You are on page 1of 10

sssss

Republika ng Pilipinas

TARLAC AGRICULTURAL UNIVERSITY

College of Arts and Sciences

“ PANANAW NG MGA ESTUDYANTE NG


BS DEV.COM SA PAG-ALIS NG
ASIGNATURANG FILIPINO SA
KOLEHIYO SA TAU. ”
Ipinasa nina:

Agustin, Kenedy D.

Arroco, Clarisse Anne Amigo

Del Rosario, Jennette De Leon

Espiritu, Razel Mondala

Fabros, April Everlyn Lucero

Lanuza, Jodel Anne Nebria

Paler, Karen Joy Ubaldo

Ipinasa kay:

Gng. Janet Mangrobang-Ladao

Marso 2021
A. Introduksyon o Panimula

Ang kasarinlan at kalayaan na ipinaglaban ng ating mga ninuno mahigit 100 taon na ang nakalilipas ay
ating nagagamit sa araw-araw kahit na hindi ito nabibigyang-pansin. Karamihan sa ating mga Pilipino
hindi alam na ang wikang Filipino bilang kaluluwa ng bansang Pilipinas ay kumakatawan sa pagiging
malaya natin mula sa mga dayuhan. Mula noon hanggang ngayon, isa ito sa mga malalaking bahagi ng
ating pambansang pagkakakilanlan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang
hinaharap. Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon subalit sa pamamagitan ng wika,
naipapabatid pa rin ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at ang kanilang mga plano o adhikain
sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o
maaaring matuto sa nakalipas na nakaraan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o hindi
naman kaya’y para maituwid ang mga dating pagkakamali.

Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin.
Katunayan, taong 2018 inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang Memorandum Order
No. 20 o ang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies.” Batay sa memorandum na ito, hindi na ituturo ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo
kapag naipatupad na ang programang K to 12. Tinalakay ng nasabing memorandum ang pagpasok ng
General Education Courses sa Grade 11 at 12 kung saan kabilang dito ang Filipino.

Ngunit ayon sa isang panayam, inihayag ni David Michael San Juan, propesor sa departamento ng
Filipino sa De La Salle University, at isa sa mga pinuno ng Tanggol Wika, sinabi niyang nanganganib na
bumaba ang kalidad ng wikang pambansa kapag inalis ang asignaturang Filipino sa mas mataas na antas
ng edukasyon. Ayon sa kanya bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ganap na intelektwalisado o
nagagamit sa iba’t ibang larangan at upang maging ganap ang inteletwalisasyon nito, nararapat lamang na
pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas lalo na sa kolehiyo.

Kaya naman nabuo ang pananaliksik na ito upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng
Batsilyer ng Agham sa Kasanayang Pangkomunikasyon ukol dito.
B. Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda
ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang malaman ang pananaw ng
mga mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Agham sa Kasanayang Pangkomunikasyon ng Tarlac
Agricultural University sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Nang matuklasan at mabatid ang ginamit na instrumentong pananaliksik ay maasahan at may sapat na
batayan, ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot at pagsang-ayon mula sa mga mag-aaral na
sakop at saklaw ng pag-aaral na ito.

Ang sarbey-kwestyoner ay ipinamahagi sa 20 na mga mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Agham sa


Kasanayang Pangkomunikasyon ng Tarlac Agricultural University noong Marso 2021. Matapos
ipamahagi ang sarbey-kwestyoner ay dumaan ito sa proseso ng pagta-tally at pagkuha ng porsiyento
upang maibuod o malagom ang mga datos na nakalap.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon o datos mula sa iba’t-ibang hanguan tulad ng
mga tisis at internet.

C. Diskusyon at Resulta

Sa isinagawang sarbey, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga kasagutan na kinakailangan sa pag-
aaral na ito. Ang mga sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng distribusyon ng mga respondante
ayon sa kanilang kasarian at tally ng kabuuang kasagutan ng mga respondente.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

KASARIAN

Lalake
35%
Babae
65%

Ipinapakita sa unang talahanayan ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian. Sa


dalawampung (20) respondente, animnapu't limang porsiyento (65%) sa kanila ay babae at tatlumpu't
limang porsiyento (35%) naman ay lalaki.

