You are on page 1of 1

Karlo S.

Carpio July 4, 2023


PO2A

Sagot:
Ayon sa aking pananaliksik, ito ang mga batas ng ating bansa na naglalayon na
maprotektahan ang mga karapatang pang kababaihan. Ang mga batas na ito ay
naglalayon upang mailayo o maprotektahan ang mga kababaihan sa mga masasamang
tao ngunit para sa akin ay bago natin tuparin ang mga batas na ito ay kailangan din
magkaron ng sapat na edukasyon hindi lamang ang kalalakihan kundi pati na rin ang
mga kabataan na magpopromote sa ugali ng pagrespeto at pagbibigay kahalagahan sa
mga kababaihan na sumisimbolo sa ating mga ina na ilaw ng tahanan at magiging
epektibo kung ang bawat mamamayan ay magkakaroon ng edukasyon ng values ng
pagiging isang tunay na lalaki na gumagalang sa karapatan ng bawat isang
kababaihan. Ang paggalang at pagprotekta sa mga karapatan ng kababaihan ay hindi
lamang salamin ng pag-unlad sa lipunan at sibilisasyon ng tao, ito ay malapit din na
nauugnay sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran. Ang mga kababaihan ay
madaling mabiktima ng lahat ng uri ng karahasan sa mga sitwasyon ng armadong
tunggalian. Hindi lamang iyon isang matinding paglabag sa mga karapatan ng
kababaihan, ngunit ito rin ay isang hamon sa ganap na paglutas ng mga tunggalian at
muling pagtatayo ng lipunan.

• Pagbabawal sa Diskriminasyon Laban sa Kababaihan


Ipinagbabawal ng RA 6725 ang diskriminasyon na may kinalaman sa mga tuntunin at
kundisyon ng pagtatrabaho batay lamang sa kasarian.
Sa ilalim ng batas na ito, ang sinumang tagapag-empleyo na pinapaboran ang isang
lalaking empleyado kaysa sa isang babae sa mga tuntunin ng promosyon, mga
pagkakataon sa pagsasanay, at iba pang mga benepisyo dahil lamang sa kasarian ay
itinuturing na diskriminasyon.

• Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004


Ang RA 9262, o An Act Defining Violence Against Women and Their Children, Providing
Protective Measures for Victims, Prescribing Penalties Therefor and for Other Purposes,
ay kinikilala ang pangangailangang protektahan ang pamilya at mga miyembro nito
partikular ang kababaihan at mga bata, mula sa karahasan at pagbabanta sa kanilang
personal. kaligtasan at seguridad.

You might also like