Professional Documents
Culture Documents
4TH Quarter Aralin 1-4
4TH Quarter Aralin 1-4
FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN Una-
Ikaapat na Linggo
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una-Ikaapat na Linggo
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Manunulat: MA. EDNALYN C. REJANO, TII, POLO NHS; ZENAIDA M. ALOTA, Bagbaguin
NHS;
LORENZ IRAH J. AGUSTIN, T 1, Paso de Blas NHS; RACHEL T. GALOSO, T1, Justice Eliezer
DS NHS; CAMILLE JOY C. VALIMENTO, TII -Valenzuela NHS; GILSANNE I. MEMPIN, T1,
Malanday NHS.
Editor: GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator Tagalapat:
LR Illustrator
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino
3
Unang Linggo
Aralin Ibong Adarna
1 (Kaligirang Kasaysayan at Katangian ng
Korido/Awit)
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20)
- Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-18)
Subukin
A. Panuto: Piliin sa hanay B ang wastong kasagutan sa mga pahayag na nasa
hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Ayon sa kasaysayan sa anong A. 1949
bansa sinasabing nagmula ang Ibong Adarna? B. Don Juan
2. Taon kung kalian sinasabing
nakarating ang akdang Ibong C. Katolismo
Adarna sa bansang Pilipinas.
3. Ang Ibong adarna ay tinatawag D. Europa
din ___________ng mga Pilipino.
4. Siya ang masusing nag-ayos ng
Ibong
Adarna na kasalukuyang ginagamit sa paaralan. E. Leproso
5. Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando F.Panitikang Pantakas
at Reyna Valeriana.
6. Ang taong humingi ng makakain
kay Don Juan sa bundok Tabor. G.1610
7. Ang prinsesang inaalagaan ng
isang serpiyenteng palamara. H. Tabor
8. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga Kastila
sa bansa sa tulong ng akdang “Ibong Adarna”? I. Don Pedro
9. Bundok kung saan makikita ang Ibong Adarna J. Donya Leonora
10.Taon kung kalian inayos ni Marcelo P. Garcia
ang Akdang “Ibong Adarna” K. Marcelo P.
Garcia upang magamit sa mga paaralan.
Korido Awit
Tuklasin
A. Panuto: Magbigay ng isang paboritong akdang iyong nabasa at mga dahilan
kung bakit mo ito naibigan.
Mga dahilan kung bakit ito naibigan:
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
B. Panuto: Ibigay ang mga nawawalang salita sa pangungusap sa tulong ng mga
nakagulong letra.
Suriin
Basahin at unawain ang Kasaysayan ng Ibong Adarna na nasa inyong FB Group Page.
Pagyamanin
Gawain 1: Bilugan ang espada kung ang pahayag ay ayon sa kasaysayan ng IBONG
ADARNA at kalasag naman kung hindi.
1. Sinasabing ang Ibong Adarna ay nagmula sa bansang Europa.
2. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kilala kung sino ang tunay na may
likha ng Koridong Ibong Adarna.
3. Ayon sa kasaysayan ang Ibong Adarna ay dinala ng mga Amerikano
upang palaganapin ang Kristyanismo.
4. Ang Ibong Adarna ay mas lalong lumaganap sa Pilipinas dahil ito ay
ipinagbibili sa mga perya. At ito ay itinatanghal sa mga entabladong tulad
ng Komedya at Moro-moro.
6
5. Noong 1950 masusing inayos at pinag-aralan ni Marcelo P. Garcia ang
Ibong Adarna na ito ngayon sa kasalukuyan ang ginagamit sa mga
paaralan.
Batay sa Anyo
Musika
Paksa
7
Batay sa akda Batay sa kasalukuyan
Paghahanap sa
gamot na
panglunas sa
karamdaman
Isaisip
Panuto: Ibigay ang mga kulturang Pilipinong masasalamin sa ilang piling pangyayari
sa binasang sinopsis ng Ibong Adarna na may bisang pangdamdamin.
1. Nalungkot at tumamlay ang buong kaharian sa pagkakaroon ng malubhang
karamdaman ng kanilang pinunong si Haring Fernando.
Kulturang Pilipino:
___________________________________________________________
2. Unang inatasan sa paghahanap sa tangin lunas sa karamdaman ng Haring
Fernando ay ang panganay na anak na si Don Pedro.
Kulturang Pilipino:
___________________________________________________________ 3.
Pagnanais ng tatlong prinsipe na hanapin ang tanging lunas sa sakit ng amang
minamahal kahit ito pa ay kanilang ikapahamak.
