You are on page 1of 4

Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Kanlurang Asya:

Nasyonalismo – pagmamahal sa bayang sinilangan


Magkakaibang mukha ng nasyonalismo ang umusbong sa Kanlurang Asya. Ang isang mukha ay ang
pagtutol sa panghihimasok ng imperyalismong kanluranin upang ganap na makatayo sa sariling kakayahan
at maipagtanggol ang kalayaan at soberanya bilang isang bansa.
Ang pagkawasak ng imperyong Ottoman at ang paglawak ng pampolitika at pang-ekonomikong interes ng
mga kanluranin ang nagpaalab sa pagsibol ng nasyonalismo sa rehiyon.

Ginawa ng mga taga kanluran para sa pagkamit ng kalayaan:


Naglunsad ng mga kilusan para sa pagkamit ng ganap na pagsasarili na magpapatalsik sa mga
imperyalista sa kani-kanilang bansa.

Mga nanguna sa pagtatanggol ng kalayaan sa kanlurang Asya:


1. Turk o Trukish ng dating imperyong Ottoman
Namuno:
Koronel Mustafa Kemal – namuno sa mga makabansang Turkish at nagpaatras sa mga Greek
sa Turkish
Mainland.
-kauna-unahang pangulo ng bagong Republika ng Turkey, ang unang
republika sa
Kanlurang Asya
-nakilala sa pangalang Ataturk ,na ang ibig sabihin ay “ ama ng Turks.”
-nagtatag ng isang modernong estadong secular sa Turkey.

Mga ginawa:
a. Bumalangkas ng isang saligang batas
b. Pinaghiwalay ang batas ng Islam sa batas ng bansa
c. Binuwag ang religious courts
d. Bumalangkas ng isang bagong sistemang legal na batay sa mga batas-
Europeo
e. Pinagkalooban ang kababaihan ng karapatang makapag-aral, makaboto, at
makahawak ng posisyon sa pamahalaan
f. Tinanggal ang batas na nag-uutos sa mga kababaihan na magtakip ng belo
sa mukha
g. Inilunsad ang isang programa ng industriyalisasyon na pinondohan ng
pamahalaan at mga proyektong magpapalago at magpapaunlad sa
ekonomiya
h. Hinikayat ang mga Turks na magsuot ng kasuotang kanluranin,magkaroon
ng kanluraning edukasyon at ipinatupad ang paggamit ng Roman alphabet

2. Persians sa pangunguna ni Reza Shah Pahlavi


Nag-aklas laban sa namumunong dinastiya na naging sunod-sunuran sa mga dayuhan

Ipinatupad ni Reza Pahlavi


a. Nagpatupad ng mga patakaran para sa modernisasyon at sekularisasyon ng kanyang bansa na
pinangalanan niyang Iran noong 1935 mula sa pangalan nitong Greek na Persia.

Mga ginawa:
a. Nagpatayo ng mga paaralang pampubliko, kalsada, riles ngb tren
b. Isinulong ang pagpapaunlad ng industriyalisasyon
c. Pinalawak ang karapatan ng mga kababaihan
d. Isinulong ang westernisasyon ng Iran sa pamamagitan ng pagpapaunlad at pagpapalawak ng
edukasyon, at tinanggal ang pagsusuot ng belo ng mga kababaihan

3. Arabs na nilabanan ang mga muslim na Ottoman Turk sa pangunguna ni Ibn Saud
Hangad niya na mapag-isa ang iba’t ibang tribong Arab sa Arabian Peninsula.

Kaibahan ng Saudi Arabia sa pagbuo at pagpapaunlad bilang bansa kompara sa Turkey at Iran:
Istriktong sumunod sa mga batas at tradisyong Islamiko ang Saudi Arabia. Ang katapatan
sa pamahalaan ay nakabatay sa kaugalian, relihiyon at koneksyon ng pamilya .

4. Jewish nationalist movement na tinawag na Zionism na may layuning makapagtatag ng isang estadong
Jewish sa sinaunang Jewish homeland sa Canaan na kilala naman sa mga Arabs bilang Palestine

Sa pamamagitan ng Balfour Declaration , sinuportahan ng pamahalaang British ang pagtatatag


ng sariling bansang-estado ng mga Jew sa Palestine, habang iginagalang ang karapatan ng mga
naninirahang komunidad na hindi Jews sa lugar.Tinutulan ito ng mga Arab na matagal nang
naninirahan sa lugar .

