You are on page 1of 15

Talaan ng NIlalaman

Kabanata 1: Suliranin at Kaligirang Pangkasanayan

Panimula…………………………………………………………………………...……………2

Pahayag ng Probema……………………………………………………………..…………4

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………4

Layunin ng Pag-aaral…………………………………………………………………………6

Saklaw at Limitasyon…………………………………………………………………………..6

Balangkas Teoretikal…………………………………………………………………………..7

Depinisyon ng mga Terminolohiya………………………………………………………….9

Kabanata 2: Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura……………………………………10

Kabanata 1

1
SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASANAYAN

Panimula

Sa ating araw-araw na pamumuhay, ang wika ay naging bahagi na ng ating

pakikipagtalastasan. Dito ay ating naipapahayag ang ating mga saloobin at nais sabihin sa

pamamagitan ng mga tunog at simbolo na ating isinasagawa. Sapagkat nagtataglay ito ng gamit

instrumental, ang wika ay tumutulong sa ating mga tao upang madaling maisagawa ang mga

bagay na ating minimithing gawin. (Halliday, 2017)

Ang wika ay ‘di lamang nagagamit sa pakikipagtalastasan bagkus ito ay ginagamit din sa

pagpapangalan, pagmumungkahi, paghingi, berbal na pagpapahayag, pag-uutos, at pakikipag-

usap. Ang wika ay mistulang makapangyarihan sapagkat dito ay nabuksan ang kaisipan ng bawat

mamamayang Pilipino at nag-udyok sa pagsiklab ng damdaming nasyonalismo.

Noong Nobyembre 13, 1895, ipinagtibay ng Saligang Batas 1987 na ang wikang Filipino

ay ang magiging pambansang wika ng Pilipinas at ito ay idineklara ni dating Pangulong Manuel

L. Quezon. Isa sa unang layunin nito ay magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan ng Pilipinas.

Ayon kay (Gleason, 2000), Ang wikang Filipino ay isang malawak na instrumento na

sumasaklaw sa marami pang wika at nagsisilbing ispesipiko, masistema, at pangkalahatang wika.

Sa kasalukuyang panahon, ang wika ay unti-unti nang nawawalan ng kagamitan sapagkat

patuloy na lumalaganap ang mga wika na galing sa ibang bansa at ito na ang kadalasang

ginagamit ng mga kabataan ng kasalukuyang panahon. Kaugnay nito, ang sistema ng edukasyon

ay tanging sandigan na nagpapabuhay sa ating wikang Filipino. Dito ay nakapaloob sa kanilang

kurikulum ang pag-aaral at paggamit ng ating wika na lubusang kinakailangan upang maipasa

ang asignatura bilang isa sa mga kahingian. Ilan sa mga asignaturang nangangailangan ng

2
paggamit ng wika ay Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik at

Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Subalit ang ibang asignatura ay

nangangailangan din ng paggamit ng wikang Filipino upang lubos na maunawan ng mga mag-

aaral kung paano ito ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipagusap. (Ayon, 2019)

Sa pag-aaral na ito ay naobserbahan ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral ng

Montessori De Sagrada Familia (MDSF) ay madalas na nagkakaroon ng impormal na

komunikasyon o kadalasang pagkakaroon ng gunam-gunam sa kanilang isipan ukol sa mga

salitang Tagalog. Kung kaya’t ninais nila na sukatin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

MDSF upang malaman kung paano ito nakaaapekto sa pakikipagtalastasan. Bilang karagdagan,

ang mga mananaliksik ay bibigyan din ng pansin ang tamang gramatiko na ginagamit ng bawat

mag-aaral sa pangaraw-araw na pakikipag-usap. Ang kasanayan sa pakikipagtalastasan at

kaalaman sa terminolohiyang tagalog ay lubos na makatutulong ‘di lamang sa asignaturang ito

bagkus ay pati na rin sa pakikipag-usap sa ating mga kapwa Pilipino na mula sa iba’t ibang pulo

ng Pilipinas.

Pahayag ng Problema

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Pananaliksik sa Wastong Paggamit ng Wikang

Filipino sa Pakikipagtalastasan.” Nilalayon nitong matukoy ang antas ng kaalaman ng mga

mag-aaral sa baitang 11 ng MDSF ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-usap.

Partikular, ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa sa paggamit ng

wikang Filipino?

2. Ano ang epekto ng pag gamit ng wika sa wastong paraan?

3
3. Ano ang lebel ng kasanayan ng bawat mag-aaral ng baitang labing-isa sa wikang

Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magbigay ng impormasyon tungkol sa wikang

Filipino at bigyang diin ang importansya nito. Ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga

sumusunod:

Mga estudyante. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang

kanilang kaalaman sa kanilang pambansang wika. Nagsisilbi rin itong tulong sa

kabihasaan sa kanlang pananalita at lenggwahe.