Kulturang Pilipino:
___________________________________________________________
Isagawa
8
Tayahin
A. Panuto: Kulayan ang larawan ng Ibong Adarna batay sa
hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Sundin ang katumbas na kulay na nasa bawat
letrang pagpipiliian.
KULAY PAGPIPILIIAN
PULA A. Valeriana
DILAW B. Korido
ASUL C. Peryahan
BERDE D.Don Diego
KAHEL E. Medieval o Middle Ages
LILA F. Berbanya
ROSAS G.Mexico
KAYUMANGGI H.Ermitanyo
ABO I. Pura Santillan-Castrence
ITIM J. Marcelo P. Garcia
Mga katanungan:
1. Ang akdang “Ibong Adarna” ay isang halimbawa ng akdang pampanitikan na ____.
2. Ito ang panahon kung kalian nakilala sa bansang Europa ang mga tulang romansa.
3. Siya ang nagsabi na ang “Ibong Adarna ay hango sa kwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland.
4. Saan kadalasan ibinebenta ang mga sipi ng “Ibong Adarna” na naging dahilan din
upang lalong makilala ang akda ng mga Pilipino?
5. Ito ang kaharian na pinamumunuan ni Haring Fernando.
6. Siya ang nag-ayos ng sipi ng “Ibong Adarna upang higit na maunawaan ng mga
Pilipino at magamit sa mga paaralan.
7. Ang butihing Ina ng tatlong prinsipe at Reyna ng Berbanya.
8. Siya ay ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
9. Noong 1610, mula sa anong bansa nagmula ang akdang “Ibong Adarna” bago
makarating sa bansang Pilipinas?
10. Siya ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa bundok Tabor na
tumulong kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna.
9
B. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pahayag. Bilugan ang salitang nagpamali sa
pahayag batay sa kahulugan at kasaysayan ng Tulang Romansa.
1. Ang tulang romansa ay ginamit upang palaganapin ng mga Amerikano ang diwang
Kristiyano.
2. Nakarating sa Pilipinas ang tulang romansa mula sa Mexico noong 1620.
3. Sa tulang romansa ay karaniwan nagtatapos sa isang panalangin.
4. Nakilala ang tulang romansa sa Asya taong Edad Media.
5. Ang tulang romansa ay isang kwentong pasalaysay na karaniwang ginagalawan
ng mga mahal na tao.
Karagdagang Gawain
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna F7PS-IVa-b-18
Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna F7PU-IVa-b-18
Subukin
A. Punan ang patlang sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Ibong Adarna ay lumaganap noong panahon ng mga _______.
A. Espanyol B. Amerikano C. Hapon D. Intsik
2. Ang Ibong Adarna ay maaaring hinango lamang sa mga _______ mula sa ilang bansa sa
Europa.
A. Pabula B. Kwentong-bayan C. Alamat D. Epiko
3. Isang ______ ang Ibong Adarna dahil ito ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod
at apat na talutod sa bawat saknong.
A. Sanaysay B. Maikling Kwento C. Awit D. Korido
10
4. Tinatawag na _______ ang himig ng Ibong Adarna sapagkat ito ay mabilis bigkasin.
A. allegro B. andante C. soprano D. tenor
5. Ang mga tauhan ng Ibong Adarna ay mga _________.
A. mayayaman B. Maharlika C. pulitiko D. diyos
6. Naging behikulo ang panitikan gaya ng Ibong Adarna upang mapalaganap ang relihiyong
_______.
A. Pagano B. Katolisismo C. Islam D. Baptismo
7. Ang nangingibabaw na paksa sa Ibong Adarna ay _______.
A. Pangkapaligiran C. Panrelihiyon
B. Pangkalusugan D. Pampamayanan
8. Ang mga tauhan sa Ibong Adarna ay may _______ o kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.
A. malakas na isipan C. mahusay na sandata
B. kapangyarihang supernatural D. mayamang angkan
9. Ang Ibong Adarna ay isang anyo ng ___________.
A. Tulang Romansa C. Tulang Pasalaysay
B. Tulang Liriko D. Tulang Pantanghalan
10. Sinasabing ang Ibong Adarna ay itinuturing na ______________ sapagkat
pansalamantalang nalilibang ang kanilang mga isipan sa kanilang kinasasadlakang
kalagayan noong panahon ng mga Kastila.
A. panitikang pampamilya C. pan itikang pantakas
B. panitikang pangkalusugan D. panitikang pangkabuhayan
B. Hanapin sa loob ng kahon ang kaugnay ng mga pariralang nasa gawing ibaba
upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A.
kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang
pananampalataya.
