepto ang inyong
nalaman at natutunan?

 Sa modernong panahon na ito, kailangan pa ba


natin na magpa- baril sa Luneta upang
maipamalas ang ating pagmamahal sa bayan?
I. Pagtataya ng Aralin  EXIT PASS
Gamit ang sticky notes, ibigay ang kahulugan ng
nasyonalismo at gumawa ng isang COMMITMENT
STATEMENT o PAHAYAG NG PANGAKO kung
paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
bansang Pilipinas at ididikit ito sa cartolina. Pipili
ang guro ng mag- aaral na magbabasa ng kani-
kanilang commitment statement sa harap ng
buong klase. Gawing gabay ang pinakitang
halimbawa ng guro.

Ako si _______________________________ ay nangangako


na bilang isang Pilipino ay buong puso kong
aawitin ang Lupang Hinirang sa harap ng watawat
ng Pilipinas.

 Naisagawa ba natin ang layunin ngayong araw?

J. Takdang Aralin/ Karagdagang  Bilang paghahanda sa susunod na paksa, basahin


Gawain at unawain ang teksto hinggil sa “Nasyonalismo
sa Kanlurang Asya”, pahina 228- 229, batayang
aklat, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
(Literacy) Isulat sa kwaderno ang Timeline ng
kaganapan sa Nasyonalismo sa Kanlurang Asya.
(Numeracy)

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

MARITES B. VILLAGRACIA
Guro

You might also like