Mga guro. Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang mga

estudyante nang sa gayon ay kanilang magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa

tamang paraan sa paggamit ng kanilang wika. Magiging isang malaking karangalan at

tagumpay kung maipagyayabong ng mga guro ang kagalingan ng mga estudyante sa

paggamit ng wikang Filipino.

Mga magulang. Ang mga magulang ang may pinakamalaking impluwensya sa kanilang

mga anak sapgkat sila ang mga nagsilbing unang guro nito. Kaya naman mayroon silang

kakayahan magbigay ng payo sa kanilang mga anak kasabay ng paggabay tungo sa

maayos na pananalita at paggamit ng pambansang wika.

Mga administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing tulong sa administrasyon

sa kadahilanang makakukuha sila ng kaalaman kung ano na ang estado at antas ng

4
kaalaman ng mga estudyante sa wikang Filipino, at kung ito ba ay nagagamit pa ng

wasto. Maaari nalang maibahagi ito sa bansa at mahikayat ang lahat upang mapaunlad pa

ang wikang Filipino.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa antas ng kaalaman ng

mga estudyante sa henerasyon ngayon. Nais nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Malaman ang antas ng kaalaman ng bawat mag-aaral ng baitang labin-isa sa paggamit

ng wikang filipino sa pang araw-araw na pakikipag-usap.

2. Malaman kung ang wastong paggamit ng wika ay naka-aapekto sa pakikipagtalastasan.

3. Malaman ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa baiting labing-isa sa wikang

filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kaalaman ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng

MDSF ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-usap. Ginawa ang pag-aaral na ito sa

Montessori De Sagrada Familia sa bahagyang katuparan ng asignaturang Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa akademikong taong 2022-2023. Ang mga

aspetong kinonsidera sa pananaliksik na ito ay ang wikang Filipino, paraan ng pakikipag-usap, at

ang nakasaad na mga problema at ang mga maaaring solusyon sa mga ito.

5
Balangkas Teoretikal

PiliFilipino

Ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at

kaibuturan ng wika.  Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at

pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface

structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna

sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim ng wika. Ito ang

nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil

walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang malakas

at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi

ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga’t

di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang

tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika.

Teoryang Panggramatika

Ang wika ayon kay Gleason, sa pagbanggit nina Garcia et al.  (2008), ay masistemang balangkas

ng mga sinasalitang tunog na inaayos at pinipili saparaang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng

mga taong kabilangsa isang kultura. Sa depinisyon, isang katangian ng anumang wika angpagkakaroon ng

sistema: sistema ng mga tunog at mga kahulugan. Kapag angsistema ng wika ay malalabag, magreresulta

ito sa mali o malabong pahayagna labis na nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon.Ang bawat wika ay

may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarilao gramatika. Ang isang mag-aaral kung gayon ay

dapat na marunong sa mgatuntuning ito upang magamit niya nang tama ang wika sa pagpapahayag,pasalita

6
man o pasulat. Samakatuwid, kailangan ang paglinang sa kakayahangpanggramatika ng mag-aaral dahil

mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahangkomunikatibo ng mag-aaral. (Hicana, 2020)

Teoryang Panggramatika (Gleason)


PiliFilipino a. Makabagong Gramar ng
a. Paimbabaw Filipino
b. Lalim at; b. Beheyvyoristik at Kognitibo
c. Ubod ng wika c. Awdyo-Linggwal at
Komunikatibo

Pamagat ng Pananaliksik

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Filipino – ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas.

Guman-gunam – ang pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o ang pagwawari.

Wika – ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

PiliFilipino – Ito ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng wikang

filipino na may sandamakmak na varayti.

7
Tagalog – isa sa mga batayan ng wikang Filipino. Isang kasapi ng pinakamalaking pangkat

etniko sa Pilipinas.

Kabanata II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero ang

pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily Inquirer 2016).

Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon ngayon ang

pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman

dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng

panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa

na rin ang modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o

pag usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016)

8
Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine Constitution sinasabing ang paggamit ng

wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon. Nakasaad

din na kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng pakikipag talastasan sa

Pilipinas at bilang parte ng sistema ng edukasyon. Mula noon ang paggamit ng Tagalog ay

lumawak hindi na lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao na rin lumawak ang

paggamit ng Tagalog atpaggamit ng makrong kasanayan lalo na sa sistema ng pananalita o

pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral

o mananaliksik ng linguistics at mga guro sa asignturang Filipino naging dalubhasa sila sa wika

bilang requirements nila para makakuha ng digri o kaya naman makapasa. Hindi required ang

mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil hanggat naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito

tuluyang nababon o unti-unting nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga

terminolohiyang mas maikli o mas madali bigkasin (Baldon et.al 2014).