B.
ito rin ay itinatanghal sa mga entablado na tulad ng komedya o moro-moro.
C.
sapagkat hiram lamang sa ibang bansa ang akdang ito.
D.
ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at
tugma ng bawat saknong.
E.
tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal at
mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya.
Balikan
A. Gamit ang dayagram sa ibaba, magbigay ng mga nalalaman mo ukol sa korido.
Isulat ang iyong kasagutan sa mga bahagi ng palasyo sa ibaba.
11
KORIDO
Tuklasin
Gawain 1. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng
sistematikong pananaliksik gamit ang graphic organizer. Piliin sa kahon sa ibaba ang
iyong mga kasagutan at isulat ito sa bawat baitang.
5
4
3
2
Suriin
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna
Kung uugatin ang kasaysayan, ang koridong Ibong Adarna ay maaaring halaw o nagmula
lamang sa ibang bansa. Ngunit sinasabi ng ibang kritiko na umaangkop naman sa mga
kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
Mahalagang mabasa ito lalong-lalo na ng mga mag-aaral sapagkat
masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino at
mga aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng mga
sumusunod:
• matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
• mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
• mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
• paggalang sa mga nakatatanda
• pagtulong sa mga nangangailangan
• pagtanaw ng utang na loob
• mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
• pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay
atbp.
12
Sanggunian: Pluma 7
Pagyamanin
Gawain 1: Isulat ang salitang SANG-AYON kung ang mga sitwasyon o pahayag ay
naaayon sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna at DI-SANG-AYON naman
kung hindi.
___________1. Si Lota ay nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanyang
natatanggap.
___________2. Tinulungan ni Lirio ang matandang babae na makatawid sa kalsada.
___________3. Inutusan si Mina ng kanyang ina na maghugas ng mga pinagkainang
pinggan ngunit padabog siyang sumunod sa utos nito.
___________4. Kinagigiliwan ng mga tao si Ismael dahil sa kanyang pagiging magalang at
mabuting bata.
___________5. Sa kabila ng mga itinulong ni Ada kay Maya ay nagawan pa rin siya nito ng
hindi maganda.
Gawain 2: Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kagandahang asal batay
sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng akda. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol
sa mga napiling larawan.
1 2 3 4 5
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 3: Iguhit ang bituin ( ) kung sumasalamin ang mga pahayag tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna at kidlat ( ) naman kung hindi.
_____1. Nahihikayat ang mga tao na gumawa ng mabuti sa kanilang kapwa.
_____2. Nakapagbibigay ng kalituhan at pangamba kung matutulungan ng Diyos sa mga
problema sa buhay.
_____3. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad o sakuna.
13
_____4. Kahit mahirap ang buhay ay nakangiti pa ring hinaharap ang mga pagsubok na
dumarating.
_____5. Pagsunod sa mga tagubilin at paalala ng mga magulang.
Gawain 4: Ibigay kung anong hakbang ng pananaliksik ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.
___________________1. Ilahad sa pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod
nito, ilagay ang mga layunin, itala o ilista ang mga tanong, at
pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
___________________2. Ito’y nagagamit natin kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Bukod dito ang balangkas/framework ng daloy ng
laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
___________________3. Ating tandaan na dapat hindi nating takdaan ang bilang ng
maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong minimum
sa pitong sanggunian.
___________________4. Ang paksang ito ay dapat may kaaalaman ka na, nakawiwili,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng kongklusyon.
___________________5. Tandaan na ang mga magkaparehas na paksa ay importante
dahil ang dating kaalaman sa mga nabasa ay mag bibigay ng ideya sa
manunulat.
Gawain 5: Tukuyin kung anong hakbang ng pananaliksik ang ginamit sa mga
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang iyong mga kasagutan sa loob ng kahon at isulat
sa iyong sagutang papel.
Isaisip
Panuto: Magbahagi ng sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna na masasalamin batay sa iyong pansariling karanasan.
Sarili: _______________________________________________
Magulang: __________________________________________
Kapwa: ________________________________
_____________
Isagawa
Tayahin
A. Panuto: Bilugan ang letra ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.
1. Ang ______ na pipiliin sa pagsasaliksik ay dapat na nakawiwili at makabuluhan.
A. paksa B. konklusyon C. dokumentasyon D. balangkas
2. Itala ang mga layunin at mga impormasyong nais na makuha sa paksang iyong
sasaliksikin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pansamantalang _______.
