Penote, Baby Jean Borres, Mary Joy Valiente, Trixie Anne Roa, Shaun Celedio, Khlych PAGNINILAY/REFLECTION Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon. Kaya tunay na mahalaga ang mensahe na nais mong ipaabot ay tiyak na malinaw. Magagamit natin ito sa ating pagsulat ng ano mang sulatin, paggawa ng isang hakbang na naglalahad ng proseso, at paraan o paano gawin ang isang bagay upang mas madaling maunawaan ng mga tagapakinig ang nais mong ipahatid.
Sa paksang ito ay ating natutunan kung paano nga ba
dapat magkakasunod-sunod ang isang pangyayari at kung paano gamitin ang mga hudyat ng pagsusunod-sunod. Natutunan din natin ang tatlong uri ng pagkakasunod-sunod o tinatawag nating order. Ito ay ang Kronolohikal, Sikwensiyal, at Prosidyural.
Ang Kronolohikal ito ay ginagamitan ng taon, oras o araw
upang maghayag ng pagkakasunod-sunod na pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Ang pangalawa naman ay ang Sikwensiyal, ito ay ang magkakaugnay na pangyayari o magkakakonektang pangyayari. Ito ay gumamagamit ng hudyat na una, pangalawa, pangatlo, susunod, pagkatapos atbp. Ang magandang halimbawa nito ay ang ating pagpasok sa paaralan. Ang pangatlo at huling uri naman ay ang Prosidyural, ito ay ang mga hakbang kung paano gagawin ang isang bagay. Gumagamit ito ng hudyat na una, pangalawa, susunod, pagkatapos atbp. Ang halimbawa nito ay kung paano magluto ng itlog.