Lokal na Literatura

Batay sa pook-sapot na Wikipedia Sa kanilang artikulo na “Paggamit ng wikang

pambansa”, sa pamamagitan ng bagong pagsulong sa isang pambansang wika, binigyang-diin

ang halaga ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at paagkakakilanlan sa mga Pilipino. Ito ay isang

mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang wikang maipapagmalaki

kaya nararapat lang itong gamitin at hindi ikahiya. Ito rin ang nagsilbing simula upang suriin sa

hinaharap ang halaga ng wika sa pagsulong ng kalayaan at pagkakaisa ng bansa.

Batay naman sa isang artikulo sa inquirer.net na pinamagatang Numbers on Filipino,

Cebuano and English nakasaad dito na isa ang Tagalog sa tatlong pangunahing wika sa buong

Pilipinas kasabay ng Cebuano at Hiligaynon. Humigit kumulang 37.8 porsyento o higit 39

9
milyong katao sa Pilipinas ang gumagamit nito sa pakikipag usap. Mas malaki ito ng di hamak

sa ibang makrong kasanayan dahil karaniwang ginagamit sa pag sulat ay ingles.

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine constitution ang paggamit ng wika sa

pakikipag talastasan ay dapat tuloy-tuloy at dapat pang mas paunlarin sa pagtagal ng panahon

bilang batayhan ng iba pang wikang ginagamit sa pilipinas.

Sinasabi rin na ang pakikipag usap o pagbibigay utos o instruksyon ay dapat nakasaad sa

Filipino at yan lamang maliban na lang kung inatas ng gobyerno na gumamit ng ingles. Ang

paggamit ng rehiyunal na wika ay auxiliary lamang o nag sisilbi lamang pansuporta sa

pambansang wika (Art. XIV, Sec. 7 ng Philippine constitution)

Batay naman sa Pressreader sa artikulo nila na “Wikang Filipino pagyayamanin sa ‘Aklat

ng Bayan” na mas mapapaigting ang paggamit ng ating wika sa pakikipag-talastasan at

pagsusulat kung ililimbag sa Tagalog ang mga banyagang libro upang mas lubos na maunawaan

at tuluyang masabi na may kasarinlan ang bansa pagdating sa wika at literatura.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Arocha (2016), Ang wika ang maituturing pinakamabisang kasangkapan sa

pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika ay magiging sandata natin sa ating

pakikihamok sa mga hamon ng buhay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama

ay maipapahayag natinang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan o kahit na sino

pa na ating kilala.

Ayon kay Batnag at Kabayan, (2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at

multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag

hindilamang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum na

10
Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang

baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ayon kay Carroll (1964), na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at

nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na

isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang

antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Porter (2012) isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon.

Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman;mithiin at nararamdaman

sa halos lahat ng aspect ng pag-iiral sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay

angepektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa

pamamagitan ng wika. Kinakailangang magingmahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng

wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang

tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina.

Ayon kay Saragosa (2005) marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at

mapaunlad ang Wikang Pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang

Filipino bilang Wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang mga makabayang

dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng Pambansang Wika sa pagtuturo ng kaalamang

teknikal at aghamin ang susisa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga ang paggamit ng

Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki angmaitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga

Pilipino.

Banyagang Literatura

11
Batay sa pahayag ng Basic Knowledge 101 na kinuha mula sa

(http://www.basicknowledge101.com/subjects/languages.html), ang wika ay systematiko o uri ng

pakikipag-usap na tunog, sinbolismo at may tinatawag din na Cognitive Process ibig sabihin ang

wika rin ay nangangailangan ng malalim na pang-unawa. Sistematiko din ang paggamit ng wika

dahil may sinusunod itong pormat lalo na sa pakikipag-usap. Kaya nararapat itong bigyang tuon

sa pag-aaral pati kung paano ito gamitin ng lubos dahil hindi lubos na masasabi itong pormal

kung ang paggamit ay pabago-bago at paiba-iba.

Valentino (2018) sinaad niya sa kanyang sagot sa quora mula sa tanong na “What is the

role of language in communication” na ang wika na ginagamit sa pakikipag talastasan ay

sumasalamin sa kultura ng isang tao. Sa pamamagitan din ng wika mas nagiging eksakto o

malinaw ang ideya o kaisipan ng isang paksa habang nakikipag-usap. Wika din daw ang

instrumento sa pakikipag-tao at pagkalap ng impormasyon

Surbhi (2016) ang pakikipagtalastasan at ang wika ay minsan hindi mag tugma dahil sa

sumusunod na kadahilanan. Una, Paggamit ng magkasalungat o hindi kompatibol na wika.

Pangalawa, kakulangan sa pag-aaral lalo na kung gumagamit ng ikalawang wika ang kausap. at

pangatlo ay ang taymlayn ng terminong ginamit lalo na sa makabagong panahon kung saan

umusbong ang ibat-ibang termino na tanging higit kabataan lang ang nakaka intindi.