A. sipi o kopya C. konklusyon
B. balangkas D. paksa
3. Ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna ay malawak kung mas palalalimin pa
ang pag-aaral tungkol dito ngunit sa pamamagitan ng _________ay mas mapadadali
ito.
A. pangangalap ng datos C. Paggawa ng dokumentasyon
B. sistematikong pananaliksik D. Pagtatala ng sanggunian
4. Sa sistematikong paraan ng pagsasaliksik nararapat na itala ang mga ________ o
pinagkunan ng mga datos.
A. balangkas C. sanggunian
B. konklusyon D. paksa
5. Nararapat lamang na alam mo ang iyong __________ sasaliksikin upang maging kawili-
wili at may kabuluhan ito.
A. sipi o kopya C. konklusyon
B. balangkas D. paksa
6. Sa pangangalap ng mga datos, makatutulong ang __________ sa pagtatala ng mga
sanggunian.
15
A. gamit na papel C. kalendaryo B.
Index Card D. telepono
7. Kasama ang _____ na daloy ng laman ng pananaliksik sa magbibigay-linaw sa isusulat.
A. balangkas B. sanggunian C. paksa D. konklusyon
8. Gumamit ng mga _________ na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit
ng wastong pagbabantas.
A. balangkas B. sanggunian C. parentetikal D. konklusyon
9. Sa oras na matapos na ang lahat ng isang sistematikong pananaliksik ay maaari nang __.
A. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
B. Isulat ang balangkas ng pananaliksik
C. Isulat ang konklusyon ng pananaliksik
D. Isulat ang konseptong papel ng pananaliksik
10. Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian, ngunit gawin
itong minimum sa ________ sanggunian.
A. anim B. pito C. walo D. Siyam
B. Panuto: Isulat ang salitang KORONA kung ang pangungusap ay naglalahad
ng mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna at ESPADA kung hindi.
_______1. Pagiging isang makatarungan at mabuting pinuno sa mga mamamayang
nasasakupan.
_______2. Pagsunod ng mga anak sa tagubilin ng kanilang mga magulang.
_______3. Pagkalimot sa pagdadasal at paghingi ng gabay sa Diyos.
_______4. Pagkasilaw sa mga materyal na bagay gaya ng pera, alahas, luho at iba pang
nagdudulot sa tao upang gumawa ng hindi maganda.
_______5. Paggawa ng makakaya para sa mga mahal sa buhay.
Karagdagang Gawain
Alamin
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
______1. Siya ang panganay na anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana na unang
naghanap ng lunas sa amang may sakit.
16
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______2. Ito ang tawag sa puno kung saan dumarapo ang ibong nagbibigay lunas.
A. Pedras Platas B. Pieras Plata C. Piedras Platas
______3. Ilang ulit nagpapalit bihis ang Ibong Adarna?
A. Pito B. Anim C. Lima
______4. Anak na napanaginipan ng Haring Fernando na naging sanhi ng kanyang
malubhang karamdaman.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______5. Ito ang dahilan kung bakit nakakatulog ng mahimbing matapos makita ang Ibong
Adarna.
A. pagdumi ng ibon B. pag-awit ng ibon C. pagpapalit anyo ng ibon
______6. Tukuyin kung sino ang nakita ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
A. Matandang leproso B. Ermitanyo C. Mangangaso
______7. Ito ang bundok kung saan matatagpuan ang magandang puno na bahay ng Ibong
Adarna.
A. Sinay B. Tabor C. Platas
______8. Ito ang ibinigay ng Haring Fernando matapos mabatid na tatakas si Don Juan
kung hindi niya ito papayagan.
A. basbas B. parusa C. kondisyon
______9. Unang Prinsipeng nakatulog ng mahimbing matapos marinig ang awit ng Ibong
Adarna.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan
______10. Bilang ng pag-awit ng Ibong Adarnang natatangi.
A. Pito B. Lima C. Tatlo
B. Panuto: Tukuyin ang mga tauhang maaaring hindi kasama sa unang bahagi ng
akdang tatalakayin. Piliin ang iyong mga kasagutan.
Balikan
Panuto: Tukuyin kung sinong tauhan ng akdang Ibong Adarna ang hinihingi
sa bawat aytem. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Ibong Adarna Donya Juana Arsobispo
Haring Fernando Don Juan Ang Ermitanyo
Haring Salermo Don Pedro Don Diego
Donya Maria
Tuklasin
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan, ilahad ang mga suliranin at
magbigay ng mungkahing solusyon ang mga suliraning ipinakikita sa mga
larawan.
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
Suriin
18
SI DON DIEGO AT ANG AWIT NG IBONG ADARNA (saknong 081-109)
• Inutusan ng hari si Don Diego upang hanapin ang lunas at ang panganay na kapatid.
