You are on page 1of 2

UNANG PAGBASA

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Haring Nabucodnosor: “Sadrac, Mesac, at Abednego, totoo bang hindi kayo
sumasamba sa rebultong ipinagawa ko?” tanong ng hari. “Iniuutos ko sa inyong sumamba kayo sa ipinagawa
kong rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa
naglalagablab na pugon. Tingnan ko lang kung may diyos na makapagliligtas sa inyo.”

Sinabi nina Sadrac, Mesac at Abednego, “Mahal na hari, wala po kaming itututol sa inyo tungkol sa bagay na
ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa
pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa
rebultong ipinagawa ninyo.”

Namula si Haring Nabucodnosor sa tindi ng galit kina Sadrac, Mesac at Abednego. Kaya, iniutos niyang
painiting makapitong ibayo ang pugon. Iniutos din niya sa pinakamalalakas niyang tauhan na gapusin sina
Sadrac, Mesac at Abednego at ihagis sa apoy.

Walang anu-ano’y napalundag si Haring Nabucodnosor. Pamanghang itinanong niya sa kanyang mga tagapayo,
“Hindi ba’t tatlo lamang ang inihagis sa apoy?”

“Opo, kamahalan,” sagot nila.

“Bakit apat ang nakikita kong lalakad-lakad sa apoy at hindi nasusunog? At yaong isa, ang tingin ko’y diyos!”

Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Diyos nina Sadrac, Mesac at Abednego! Nagsugo siya ng anghel upang
iligtas ang mga lingkod niyang ito na ganap na nanalig sa kanya. Hindi sinunod ng mga ito ang aking utos;
ginusto pa nilang sila’y ihagis sa apoy kaysa sumamba sa diyus-diyosan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Salmong Tugunan ang atin pong itutugon:


Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.
Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.
Tugon:

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;


lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
Tugon:

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono,


karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
Tugon:

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,


nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.
Tugon:

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;


karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
Tugon:

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

You might also like