Talahanayan 2

Bilang isang mag-aaral ng BS Dev.Com, papayag ka ba kung sakaling


ipatanggal ang asignaturang Filipino sa ating departamentong College
of Arts and Sciences?
Oo
Hindi

100%

Makikita naman sa talahanayan na ito ang lebel ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga
mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Agham sa Kasanayang Pangkomunikasyon ng Tarlac Agricultural
University kung nararapat bang tanggalin ang asignaturang Filipino sa departamentong College of Arts
and Sciences. Sa dalawampung (20) respondente, isandaang porsiyento (100%) ang nagsabi na HINDI
sila sang-ayon kung sakaling ipatanggal ang asignaturang Filipino sa ating departamentong College of
Science and Arts. Batay sa datos na nakalap, kapansin-pansin na lahat ng mga respondente ay hindi
sumasang-ayon kung sakaling tanggalin ang asignaturang Filipino sa aming departamento.

Talahanayan 3

Sa tingin mo, magagamit ba natin ang mga matatalakay sa asignat-


urang Filipino sa pagdating ng panahon?

5%
Oo
Hindi

95%
Makikita naman sa grap na ito kung naniniwala ba ang mga respondente na magagamit nila ang mga
matatalakay sa asignaturang Filipino sa pagdating ng panahon. Sa dalawampung (20) respondente,
isandaang porsiyento (100%) ang naniniwala na magagamit nila ang matatalakay sa asignaturang Filipino
sa pagdating ng panahon samantalang sero (0%) para sa hindi.
Nangangahulugan lamang ito na malaking bagay ang naibabahagi ng asignaturang Filipino sa mga
mag-aaral na magiging daan nila sa pagharap sa bagong bukas at sa pang araw-araw na pamumuhay.

Talahanayan 4

Bilang isang mag-aaral ng BS DEV. Com na lumaki at naninirahan sa


Pilipinas, dapat mo pa bang pag-aralan ang asignaturang Filipino?

Oo
Hindi

100%

Sa talahanayan 4 makikita ang distribusyon kung sumasang-ayon o hindi ang mga respondente na pag-
aralan ang asignaturang Filipino. Sa dalawampung (20) respondente, isandaang porsiyento (100%) ang
nagsabi na sumasang-ayon silang pag-aralan ang asignaturang Filipino samantalang sero (0%) naman ang
hindi sumasang-ayon.
Nangangahulugan lamang ito na naniniwala ang mga respondente na nararapat lamang na pag-aralan
ang asignaturang Filipino dahil ito ay may mabigat na importansya sa paglinang natin sa sariling wika at
higit sa lahat sa pagpukaw sa kamalayang maka-bansa.

Talahanayan 5
Dapat bang huwag na nating bigyang-pansin ang asignaturang Fil-
ipino?

Oo
Hindi

100%

Sa talahanayan 5 makikita ang distribusyon kung nararapat bang huwag gawaran ng pansin ang
asignaturang Filipino. Sa dalawampung (20) respondente, isandaang porsiyento (100%) ang nagsabi na
nararapat itong bigyang pansin samantalang sero (0%) para sa hindi.

Nangangahulugan lamang ito na hindi maiaalis sa mga Pilipino kasama na ang mga mag-aaral
ang magbigay-pugay sa ating wika at kultura. Isa sa patunay nito ang pagbibigay-pansin ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino

Talahanayan 6

Napapalawak ba ng asignaturang Filipino ang ating kaalaman at


pagkakakilanlan sa ating Wikang Filipino?

5%
Oo
Hindi

95%

Sa talahanayan 6, makikita ang distribusyon kung naniniwala ba ang mga respondente na


napapalawak ng asignaturang Filipino ang kanilang kaalaman sa pagkakakilanlan sa ating Wikang
Filipino. Sa dalawampung (20) respondente, siyamnapu't limang porsyento (95%) ang sumagot ng oo at
limang porsiyento (5%) naman ang sumagot ng hindi.

Base sa aming nakalap na datos, mas marami ang sumasang-ayon na ang asignaturang Filipino ay
nakakapagpalawak ng kaalaman sa pagkakakilanlan sa ating Wikang Filipino. Maraming naniniwala na
ang asignaturang Filipino ay nakakatulong atin upang mas mapalawak pa ang ating pagkakakilanlan sa
ating Wikang Filipino.

Talahanayan 7

Sang-ayon ka ba na mapapalitan ang Wikang Filipino ng wika ng mga


taga-ibang bansa katulad ng Hangul-Korea upang pag-aralan sa ating
unibersidad?

Oo
Hindi

100%

Makikita naman sa talahanayan na ito ang lebel ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga
respondente kung papayag ba sila na palitan ang Wikang Filipino ng wika ng mga taga-ibang bansa
katulad ng Hangul (Korea) upang pag-aralan sa ating unibersidad.
Mapapansin sa grap na ito na dalawampung (20) respondente na may katumbas na 100 porsyento ang
hindi sumasang-ayon na mapapalitan ang Wikang Filipino ng wika ng mga taga-ibang bansa at zero
porsyento naman sa sumasang-ayon.