• Tinahak nito ng walang takot ang mga daan tungo sa Tabor.
• Tulad ni Don Pedro, namatay rin sa hapo ang kanyang kabayo.
• Nang makita na nito ang Piedras Platas, daho’t sangay kumikintab na parang ginto
hanggang sa ugat.
• Naisip nitong dito naninirahan ang Ibong hinahanap dahil sa ganda’y tila tala di makaakit
sa iba.
• Sa gabing malalim, dumating ang ibong hinihintay, prinsipen’y halos hindi makapaniwala
sa gandang taglay nito.
• Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna, si Don Diego’y napapikit at tuluyan naring
nahimbing tapat sa pagdumi rin ng ibon. Tulad ng kanyang kapatid siya rin ay naging
isang bato.
SI DON JUAN, ANG BUNSONG ANAK (saknong 110-161)
• Nainip ang Berbanya sa kahihintay at lumubha ang karamdaman ng haring Fernando
dahil sa labis ring pag-aalala.
• Kusa nang humingi ng pahintulot si Don Juan upang magpaalam at hanapin ang lunas at
mga kapatid na tatlong taon nang hindi bumabalik.
• Hindi gusting tulutan ng hari ang bunsong anak dahil lubos itong manghihina.
• Bagamat ayaw ng Hari dahil sa naging panaginip nito sa anak, sinabi nito na siyang
tatakas ng palihim kung hindi magagawang paglakbayain.
• Binigyan ng hari si Don Juan ng basbas at nagsimula nan gang maglakbay si Don Juan
baon sa haba ng paglalakbay.
• Lubos nan gang namanglaw ang kaharian sa kanyang pag-alis.
• Hindi tulad sa kanyang mga kapatid, hindi ito nagdala ng kabayo dahil alam nitong
maaari lamang itong mamatay sa pagod.
• Nang tanungin ng matanda ang pakay ni Prinsipe Juan ay sinabi nitong ‘’Malaki pang
kahirapan ang iyong pagdaraanan’’ at unti-unti nan gang ibinilin nito ang mga dapat
gawin sa pagsilay sa Kahoy na nakahahalina.
Sanggunian: Pluma 7
Pagyamanin
Gawain 1: Isulat ang tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng mungkahing
solusyon sa akda at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. Dapat sana ay hindi nagpalinlang sa ganda ng tinig ng Ibong Adarna si Don Diego.
_____2. Hindi dapat binigyan ni Don Juan ng tinapay ang matanda dahil sapat lamang ang
kanyang baon.
_____3. Si Don Juan ang nararapat na naunang naglakbay upang mahanap ang lunas.
_____4. Nagplano muna sanang mabuti sina Don Pedro at Don Diego sa mga haharaping
pagsubok bago tuluyang maglakbay.
_____5. Mas magiging mabuti ang kalagayan ng hari kung mananatili na lamang sa
kanyang tabi si Don Juan at hintaying ang naunang mga anak sa pagbabalik.
Gawain 2: Piliin ang letra sa ibaba na maaaring maging solusyon sa naging suliranin
sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____1. Hindi pagtatagumpay ni Don Diego na mahanap ang Ibong Adarna at sa panganay
nitong kapatid.
A. Dapat ay hindi na tumuloy si Don Diego dahil alam niyang maaaring matulad siya
sa kanyang kapatid.
B. Dapat ay sabay nang naglakbay si Don Pedro at Don Diego upang mahanap ang
Ibong Adarna.
19
____2. Sa lambing ng awit ng Ibong Adarna ang mga nakikinig ay napapapikit at tuluyang
nakakatulog ng mahimbing.
A. Dapat ay iniisip ng nakaririnig nito na isa lamang patibong ang magagandang
tinig ng Ibon.
B. Dapat ay hinuli agad ang Ibong Adarna nang makita pa lamang ito.
____3. Pag-abot-abot ni Haring Fernando na halos buto’t balat na tila naghihintay ng huling
oras.
A. Dapat ay ang pinakamahusay ng mediko ang hinanap kaagad upang hindi
umabot sa mas malalang kondisyon ang hari.
B. Dapat ay hindi hinayaang maglakbay si Don Juan upang hindi na lumala pa ang
karamdaman ng hari.
____4. Si Don Diego ay hindi na nakabalik sa palasyo matapos maging bato.
A. Dapat ay inisip nito ang natatanging kakayahan ng Ibong Adarna at kung bakit
naiiba ito sa ibang pangkaraniwang ibon.