Nobyembre 1947, nagpasya ang UN sa paghahati ng Palestine sa magkahiwalay na estadong


Jewish at Palestinian
at espesyal na international status para sa Jerusalem.
Mayo 14, 1948 – idineklara ng Israel ang kasarinlan nito bilang isang estado.

Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog Asya.


Sa pagsisimula ng 1800s, may ilan nang Indian ang nagsimulang manawagan ng
modernisayon at mas malaking partisipasyon sa pamamahala ng kanilang bansa.

Mga nagpasimuno:
1. Ram Mohan Roy – nanguna noong 1820 sa panawagan na pagwawakas sa mga
tradisyonal na gawain at kaisipan ng mga Indian gaya ng sistemang caste at “ arranged
child marriage”.
-may paniniwala na kapag hindi binago ng mga Indian ang mga
nasabing kaugalian, mag-papatuloy ang pagkontrol sa kanila ng mga dayuhan

2 kilusan na naitatag sa panahong ito:


a. Social reform movement ni Ram Mohan Roy
b. Indian National Congress/ Congress Party

 Parehong naniniwala sa paggamit ng mapayapang pagkilos para


maisulong ang kanilang mithiin.

Mga ginawa ng mga kasapi ng mga kilusan:


1. Nanawagan ng higit na demokrasya
2. Ipinaglaban ang higit na partisipasyon ng mga Indian sa serbisyo
sibil o pamamalakad ng pamahalaan
3. Higit na representasyon sa mga konseho sa pamahalaan

 Kalaunan, higit na naging radikal ang pagkilos ng National


Congress matapos ipahayag ng Pamahalaang British ang paghati sa
Bengal. Ayon sa pamahalaan, ang paghati sa Bengal ay
magbibigay-daan sa higit na madaling pamamahala sa lalawigan..
Subalit iba ang pagtingin ng mga makabansa, na ayon sa kanila ay
pagtatangka ito ng mga British na mahati ang populasyonng Hindu
ng Bengal.

Swadeshi – pagboykot ng mga produktong British

Paraan ng pagsasagawa ng swadeshi:


1. Hindi pagbili ng mga tela at damit na mula Btiranya at
panghihikayat ang pagsusuot ng mga kasuotan at pananamit
na likha lamang ng India
2. Nagsunog ng bunton o talaksak ng mga telang British
3. Inatake ang mga opisyal na British

 Sa simula magksama ang mga Indian na mga muslim at Hindu sa


pakikibaka para sa sariling pamamahala sa ilalim ng Congress
Party. Tinutulan ng mga kasaping muslim ang dominasyon ng mga
Hindu sa Congress Party. Naging mitsa sa paghihiwalay ng
Muslim League mula sa Congress Party ang planong paghati ng
Bengal sa dalawang probisyon noong 1906

Muslim League – may layuning maisulong at mapangalagaan ang interes ng mga Muslim
Muhammad Ali Jinnah – pinuno ng Muslim League

Pinaalab ang nasyonalismo ng India ng Unang digmaang Pandaigdig na noong una’y wala
silang pakialam.Mahigit isang milyong Indian ang sumapi at naging sundalo sa hukbong
militar ng Britain, kapalit ang pangako ng mga opisyal na British ng reporma sa mga Indian na
sa huli ay magreresulta ng “ self-government”, pero hindi tinupad ng mga British ang kanilang
mga ipinangako. Patuloy parin ang pagtrato sa mga Indian bilang mga “ second-class citizen”.
Dahil dito, ang mga radikal na nationalist ay nagsagawa ng karhasan para lantarang ipakita sa
mga British ang kanilang galit.

Mga pinagtibay ng Pamahalaang British para mapigilan ang kanilang mga pagkilos:
A. Rowlatt Acts – batas na nagbibigay ng permiso sa pamahalaan na ikulong ang mga
nagproprotesta nang hanggang dalawang taon nang walang paglilitis.

 Para iprotesta ang Rowlatt Acts, mahigit 10,000 Hindu at Muslim


ang nagtipon-tipon sa Amritsar, isang pangunahing siyudad sa
Punjab noong Abril 13, 1919

Resulta ng protesta:
Pinagbabaril ng mga sundalong British sa pamumuno ng
kumander na si Heneral Reginald Dryer ang mga Indian na
mapayapang nagpoprotesta. Mahigit 400 ang namatay at 1,100 ang
sugatan sa nasabing pangyayari.

