You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna
BAYAN NG MAGDALENA
BARANGAY __MALINAO__

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 08

ATAS NA NAGTATALAGA NG ISANG “KASAMBAHAY DESK OFFICER”NG BARANGAY MALINAO

Sapagkat, alinsunod sa Batas Republika Bilang 10361, kilala sa pamagat na “Domestic Workers
Act” o Batas Kasambahay, ay nilagdaan noong ika-18 ng Enero 2013 at sa Implementing
Rules and Regulation nito, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na
maglabas na isang pamantayan ukol sa mga gagamiting pormularyo ng pag-rerehistro
(Registration Form) at batayan sa pagsasagawa ng malawakang pag-rerehistro sa mga
kasambahay;

Sapagkat, alinsunod sa inilabas na Part IV-B ng DILG Memorandum Circular No. 2013-61 na may
pamagat na “Guidelines on the Barangay Registration of Kasambahay pursuant to RA
10361 entitled An Act Instituting Policies for the Protection and Welfare of Domestic
Workers”, na ang Punong Barangay ay maglalabas ng isang Atas Tagapagpaganap na
nagtatalaga ng isang “Kasambahay Desk officer” na siyang aatasang mamahala ng
Kasambahay Desk sa Barangay;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, ako si ___IRENEO D. SUSANO_______, Punong Barangay ng Barangay
__Malinao_, Magdalena, Laguna, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng batas, ay ipinag-
uutos na:

Seksyon 1. Komposition

Itinatalaga si/sina MYLA L. SESGUNDO/ MICHELLE L. MENDOZA na maging Ksambahay Desk


Officer sa Barangay.

Seksyon 2. Tungkulin

1. Tumanggap sa dalawang (2) sipi ng nasagutan ng Kasambahay Registration Form (KR Form 1) at
kalakip ang Kontrata sa Paglilingkod sa Tahanan;

2. Suriin at pagtitiyak na kumpleto ang mga sagot/data sa mga pormularyo.

3. Tatakan ng petsa kung kailan natanggap ang mga pormularyo at lagyan ng registration control
number sa itaas na bahagi ng KR Form 1.

4. Bigyan ang employer o ang kanyang legal na kinatawan ng ikalawang sipi (duplicate) ng
Registration Form na siyang magsisilbing katibayan ng kanyang pagkarehistro.

5. Magtago ng sipi Kasambahay Registration Form 1 kalakip ang kontrata. Sila rin ang mag-rerekord
ng mga impormasyon tungkol sa kasambahay gamit ang Kasambahay Masterlist (KR Form 2).

6. Kapag ang kontrata ay ipinawalang bisa, katungkulan ng employer na ipaalam ito sa Kasambahay
Desk Officer para maiaayos (update) ang record.

Seksyon 3. Pagkabisa

Ang Atas Tagapagpaganap na ito ay magkakabisa ngayong ika- 01 ng __Hulyo_, 2018 sa


Barangay __Malinao_, Magdalena, Laguna.

_KGG. IRENEO D. SUSANO_


Punong Barangay

You might also like