Ibig sabihin lahat ng respondente ay hindi sumasang-ayon sa pagpapalit sa ating Wikang Filipino ng
wika ng mga taga ibang-bansa dahil kapag ito ay papalitan ay may posibilidad na hindi na natin
mabibigyang-pansin ang Wikang Filipino na atin.
Talahanayan 8

Sang-ayon ka ba sa naging desisyon ng ating Unibersidad sa pagtanggal


ng asignaturang Filipino sa ibang mga kurso?

Oo
Hindi

100%

Mapapansin naman sa talahanayan na ito na sa dalawampung (20) respondente, isandaang


porsiyento (100%) ang hindi sumasang-ayon sa naging desisyon ng ating unibersidad na ipatanggal ang
asignaturang Filipino sa ibang kurso. Kaugnay nito dahil sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa ibang
departamento, hindi na nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante galing sa ibang kurso na pag-aralan
ang asignaturang Filipino at mapalawak at mahubog ang kanilang kaalaman sa lahat ng sangay na
nakapaloob sa asignaturang Filipino lalo na sa ating wikang Pambansa.

Talahanayan 9

Solusyon ba ang pagtanggal ng asignaturang Filipino upang umunlad


ang ekonomiya ng bansa?

Oo
Hindi

100%

Makikita naman sa talahanayan na ito kung pabor ba ang mga respondente na ang pagtanggal sa
asignaturang Filipino ay solusyon upang umunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa dalawampung (20)
respondente, isandaang porsyento (100%) sa kanila ay hindi sumasang-ayon na ang pag-alis ng
asignaturang Filipino ay solusyon upang umunlad ang ekonomiya ng bansa samantalang wala ni isa sa
kanila ang sumang-ayon ukol dito.

Ibig sabihin, lahat ng naging respondente namin ay hindi sumasang-ayon na ang pagtanggal ng
asignaturang Filipino ay isang solusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kung ating iisipin, paano
naman masasabi na magiging maunlad ang ating bansa kung mismong asignaturang Filipino na
nagsisilbing pagkakakilanlan ng ating bansa ay mawawala. Naniniwala sila na ang asignaturang Filipino
ang siyang magpapaunlad sa ating ekonomiya sapagkat nagagamit natin ito sa paraan ng pagbibigay
kaalaman sa iba.

Talahanayan 10

Sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, nan-


gangahulugan din ba ito ng pagtanggal sa sarili nating pagkakakilan-
lan?

18%
Oo
Hindi

82%

Makikita naman sa talahanayan na ito na ang labing-apat (14) na aming respondente na may
katumbas na walumput dalawang porsyento ang sumasang-ayon na ang pag-alis ng asignaturang Filipino
ay nangangahulugang pagtanggal sa sarili nating pagkakakilanlan. Samantala, anim naman sa aming mga
respondente na may katumbas na tatlumpung porsyento naman ang hindi sumasang-ayon.
Talahanayan 11

Makakaapekto ba sa inyong pag-aaral kung matatanggal ang asignaturang


Filipino?

20%
Oo
Hindi

80%

Makikita naman sa talahanayan na ito kung naniniwala ba ang mga respondente na kung aalisin
ang asignaturang Filipino ay makakaapekto sa kanilang pag-aaral. Sa dalawampung (20) respondente,
walumpung porsiyento (80%) ang naniniwalang makakaapekto ito, samantalang dalawampung porsiyento
(20%) naman ang hindi sumang-ayon na makakaapekto ito sa kanilang pag-aaral.

D. Sanggunian o Bibliography

Dela Cruz, J. (2018). Pagtanggal sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo, mariing tinutulan. Nakuha noong
Nobyembre 28, 2019 sa https://¬varsitarian.net/¬filipino/20181128/¬laban-ng-mamamayan-an¬g-
pagkontra-sa-pagta¬nggal-ng-filipino-pa¬nitikan-sa-kolehiyo

Fernandez, A (2014). Dapat bang alisin na ang asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad.
Nakuha noong Hunyo 24, 2014 sa https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-
bang-alisin-na-ang-asignaturang-filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/

Barker at Barker (1993). Wikang Filipino. Nakuha noong Setyembre 9, 2012 sa http://-
siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/wikang-filipino.html?m=1

You might also like