Batay sa isang artikulo sa the libraries na pinamagatang “Communication in the real

world: an introduction to communication studies” ang lenguahe ay ginagamit sa pagpapahayag

ng obserbasyon, kaisipan, damdamin, at pangangailangan. Nakasaad din na ang wika ay

makapangyarihan kaya dapat itong gamitin ng tama dahil magiging magulo ang paghahayag

kung ito ay hindi pormal at nahahaluan ng paiba-ibang termino

12
Ayon sa washington.edu at sa artikulo nito na “Effective Use of Language” isa sa mga

paktor na nakakaapekto sa paghahayag ng ideya habang nakikipag talastasan ay ang pagiging

malinaw at hustong paggamit ng wika. Ang paghahayag daw gamit ang wika ay hanggat maaari

ay malinaw at madaling maintindihan dahil nay nga terninong nakakalito at meron mga

terminong may maraming kahulugan. Ilan lamang yan sa mga paktor na nakakaapekto sa wika

pag dating sa pakikipag talastasan.

Banyagang pag-aaral

Ayon sa Utrecht Institute of Linguistics OTS angpaggamit ng wika sa

pakikipagtalastasan ay kelangang precise o eksakto batay sa tunay na bokabularyo para mas

malinaw na maipahiwatig ang mensahe at pormal ang paraan ng pakikipag usap habang

nakikipag talastasan. Nakasaad din dito na ang kelangang maintindihan kung paano gumagana o

ginagamit ang wika, at kung ito ba ay nagamit ng tama, sa papaanong paraan.

Ayon kay Sirbu (2015) ang pagkakaisa ng Bansa sa Wika lalo na sa pakikipagtalastasan o

pagkakaroon lamang ng isang wika sa pakikipag usap ay mas makakatulong sa

pagkakaintindihan at pag-bubuklod o pagiging isa ng nasyon. Kelangan ang paggamit nito ay

pormal at hindi mahahaluan ng ibang wika. Kailangan ito rin ay simple at madali maunawaan

para sa lahat.

Batay kay Widdowson (1978) ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang wika sa paaralan

ay para sa wasto at malinaw na paggamit nakasaad din dito na kelangan natin iwasto ang ating

paggamit ng wika dahil maaaring mag ugat ito sa hindi pagkakaunawaan.

Nakasaad sa pag-aaral ni Rommetveit (1974) parte na ng kultura ang wika at bilang parte

nito dapat gaya ng kultura ito ay dinamiko o pinapaunlad sa pag-tagal ng panahon dahil gaya ng

13
wika ang pag-babago ay maaaring maganap sa lahat ngunit dapat sa pag-tagal ng panahon

manatiling pormal ang paggamit sa pakikipagtalastasan.

Nakasaad sa pag-aaral ni Akmajian (2017) na nagkakaiba ang paggamit ng wika sa

karamihan sa kadahilanan ng mga dayalektong umusbong kaya napag pasyahan din ng

karamihan sa mga bansa na magkaroon ng Pambansang Wika. Ito ang sentro ng kalakalan at

maaaring maging sentro ng pakikipagtalastasan dahil magigigng mandatoryo ito o ipapatupad sa

buong bansa.

Sintesis ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang mga pananaliksik na ito ay hinango sa mga batayang aklat na ginamit upang

magkarooon ng sapat na kaalaman sa epektibong pagbigkas ng Wikang Filipino at sa tamang

paggamit ng mga salita. Ang pag-aaral ng salitang wika ay isang mabisang paraan upang higit na

magkaunawaan ang mga tao. Ang wika ang nag-uugnay sa bawat Pilipino. Wika ang kaagapay

ng mga Pilipino sa pakikipagtalastasan. Ang pakikipagtalastasan ay ang pakikipagpalitan ng

ideya at kaisipan o kaya naman ay pakikipag-usap upang makapagbahagi ng impormasyon ukol

sa isang bagay. Gamit din ang wika samga hanap-buhay at sa paaralan na siyang humuhubog ng

kaalaman ng mga musmos. Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral na isang

mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos atangkop na paggamit

ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahangkumuha at makapagbahagi ng

kaalaman, ng mga mithiin, at nararamdaman. Ang pakikipagtastasan ay isang sining kung saan

tayo ay nakakapagpalawak ngating mga kaalam hingil sa isang bagay. Dito, tayo ay nagpapalitan

ng mag opinion, kaalaman at kuro-kuro para sa ikakaunlad ng bawat isa. Mahalaga ito dahil

malayang nasasabi ng mga mag-aaral o mga tao ang kanilang saloobin o lumang iniisip na may

kinalaman sa paksang tinatalakad nila. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.

14
15

You might also like