You are on page 1of 5

IKA-APAT NA MARKAHAN

PINAL NA AWTPUT
SA
FILIPINO 9

“NOLI ME TANGERE”

ANG PAGTITIPON
KABANATA 23

IPINASA NI: HENRY VALDEZ (POGI)

IPINASA KAY: G. ARIES G. MADARANG

GURO SA FILIPINO
BUOD NG KABANATA 22

Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi niya
sa bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang kaibigan
na sina Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan at
nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at ilang


matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada
sa dalampasigan. Sila ay may dala-dalang mga pagkain.

Sumakay sila sa bangka. Tig-iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog
ang bangka kung sila lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay may kasamang
binata.

Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at si


Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng isang lalakeng
nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto ng mga bangka.

Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at


umawit ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap si
Elias ng isang buwaya.

Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa buwaya.


Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Ng
matiwasay na ang lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda at
sa piknik.
SIMBOLISMO

Pagkasakim at ganid

Sila ang mga politikong mas inu-una ang sarili at ang pera nila kesa sa mga
mamamayan. Ang sumisimbolo sa buwaya sa kabanata 23 ng Noli Me
tangere ay ang pagkasakim at ganid. Makikita natin ito sa mga karakter
katulad ng mga abusadong Prayle na ginagawa ang lahat upang sila’y
mapanatili sa isang makapangyarihang pwesto.

PAGPAPAHALAGANG PILIPINO

Sa kabanatang ito, ay ating makukuha ang aral tungkol sa masayang


kaugalian ng mga Pilipino na pagsasama-sama upang magkaroon ng
simpleng kainan.

Tulad na lamang ng mga binata at dalagang kaibigan ni Maria Clara at


Ibarra. Sa kabanatang ito, sila ay nagsama-sama sa isang piknik upang
magsalo-salo at magsaya.

Makukuha din natin sa kabanatang ito ang aral tungkol sa


pagiging matulungin sa kapwa. Tulad na lamang ng ginawa na pagtulong
ni Ibarra kay Elias nang ito ay muntik ng mapatay ng buwayang nakatira sa
lawa.

Hindi nag-alinlangan ang binata at agad na tumalon upang tumulong kahit


alam niyang siya ay maaring mapahamak.

Mga taohan

Mga Tauhan ng Kabanata 23

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan na nabanggit sa ikalawampu’t


tatlong kabanata ng Noli Me Tangere.
Maria Clara – Siya ay kilala bilang anak ni Kapitan Tiyago, subalit ang
tunay nitong ama ay si Padre Damaso.

Sinang – Ang masiyahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitana Tica.

Iday – Ang ginawaran ng halik ni Maria Clara dahil sa kaniyang pagtugtog


ng alpa upang hindi mainip ang mga naghihintay sa panghuhuli.

Neneng – Isang mahinhin na dalaga na kaibigan ni Maria Clara at kaniyang


kasama sa paglalakad patungo sa gubat.

Albino – Isang payat na binatang seminarista na umiibig sa dalagang si


Victorina.

Tiya Isabel – Siya ay ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nagpalaki kay Maria
Clara at itinuring ito bilang isang tunay na anak.

Crisostomo Ibarra – Isang Filipino-Spanish at nag-iisang inapo ng


mayamang Kastila na si Don Rafael Ibarra. Siya ay ipinanganak at lumaki
sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pagbinata, siya ay pitong taon na nag-aral
sa Europa.

Victoria – Siya ay isa sa mga babaeng kaibigan ng dalagang si Maria Clara.

Andeng – Siya ang naghanda ng sabaw na paglulutuan ng mga nahuling


isda.

Leon – Ang kasintahan ni Iday na siyang sumigaw kay Albino upang siya
naman ang mangisda.

Bangkero (Elias) – Isang takas na nakatira sa San Diego. Sa pagtitiis ng


sunud-sunod na trahedya, nagsimula siyang magtrabaho upang mapabuti
ang lipunan.

Matapos iligtas ni Crisostomo Ibarra ang kanyang buhay ay sinimulan


niyang tulungan ang binata, iniligtas niya ito sa maraming pagkakataon.

You might also like