You are on page 1of 5

RO_MIMAROPA_WS_Health5_Q4

Health 5
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin: Mga Katangian at Layunin ng mga Pangunang Lunas


MELC: Naipaliliwanag ang mga katangian at layunin ng mga pangunang lunas.

Susing Konsepto

• Ang pangunang lunas ay karaniwang tinatawag na first aid. Ito ay ang pangunahing
tulong na ginagawa sa mga napinsala o nasaktan dulot ng disgrasya at karamdaman bilang
pampakalma at para maibsan ang sakit na nararamdaman ng mga biktima. Kadalasang
ginagawa ito ng mga pangkaraniwang tao na may kasanayan sa pagbibigay ng first aid
habang wala pa ang dalubhasang manggagamot. Pagkatapos malapatan ng pangunang
lunas ang pasyente, maaari na siyang dalhin sa ospital.

• Tatlong mahahalagang layunin sa pagbibigay ng pangunang lunas o ang tinatawag nating


3 M’s (H. Gatchalian, 2016):
1. Mapanatili ang buhay ng tao. Ang taong may malay ay may kakayahang mapanatiling
bukas ang daanan ng hangin samantalang ang taong walang malay ay walang kakayahang
magbukas ng daanan ng hangin para huminga. Sa tulong ng mga tagapagsagip (rescuer),
maaari nilang bigyan ng Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR ang biktima upang maalis
ang mga balakid sa daanan ng hangin.

2. Mababawasan ang kirot na nararamdaman. Kung mabibigyan ng pangunang lunas


habang hinihintay ang medikong atensyon ng doktor, mahalagang malapatan ng
pangunang lunas ang mga nakagat ng hayop, napaso, nalason at nasugatan. Ang
pagkakaroon ng kaalaman sa pangunang lunas ay malaking tulong upang maibsan ang
sakit na nararamdaman.

3. Maiwasan ang paglala ng dagdag na pinsala. Hindi maaaring basta na lamang buhatin
ang mga pasyenteng nabalian ng buto at nasa malubhang kalagayan. Nararapat lamang na
ang taong tutulong ay sumailalim sa isang aralin at pagsasanay nang tamang paglapat ng
pangunang lunas upang matiyak ang kaligtasan ng biktima.

• Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang-lunas ngunit ang kawalan ng sapat na kaalaman


ay maaring magdulot ng mas malubhang kapahamakan.

1
RO_MIMAROPA_WS_Health5_Q4

Gawain 1
A. Kulayan ng pula ( ) ang krus kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang kaisipan at itim ( ) kung
maling kaisipan.

1. Ang pangunang lunas ay ang unang tulong na ginagawa para sa mga napinsala o nasaktan ng isang
sakuna.

2. Ang pangunang lunas ay isinasagawa nang kahit na sinong tao.

3. Nadaragdagan ang kirot ng sugat dahil sa pangunang lunas.

4. Ang mga taong nais magbigay ng pangunang lunas ay nangangailangan nang sapat na pagsasanay.

5. Maaaring mailigtas ang buhay ng tao kapag binigyan ng pangunang lunas.

B. Panuto: Pagsunud-sunurin ayon sa iyong pagpapahalaga at isulat sa baitang ang tatlong layunin ng
pangunang lunas.

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagkakasunod-sunod ng mga layunin? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2. Alin sa tatlong layunin ang pinakamahalaga sa iyo? Bakit?


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

C. Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon.

Isang gabi, habang nagluluto ang iyong nanay ng hapunan nang biglang lumapit ang iyong
kapatid sa kalan. Napaso ang kamay niya kaya siya ay iyak nang iyak. Dali-daling isinawsaw ng nanay
mo sa malamig na tubig ang kamay ng kapatid mo. Ano ang layunin ng nanay mo sa pagsawsaw ng
kamay nito sa tubig? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2
RO_MIMAROPA_WS_Health5_Q4

Gawain 2
Panuto: Sagutin ng wasto ang mga tanong. Gawing gabay sa pagsagot ang pamantayan.

Bilang
ng Mga pamantayan at iskor sa pagsagot
aytem

Naipaliwanag ng wasto ang Naipaliwanag ngunit kulang Nakapagbigay ng sagot ngunit


sagot ang ideya hindi wasto
(3) (2) (1)
1
2
3
4
5

1. Ano ang pangunang lunas?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Mahalaga ba ang pangunang lunas? Bakit?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga layunin ng pangunang lunas?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Ano ang mangyayari sa taong nasaktan kung walang kaalaman at kasanayan ang taong magbibigay ng
pangunang lunas?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Nais mo rin bang matuto ng mga pangunang lunas? Bakit?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3
RO_MIMAROPA_WS_Health5_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1-A Gawain 1-B. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba

1. 1
2.
2
3.
4. 3
5.
1. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.
2. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.

Gawain 1-C. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.

Gawain 2
Nota: Nasa guro ang pagpapasya sa pagbibigay ng puntos.
1. Ang pangunang lunas ay karaniwang tinatawag na first aid. Ito ay ang pangunahing magagawang
tulong para sa mga napinsala o nasaktan dulot ng disgrasya at karamdaman bilang pampakalma at
pambawas sa kirot na nararamdaman ng mga biktima.
2. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.
3. Mapanatili ang buhay ng tao, mabawasan ang kirot na nararamdaman at maiwasan ang paglala ng
dagdag na pinsala.
4. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.
5. Ang kasagutan ay maaaring magkakaiba.

4
RO_MIMAROPA_WS_Health5_Q4

Sanggunian
• Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, Helen G. Gatchalian et.al, 2016, pp200-203
• http://firstaidtrainers.ca/qualities-good-first-aider

Bumuo ng Activity Sheets

Manunulat : Queency P. Catolico

Tagasuri : Sheryll P. Lopez


Mathel Kit L. Tuscano
Mark Jayson L. Riego
Emi G. Jadia

Tagalapat: Mary Joyce Monique S. Elegarco

Tagapamahala:
Roger F. Capa, CESO VI
Lynn G. Mendoza
Raquel P. Girao PhD
Elizabeth T. Delas Alas PhD
Ma. Rubynita Del Rosario

You might also like