B. Dapat ay lumayo ito, nang ang Ibong Adarna ay umaawit at pinagmasdang
mabuti ang susunod pang gagawin nito.
____5. Matagal ang naging paglalakbay ng magkakapatid bago tuluyang makarating sa
bundok Tabor.
A. Dapat ay nagpasunod ng kawal ang hari upang may tutulong sa mga ito sakaling
hindi na kayanin ang paglalakbay.
B. Dapat ay inalam nila ang mabilis na daan patungo sa bundok Tabor.
Gawain 3: Isulat sa loob ng kahon ang angkop na mungkahing solusyon sa nabasang
suliranin sa akda.
Natakot si Don Juan nang sabihin ng
matandang leproso na ‘’Malaki pang ___________________________ kahirapan ang
iyong pagdaraanan… Mag- ___________________________ ingat kang totoo at nang di
ka maging ___________________________ bato’’. ___________________________
Kung ikaw si Don Juan ano ang iyong ___________________________ gagawin upang
malagpasan ang pagsubok ___________________________ na kahaharapin?
Gawain 4: Isulat sa gilid na bahagi ng kahon ang negatibo at positibong dulot ng
maaaring maging solusyon sa suliranin sa akda.
___________lang ang dumapo dito. Kung ikaw si Don Diego ano ang iyong gagawin upang ___________
___________ mahuli ang Ibong Adarna? ___________
Gawain 5: Isulat ang iyong mga maaaring maging mungkahi o paalala sa mga
magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan bago sila sana tuluyang
naglakbay.
20
Gawain 6: Maglahad ng ilan sa mga suliranin sa akdang tinalakay at iugnay ang mga
ito sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Magmungkahi ng
angkop na solusyon batay dito sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba.
Isaisip
Ipinakita sa akda ang tunay na pagmamahal ng mga anak sa kanilang pamilya. Hindi
inisip ng magkakapatid ang panganib na maaari nilang kaharapin sa paglalakbay
upang mahanap ang nag-iisang lunas. Sa paglalakbay ng naunang dalawang
magkapatid, ipinakita rito ang kanilang kabiguang tinamo at nang ito nga ay naging
mga bato. Maaaring hindi nila ito naranasan kung:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Isagawa
Panuto: Isulat sa kanang bahagi ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
suliranin na dapat bigyang solusyon. Isulat naman sa ulap ang iyong mungkahing
solusyon.
Tayahin
21
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. Isulat ang OO
kung matatagpuan ang suliranin sa akda at HINDI kung hindi matatagpuan sa akda.
________1. Malubha ang sakit ni Reyna Valeriana kung kaya’t alalang-alala ang kanyang
Hari at mga Prinsipe.
________2. Namatay ang sinasakyang kabayo ni Don Juan dahil sa pagod nito.
________3. Nabighani nang lubusan si Don Diego sa tinig ng ibong umaawit dahilan upang
ito’y mahimbing.
________4. Bagaman wala nang sapat na baon si Don Juan ay nagbigay pa rin ito ng tulong
sa matandang leproso.
________5. Nakita ni Don Pedro ang ibong Adarna at tuluyan itong naging bato.
________6. Nagising nang takot na takot si Haring Fernando dahil sa isang bangungot
tungkol sa kanyang anak.
________7. Batid ng hari na tatakas si Don Juan kung hindi niya ito papayagang hanapin
ang lunas at ang mga kapatid nito.
________8. Nang umalis si Don Diego sa kaharian ay lubhang nag-alala ang hari sapagkat
si Don Diego ang nasa kanyang panaginip.
________9. Lumubha ang karamdaman ng hari dahil sa paghihintay at pag-aalala sa
kanyang mga anak.
________10. Namahinga muna si Don Pedro sa ilalim ng puno dahilan upang hindi
mapansin ang Ibong Adarna.
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga mungkahing solusyon sa mga suliranin
na nakalahad sa sumusunod na mga pahayag kaugnay ng akdang tinalakay. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
22
Karagdagang Gawain
Ikaapat na Linggo
Aralin Ibong Adarna
4 (Paglalahad ng Saloobin/ Damdamin na
Makapagbibigay ng Solusyon)
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyang solusyon F7PB-IVc-d-21
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela
o
serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay F7PD-IVc-d-18
Subukin
23
5. Ang mga sumusunod ay mga ARAL na namayani sa binasang akda maliban sa isa. A.
Ang pinakamalakas ng kakampi sa lahat ng pagsubok ay ang pananampalataya
B. Walang hihigit pa sa isang pamilyang nagmamahalan
C. Mahalaga ang pagtanaw ng utang na loob
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga naging kapuna-punang katangian ng
mga tauhan sa akda?