Masaker sa Amritsar – tawag sa naganap na pagbabaril sa mga


nagpoprotesta sa Amritsar

Mohandas Gandhi – bagong pinuno ng Congress Party na namuno para


sa paghingi ng kalayaaan at nagbigkis sa lahat ng mga Indian anuman
ang kanilang uring pinagmulan

Mga paniniwala ni Gandhi:


1. Ahimsa o nonviolence ( satyagraha ) na karaniwang isinasalin
bilang “soul-force” O “ truth-force”.

Paano isinabuhay ang satyagraha?


Sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa mga batas na di makatwiran at Makatarungan at kusang-loob na
pagtanggap ng parusa na nakatakds sa bawat paglabag.

Mahatma – gtinawag kay Gandhi na ang ibig sabihin ay “ great soul”.

2. Civil disobedience o ang hindi pagsunod sa mga hindi makatarungang mga batas.

 Sa pagsasabuhay ng kanyang idea, pinanawagan ni Gandhi ang


mga sumusunod:
Tanggihan ang pagbili ng mga produktong British, pagpasok
sa mga paaralan ng pamahalaan, magbayad ng mga buwis na
sinisingil ng mga British, at pagboykot sa eleksyon.

Spinning wheel – simbolo ng mapayapang pagkilos para sa


pagbabago na pinasimulan ni Gandhi.

B. Salt Acts ( 1930 ) – sa batas na ito, ang mga Indian ay hindi maaaring bumili ng asin mula sa ibang mapag-
kukunan maliban sa pamahalaan na siyang may monopolyo nito.

-pagbabawal ng pamahalaan na makagawa ng sariling asin ang mga tao.

Salt March – sagot ng mga Indian sa Salt Acts sa pangunguna ni Gandhi.

Bunga.
1. Pinaaresto at pinakulong ng mga British ang mga sumali sa
protesta o Salt March.
2. Dahil sa pagbatikos ng daigdig sa marahas na tugon ng mga
British, pinagtibay ng British Parliament ang Government of India
Act, kung saan nagtatakda ito ng ng sariling pamamahala sa mga
lokal na pamahalaan at limitadong pakikilahok sa demokratikong
eleksyon.

 Sa Government Act na ito, muli na namang nabuhay ang isang


dating suliranin na tunggalian sa pagitan ng mga Hindu at Muslim
 Noong 1939, muling tumindi ang pakikibaka ng mga Indian laban
sa Britain, nang ikompromiso ng Britain ang hukbong sandatahan
ng India sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pamunmuno ni
Gandhi, isinagawa ng mga makabansang Indian ang “
noncooperation” sa mga British.
 Noong 1942, tinangka ng mga British na makuha ang suporta ng
mga makabansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangakong
pagbabago sa pamamahala matapos ang digmaan, subalit hindi
kasama ang independensiya sa kanilang pangako.
 Matapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Britain ay
naharap sa matinding pagkakalubog sa utang,kaya nagpasya ang
Britain na kilalanin na rin ang kalayaan ng India upang mabawasan
ang gastos nito sa pagpapanatili ng kolonya

Naging problema sa pagbibigay ng independensiya:


Sino ang dapat tumanggap ng kapangyarihan- ang mga Hindu o ang mga Muslim?

*Bunga ng nasabing problema ang malawakang riot sa pagitan ng mga Muslim at Hindu
Naging solusyon ng mga British sa problema:
Tanging partition ang seseguro sa pag-iral ng katahimikan at kaayusan sa rehiyon.

Partition – terminong tumutukoy sa paghahati ng India sa pagitan ng dalawang magkahiwalay na bansa ng mga
Hindu at Muslim

2 partition:
a. West at East Pakistan na tirahan ng mga muslim
Marso 26, 1971 – ang East Pakistan ay naging
Bangladesh at nagdeklara ng kanyang kalayaan
b. India – tirahan ng mga Hindu

Hulyo 16, 1947 – pinagtibay ng British Parliament ang


batas na nagbibigay ng independensiya sa Pakistan at
India

Enero 30, 1948 – nabaril at napatay si Gandhi ng isang


Hindu extremist

Agosto 15, 1947 – pormal ng ipinahayag ng Britain ang


kalayaan ng India at Pakistan

Jawaharlal Nehru – nahirang na kauna-unahang punong


ministro ng India
Kashmir – pinag-aawayang teritoryo ng mga Muslim at
Hindu

You might also like