You are on page 1of 4

BUOD NG KABANATA 22

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya


Isabel sa tahanan ng San Diego dahil sa pistang darating.

Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng tahanan sapagkat ilang taon rin
siyang di nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Si Maria ay
napamahal na sa mga taong bayan dahil sa taglay nitong bait at
kagandahan.

Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at


kababayan. Lahat ng mga taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-
uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang dalaga.

Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay


napapadalas ang pagbisita at pagsama ni Ibarra sa kanya. Sapgakat, niyaya
ni Ibarra si Maria sa isang piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa
kanyang imbitasyon at agad pumayag sa pamamasyal na inalok ng binata.

Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng mga tao sa San


Diego ang kakaibang kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang
pagbabago ng kilos ni Padre Salvi at sinabi ito sa kasinatahan at kababata
niyang si Ibarra.

Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede
sila lamang dalawa ang sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga
kura.
SIMBOLISMO

Pinamagatang

para sa akin ang simbolismo ng kabanata 22 ng noli me tangere ay


na pinamagatang" Liwanag at Dilim ay ang pagkatakot ni Maria Clara kay
Padre Damaso,dito pinapakita na talagang makapangyarihan ang mga
prayle noon kaya kinatatakutan sila ng mga tao,sa kabanatang ito ay
ipinakausap ni Maria Clara sa kanyang kasintahan na huwag ng isama ang
kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob
siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.

Aral, Mensahe at Implikasyon ng Noli Me Tangere Kabanata 22

Sa Kabanata 22 ng “Noli Me Tangere” na pinamagatang “Liwanag at Dilim,”


maraming aral, mensahe, at implikasyon ang maaring mapulot.

Abuso sa Kapangyarihan: Sa kabanatang ito, nangyayari ang abuso ng


kapangyarihan ni Padre Salvi, na nagpapakita ng pagnanasa kay Maria
Clara. Ipinapakita rin ng kabanatang ito na ang mga nagtataglay ng
kapangyarihan ay maaring magamit ito para sa kanilang personal na interes
na maaaring magdulot ng takot at pangamba sa iba.

PAGPAPAHALAGANG PILIPINO

Kawalang-katarungan: Pinapakita rin sa kabanata na ito ang kawalang-


katarungan sa sistema. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng kwento ni Pedro
na humihingi ng tulong para sa kanyang nawawalang mga anak at baliw na
asawa. Ang karanasang ito ay nagpapakita ng implikasyon ng hindi patas na
sistema sa buhay ng mga mahihirap.
Pagpapahalaga sa Relasyon: Sa kabila ng mga problema at banta sa paligid,
ipinapakita rin sa kabanata na ito ang kahalagahan ng relasyon. Ginawa ni
Crisostomo ang lahat para maprotektahan si Maria Clara mula sa mga
panganib, na nagpapakita ng kanyang pagmamahal at malasakit sa
kanyang kasintahan.

Kapangyarihan ng Katotohanan at Pag-asa: Sa gitna ng dilim, may liwanag –


isang mensahe na maaring matutunan sa kabanatang ito. Sa kabila ng mga
kawalang-katarungan at mga problema, ipinapakita ni Ibarra na ang
katotohanan at pag-asa ay maaaring magsilbing liwanag para sa lahat.

Mga taohan

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 22: Liwanag at Dilim

Sa Kabanata 22 ng “Noli Me Tangere” na may pamagat na “Liwanag at


Dilim”, ang mga tauhan ay ang mga sumusunod:

1. Padre Salvi – Ang kura ng San Diego na nagpapakita ng mga


kakaibang kilos na napapansin ng mga mamamayan. Sa mga
pagkakataon na dumadalaw siya sa bahay nina Maria Clara,
nagliliwanag ang dami ng kandila sa kumbento.

2. Maria Clara – Ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na


nagpahayag ng kanyang pangamba kay Padre Salvi sa kanilang
pag-uusap.

3. Crisostomo Ibarra – Ang binatang nagbabalik mula sa Europa


at kasintahan ni Maria Clara. Binigyan niya ng pangako si
Maria Clara na gagawin niya ang lahat para hindi
maanyayahan si Padre Salvi sa kanilang salu-salo.

4. Pedro – Isang lalaki na humihingi ng tulong kay Ibarra para sa


kanyang nawawalang mga anak at sa kanyang asawa na
nawalan ng bait.

5. Tiya Isabel – Ang kasama ni Maria Clara sa bahay, na


binabanggit din sa mga usapan ng mga mamamayan.

6. Mga mamamayan ng San Diego – Sila ang nag-uusap-usap


tungkol sa mga kakaibang kilos ni Padre Salvi at sa ugnayan
nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra .

You might also like