A. Don Juan B. Don Diego C. Don Pedro
7. Sa anong pangyayari sa akda mahihinuha ang suliranin sa kapangyarihan?
A. Pagkakaroon ng Hari at tagapagmana
B. Pagkainggit ni Don Pedro kay Don Juan sapagkat siya ang
napupusuang maging Hari ng Berbanya.
C. Hindi pantay na pagtingin sa magkakapatid na Prinsipe
8. Batay sa Ibong Adarna, ano ang nagiging resulta ng inggit at pagiging sakim?
A. Pagiging miserable sa buhay
B. Paggawa ng masama sa kapwa para sa sariling kapakinabangan
C. Pagdedesisyon ng hindi pinag-iisipang mabuti
9. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga suliraning isinasalamin ng Ibong Adarna sa
kasalukuyang panahon maliban sa isa.
A. Pag-aagawan sa Teritoryo B. Kasakiman C. Pantay na
Karapatan 10. Alin sa mga sumusunod na suliranin sa akda ang maihahahlintulad sa
mga suliraning pampamilya?
A. Sa pag-aasam ni Don Pedro ng trono na maging Hari ng Berbanya
B. Sa pagtataksil ni Don Diego at Don Pedro kay Don Juan
C. Ang pagpapalaya ni Don Pedro sa Ibong Adarna
B. Panuto: Tukuyin mula sa Hanay B ang damdaming ipinapahiwatig sa mga
pangyayari sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____11. Pagtawag ni Don Juan kay A. Kagalakan
Birheng Maria upang humingi ng tulong.
_____12. Pagpapalaya ni Don Pedro sa Ibong Adarna. B. Pag-ibig
_____13. Pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna. C. Pagmamakaawa
_____14. Ang paghingi ng tulong ng Ermitanyo kay Don Juan
_____15. Pagtatagpo ni Donya Juana at D. Pananampalataya
Don Juan sa balon. E. May masamang hangarin
Balikan
Tuklasin
24
GAWAIN. Gumuhit ng larawang sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
tumutukoy sa masayang pangyayari batay sa binasang buod ng Ibong Adarna, at
naman kung ito ay tumutukoy sa problema o suliraning nakapaloob sa binasa.
_______1. Dumalangin si Don Juan kay Birheng Maria upang gabayan siya sa paglalakbay
dahil nahihirapan na ito at nakadarama ng pagod.
_______2. Masagana at payapa ang kaharian ng Berbanya dahil na rin sa responsableng
hari na si Haring Fernando katuwang ang kaniyang asawang si Reyna Valeriana.
_______3. Nagkasakit ang Haring Fernando dahil sa isang masamang panaginip at walang
lunas dito kundi ang awit ng Ibong Adarna lamang.
_______4. Hindi na nakabalik si Don Pedro kung kaya’t sumunod na naglakbay ang
pangalawang anak na si Don Diego.
_______5. Parehong hindi handa ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa
paglalakbay at paghuli sa Ibong Adarna kung kaya’t sila ay naging taong bato.
Suriin
Ano ang SULIRANING PANLIPUNAN?
• Ang suliraning panlipunan ay isang pampublikong usapin, nakaaapekto ito hindi
lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing
lipunan.
• Ang suliraning personal naman ang mga isyung sinasabing nagaganap sa pagitan ng
isang tao at ilang malalapit sa kanya at maituturing rin ang isyung ito na pribadong
bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
• Ang akdang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga suliraning panlipunan na
hanggang sa kasalukuyang panahon ay laganap pa rin at walang solusyon.
• Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa isang linggo at
nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba man ang edad at kasarian.
Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.
Sanggunian: https://philnews.ph, 2019
Pagyamanin
Gawain 1: Itala ang mga suliraning kinaharap nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan
sa nabasang mga kabanata at magmungkahi ng iyong solusyon sa mga suliraning ito.
DON PEDRO DON DIEGO DON JUAN
25
SULIRANIN: SULIRANIN: SULIRANIN:
Gawain 2: Isulat sa loob ng kahon ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng Ibong
Adarna na sumasalamin sa mga isyung panlipunan na nakapaloob sa kahon.
ISYU: ISYU:
NAKABUBULAG ANG KASAKIMAN KASAMAAN AT
Pangyayari: Pangyayari:
KABUTIHAN
_________________________________ _______________________________
_____________________
____________ _______________________________
_________________________________
ISYU:
ANG PANANAKITKAPWA/KADUGO
SA DAHIL SA PANSARILING KAPAKANAN
Pangyayari:
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
Gawain 3: Suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay naglalahad ng suliranin o
solusyon.
