You are on page 1of 1

06.

02 12:18 PM
EPEKTO NG PAGPUTOL NG PUNO – Ang kahalagahan ng mga puno sa tao at kalikasan at
epekto ng pagputol ng mga ito.

Maituturing na likas na yaman ay ang mga puno sa ating kapaligiran. Masarap sa mata
na makita ang mga berdeng dahon nito at masarap sa pakiramdam na madama ang
malamyos at ginhawang dala ng silong nito.

Subalit marami sa mga tao ay mapang-abuso. Marami ang umaabuso sa kapaligiran at


ang mga mapang-abusong gawain na mga ito ay bumabalik rin sa mga mamamayan. Tulad
na lamang sa walang habas at iligal na pagputol ng mga puno sa kapaligiran at sa
mga kagubatan.

Ito ang ilan sa mga epekto:

Mawawalan ng tahanan at natural habitat ang napakaraming hayop tulad ng ibon.


Pinaiiksi nito ang buhay ng kapaligiran at buhay ng mundo.
Pagkakaroon ng mga malalalang landslides at pagbaha.
Mawawalan ng source of oxygen ang mga tao.
Magiging kaunti o mawawalan ng source ng pagkain ang mga hayop.
Ang pagputol ng puno ay maari ring magresulta sa kaunting pagmumulan ng kagamitan
na ginagamit ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Malaking pagbabago sa klima ng mundo.
Pagtaas ng lebel ng greenhouse gases na magreresulta ng matinding init sa mundo.
Ang kawalang ng tahanan ng maraming hayop ay magiging dahilan ng kanilang kamatayan
na magiging dahilan ng pagkawala ng balanse sa ecosystem.

You might also like