__________1. Pananakit ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro sa kanilang kapatid na
bunso.
__________2. Pagpapatawad ni Don Juan sa kaniyang mga kapatid.
__________3. Pagliligtas ni Don Juan kay Donya Juana sa Higante.
__________4. Pinutol ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro ang lubid upang mahulog
si Don Juan sa balon.
__________5. Nagsinungaling ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa kanilang
Ama na hindi nila natagpuan ang kanilang bunsong kapatid.
26
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pamilya sa napanood na telenobela at sa
binasang bahagi ng Ibong Adarna?
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Gawain 5: Isulat sa loob ng kahon ang iyong saloobin sa mga pangyayaring
nakapaloob sa napanood na telenobela gayundin ang pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa akdang Ibong Adarna.
Telenobela/Serye Ibong Adarna
Saloobin/Opinyon Pagkakatulad Pagkakaiba
1. Ang Pamilya Ko
PANGYAYARI:
PAGHINGI NG TAWAD
NI PEACHY AT PERCY
2. My Special Tatay
PANGYAYARI:
PAGTATABOY NI
AUBREY KAY BOYET
3. GLAMOROSA
PANGYAYARI:
PAG-AAWAY NG
MAGKAKAPATID NA
PAULINA AT NATALIA
Isaisip
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangyayari sa akda at iugnay ito sa mga
suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Pagkatapos ay maglahad ng sariling saloobin
at damdamin hinggil dito.
1. Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong katotohanan.
Walang anu-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang
dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong
ipatapon.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:_______________________________________________________________
2. Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang
kaligayahan ng Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad
namang napawi ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
27
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:______________________________________________________________ 3.
Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang
buong katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw. Wala siyang
ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa ang buhay
at gumaling ang kanyang amang may sakit.
SULIRANIN:_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SALOOBIN:_______________________________________________________________
Isagawa
Panuto: Mag-isip ng isang awiting nag-uugnay ng iyong saloobin tungkol sa paborito
ninyong telenobelang napanood at iugnay ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng
Ibong Adarna. Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan nito sa dalawa at bakit ito ang iyong
napili.
Tayahin
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
______1. Ito ay tumutukoy sa isang pampublikong usapin, nakaaapekto ito hindi lamang sa
isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan.
A. Suliranin B. Suliraning Panlipunan C. Problema
______2. Paano binigyan ng solusyon ni Haring Fernando ang pagtataksil ng dalawa niyang
anak sa kanilang bunsong kapatid?
A. Pinatawan ng karampatang parusang pagpapatapon sa labas ng kaharian ang
dalawang prinsipe.
B. Pinatawad ito ng Hari at sinabing huwag nang uulitin.
C. Pinagalitan niya ang dalawang prinsipe at pinalayas sa kanilang kaharian.
______3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng mga isyung panlipunan sa binasang
bahagi ng Ibong Adarna?
A. Kasakiman at inggit sa kapwa
B. Bulag sa Kapangyarihan
C. Pantay na kalagayan sa lipunan
______4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na solusyon sa suliraning
panlipunan tungkol sa kasakiman?
A. Pantay na kapangyarihan at ari-arian
B. Pagtatakda ng mga krayterya sa kung sino ang karapat-dapat na tanghaling
makapangyarihan
C. Pananakit sa kapwa
_____5. Ano ang aral na nais iparating ng akdang binasa?
A. Iwasan ang inggit at pagiging makasarili
B. Ang tunay na kasiyahan ay mararamdaman sa iyong pamilya
C. Hindi lahat ng naisin ay makukuha at makakamtan natin
28
II. Panuto: Isulat ang letrang S kung ang mga pangyayari sa Ibong Adarna ay
sumasaklaw sa mga suliraning panlipunan sa kasalukuyan at SS naman kung hindi.
________6. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe.
Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig. ________7.
Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling
nagbalak ng masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan. ________8. Binalaan
niya si Don Juan na mag-ingat dahil may mabagsik na bantay si Prinsesa
Leonora, walang iba kundi ang serpyenteng may pitong ulo. Mahirap itong
makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay muling tutubo at mabubuhay.
________9. Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang
singsing. Habang bumababa ng balon ang prinsipe, biglang pinutol ni Don
Pedro ang pisi kung kaya’t nahulog ito.
_______10. Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa Leonora
na hindi siya maaaring ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may
panata.
Karagdagang Gawain
29